Chapter 32: Sayang ang lahi

655 49 1
                                    


Third person's p.o.v

"Lauriz! What's the meaning of this?" Muntik pang mapatalon ang dalaga sa sobrang gulat ng sigawan siya ng ama sabay bagsak ng hawak na newspaper sa mesa. Mga larawan iyun nina Rick, Kenard at Zynard sa mall noong magkasama sila ni Nat na mamasyal.

"At sino namang Kenard na to? Ikaw bata ka! Kaano-ano mo to!" Sigaw ulit ng ama.

"Kaibigan ko lang siya pa." Sagot niyang nakanguso. Napayakap na rin sa mga tuhod kasi ngayon lang niya nakitang galit ang ama at sinisigawan siya kaya naman natatakot siya dito.

"Eh, bakit iba ang sinasabi dito sa medya? Secret Lover pa ang headlines oh. Explain it to me!" Maawtoridad nitong utos.

"Kailangan pa ba yun? Pa naman. Alam mong pokus ako sa pag-aaral ko kaya wala akong time sa love love na iyan." Nakanguso niyang sabi.

"Then, paano mo to i-explain sa medya?" Maawtoridad nitong tanong.

"Sasabihin ang totoo? Alam mo pa, napakaexagged mo!" Lalo lamang tumulis ang nguso.

Bigla namang umamo ang expression ng mukha ng ama at lumambot din ang boses. "Eh, kasi naman nak, magandang lahi. Tingnan mo, ang gugwapo nila. Tiningnan ko yung buong family picture nila at pang high class ang kanilang mga hitsura anak. Kaya, totohanin n'yo na yung balibalitang gf ka nitong Rellious na to. Baka may makakuha pa na iba, sayang ang lahi. Ang cute-cute at popoge siguro ng apo ko." Napabuntong- hininga na lamang siya sa sinabi ng ama.

"Pero kung hindi wala ka talagang type sa isa man sa kanila pwede naman sigurong magpalahi ka lang." Suhestiyon pa ng ama.

"What?" May ama bang tinuturuan ng di maganda ang anak? Hindi makapaniwala ang mga mata ni Lauriz na nakatingin ngayon sa ama.

"Ay wait! Sino pala sa dalawang Rellious na to ang type mo ng makausap ko ng masinsinan?" Excited na sabi ng ama. Gusto na tuloy maiyak ni Lauriz.

"Pa naman. Wala akong gusto sa kanila. Iyun lang ang rason kung bakit nyo ako pinauwi rito? Parang gusto mo na akong makapag-asawa ng maaga ah." Sinikap pa niyang matakasana ang mga reporters na nag-aabang sa paligid ng school nila tapos ito lang pala ang dahilan kung bakit siya pinauwi ng ama?

"Mahirap makahanap ng high class na lahi anak. Di rin kita pwedeng ireto sa mga pinsan mo, kasi dumadami na ang mga mukhang mayayabang sa mundo. Di kasi sila nagmana sa akin na maladiyos na nga, humble parin. Likod pa nga lang nakakalaglag panga na, pero di ko yun pinagmamayabang." Sabay himas ng baba na akala mo'y may hinihimas na begote roon na di lang nakikita.

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon