Chapter 35: I need to pee

649 40 2
                                    


Lauriz p.o.v

"Hindi mo man lang ba kami papapasukin? Nangangalay na ang mga paa ko oh." Reklamo naman nitong Zynard na to. Saka ko lang naalala na kanina pa pala kami nakatayo rito.

"Ako muna." Angal ni Fleus. Kasi nagtulakan sila para lang mauunang makapasok.

Tumabi naman ako para makapasok sila. Napaawang na lamang ang aking bibig makitang sumalampak na ang apat sa sahig. At nauna ng umupo sa sofa si Zynard na siyang salarin. Dumekwatro pa ang chonggo.

"Zynard naman. Di ka man lang naawa sa ayos ko? Tingnan mo, nagusot tuloy ang damit ko. Pinlantsa ko pa naman to ng maayos tapos sisirain mo lang?" Nakangusong sabi ni Jesthon pero binatukan lang ni Froiland.

"Umayos ka nga. Nakakahiya, may chics." Sabi pa nito. Tumayo naman agad si Jesthon at agad inayos ang suot maging buhok. Ganon din ang iba. Saka pacool na tinungo ang sofa.

Cool namang umupo si Fleus pero dahil di nakatingin sa inuupuan kaya ayan sa sahig dumeretso. Pero tumayo din agad sabay sabi ng "kaya n'yo ba yun?" Natawa na lamang kami sa kanya.

Mukha silang mga seryoso sa school pero kung makikilala mo na wala rin naman pala silang pinagkaiba sa aming tatlo. Medyo malala lang kami nina Brin.

Yung mga dala nilang bulaklak nando'n sa mesa. Iyun siguro ang nililigawan nila. Well, pinaghanay lang naman nila yun kanina na may nakasulat pang CAN I COURT YOU. Si Fleus ang may hawak ng may word na CAN kaya pala siya ang nauna. Si Froiland ang may hawak nong flower na may letrang I at si Loiden ang may nakalagay na COURT, YOU naman ang kay Jesthon samantalang ang hawak ni Zynard ay bulaklak na may (question mark) ? na letra. At dahil pinapapasok ko daw sila ibig sabihin Oo ang sagot ko. Kaya ang inabot nilang bulaklak sa akin may nakasulat na Oo.

Kaya pala tinanong nila kung kinilig ba ako. Eh, di ko naman napansin yung mga bulaklak nila kanina. Kasi naman sa mukha nila ako nakatingin. Ikaw kaya makakakita ng mga gwapo syempre mukha talaga ang target ng mga mata mo.

Sumunod narin ako sa kanila at umupo sa single couch. Nagcrosslegs pa para magmukha talaga akong model ng duster. Ehemm. Nagcross arms din ako bago sila tingnan isa-isa ng diritso.

Pansin kong nagkatinginan sila na parang nag-uusap ang mga mata. Nagsisikuhan pa ng palihim. Tapos si Fleus, parang tinutulak-tulak si Zynard. Si Zynard naman aaktong tatayo pero uupong muli. Pansin ko ding pinagpapawisan siya. Malamig kaya rito sa sala.

"Saan yung CR nyo? Biglang sumakit ang tiyan ko." Sabi naman ni Froiland at hawak pa ang tiyan. "Loiden naiihi ka di ba?" Tanong niya kay Loiden na pinandilatan pa ito ng mata.

"Oo nga naiihi ako." Bigla namang sabi ni Loiden. "Tara sabay na tayo." Saka tumayo at umalis.

"Nauuhaw ako. Yun kasing isa dyan di man lang makapag-offer kahit tubig man lang." Pamparinig niya pero di ko nalang pinansin. Alam ko namang may ibang tumatakbo sa mga utak ng mga to. Don ako mas intresado.

Nakanguso akong pinagmasdan ang dalawang naiwan. Napansin kong may mukhang papalapit sa akin pero di natuloy dahil may lumipad na sapatos sa mukha niya.

"Araykonaman Zynard! Para pinagbigyan ko lang si Lauriz dahil nakanguso, kasi para siyang naghihintay ng kiss eh." Reklamo niya pero death glare lang ang sagot nong isa.

"Sige na tol. Mag-usap na kayo. Second voice lang ako." Sabi naman ni Fleus.

"Anong second voice ka dyan?" Tanong ni Zynard.

"Taga-ulit ng sasabihin nyo. Hahaha! Alam ko kasing di ka makapagsalita." Bago pa man lumipad ang pangalawang sapatos ni Zynard ay napatakbo na si Fleus palayo.

"Oh, ikaw di ka rin aalis?" Tanong ko sa kanya.

"Why should I?" Nakakunot-noo niyang tanong.

"Malay mo naiihi karin." Biro ko.

"Actually. Ahmm. Ehemmm."

"Ano?" Seryoso kong tanong. Siya naman namumula at pinagpapawisan pang lalo. Nong lasing siya, dirediretso kong magsalita. Ngayong wala siyang nainom na alak nabubulol ang dila? "What?" Tanong ko ulit na nakangiti. Pero ang totoo kinakabahan ako sa anumang sasabihin niya. Panay iwas niya rin ng tingin.

"I— I have something to tell you!" Mabilis niyang sagot at tiningnan ako ng diretso. Bigla nalang tumambol ang puso ko makita ang kanyang mga mata. Tender loving eyes. Uy english yun. Nakita ko yun sa dictionary ni kuya Zyn.

"L—lau" ganon na ba kahirap banggitin ang pangalan ko? Mapalitan nga yun ng Laura nalang.

"Lauriz." Bigla niyang sabi. Na lalong ikinatambol ng aking puso.

"Waah! Binanggit mo narin sa wakas ang pangalan ko ng parang may something." I joked. Pero siya seryoso parin at nginitian ako ng bahagya.

"Ngiti yun di ba? Ngiti ka nalang palage, mas lalo kang nagiging cute." Puri ko na umani naman ng ilang tikhim na sinamahan pa ng pekeng ubo.

"I—" panimula niya.

"I—" pag-uulit niya at napapalunok laway pa.

"I—"

"I need to Pee." Biglang sabi niya kasabay ng mga kalabog. Bumagsak lang naman sa sahig sina Loiden, Froiland, Fleus at Jesthon na kanina pa nakasilip sa may pintuan ng kusina at nakikinig sa pag-uusap namin.

"Iyun na yun eh. Tsk!" Sabi ni Fleus na halatang dissapointed. Si Zynard nakakamot sa ulo bago tumayo at nagtungo sa banyo.

Nagsitayuan naman yung apat. At bumalik sa kanya-kanyang pwesto kanina nong di pa sila umalis.

"Kahit kailan talaga." Iiling-iling pang sabi ni Jesthon.

Ako naman ito tumahimik. Parang natutuwa na parang naguguluhan. Ayaw ko mang mag-assume na mahal niya ako pero yung puso ko naghihintay sa salitang I love you mula sa bibig niya ngayong di siya nakainom ng kahit ano. Pero natatakot at nalilito dahil di ko alam kung ano ang isasagot ko. Maraming what if sa utak ko. At ayaw ko rin naman siyang paghintayin as well as paasahin kung sa huli hindi ako sigurado kung siya parin.

Hindi parin niya kilala kung sino at ano nga ba ako. Higit sa lahat, hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko. Ayaw ko ring may masaktang iba. Ayaw kong may mag-away nang dahil sa akin. At ayaw kong magkamali ng pagpili. Kung siya ang pipiliin ko paano kung after ng ilang taon magsasawa kami sa isa't-isa? Walang forever kahit may together.

Ni hindi ko alam kung mahal ko din ba siya o mahal din ba niya akong tunay. Malay natin nachallenge lang siya o ba kaya humanga lang. Pwede ring nagkacrush? Sa edad ba naming to di maiiwasang magkacrush pero minsan mahirap e identify ng iba ang salitang crush sa romantic love. Ayaw kong magising sa huli at malamang si Kolen parin ang mahal niya. First love never die di ba?

Kaya kung mahal niya talaga ako, kahit di ko man siya paasahin o sagutin o ba kaya di man maging kami. Hihintayin niya ako kahit wala siyang kasiguruhang siya ba ang pipiliin ko in the end. Kung kami talaga sa huli ay magiging kami rin pero hindi sa ngayon. I don't want him to wait for me. I will let the destiny decide.

***

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon