Chapter 22: Sir Rellian's secret

794 61 3
                                    

Lauriz p.o.v

"Hello miss that's the way of a clown." Sabi niya at nginitian ako. Ayaw talagang kalimutan ang that's the way of a clown na yan.

"Ikaw nga! Dito ka rin nag-aaral?" Mangha kong tanong.

Sina Brin nakakunot ang noo na nagtataka.

"Bakit namimiss mo agad ako?" Patanong na sagot ni Mrhoodiedahandsome.

"Hindi eh. Di nga kita naisip." Nag-pout naman siya. Parang bata. "Naaalala lang." Dagdag ko na ikinangiti niya.

"Talaga?" Tanong niyang abot tainga ang ngiti.

"Tumahimik nga kayo. Ang iingay!" Biglang singit nong Rellious na nakaupo sa upuan niya.

"Maingay ba?" Sabay ngiti ko ng sobrang tamis. At naglakad palapit sa kanya sabay kanta ng ubod lakas.

"Ayaw ko sana. Na ikaw ay mawawala.
Mawawasak lamang, ang aking buto.
Ngunit anong magagawa, kung talagang baliw ka na. Sino ba naman ako para pigilan ka."

Ayan. Ang sama na ng tingin sa akin ng Zynard na to.

"Oh, ang mukha mo. Mukhang siraulo. Sa titig mo, nasusuka ako. Bagay sayo ang mabaliw-aruuuy!" Hinampas ako ng notebook ni Amariz, kaya si Amariz ang hinarap ko.

"Nasasaktan ako, oh baby. Sa tuwing nanghahampas ka. Naalog utak ko oh baby,
Sa tuwi--"

Blaaag! Hampas sa mesa.

Crack! Tunog ng nabasag na bagay.

Bogs! Kalabog ng pinto.

Awooow! Atungal ni Amariz.

Meooooow! Si Brin naman yan.

Grabe sila makapag-background sound sa kanta ko. Wala man lang naka-appreciate sa ganda ng boses kong parang sirang plaka.

"Mataas ang boses mo ah." Si Mr. Hoodie yun pero natatawa.

"Tsk! Parang asong nakikipagbuno." Kontra naman nitong the kontrabida of malayf Zynard da sungit.

"Sakit sa tainga. Parang sirang megaphone." Singit ng lintang dikit ng dikit kay Zynard. Pag-untugin ko sila eh. Pero joke lang.

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon