Zynard's p.o.vAkala ko wala ng chance maging kami. Pero nagiging kami rin pala ni Lauriz sa huli. Mabuti nalang talaga at sina dad at mom na ang gumawa ng paraan para magkatagpo ulit kami ni Lauriz at kami rin ang nagkatuluyan. Kundi kasi dahil sa mga parents namin ni Lauriz baka sa iba na siya ngayon ikakasal.
Si kuya Kenard may nililigawan narin. Si Fleus at Brinella MU na, aywan lang kina Amariz at Jesthon dahil away bati sila.
Sina Loiden at Froiland may kanya-kanya ng lovelife. Parang kailan lang sina Lauriz ang bukambibig namin. At madalas kasamang mang-istalk pero palage kaming nalulusutan. Tulad ko crush din nila si Lauriz. May pagkadenial lang talaga ako samantalang sila prangka.
Sino ba kasing di mainlove sa kanya? Sweet, kahit loka-loka, caring, at friendly. Palageng may ngiti sa labi tuwing umaga. At di makakalimutang bumati bawat pagpasok sa klase.
Dinadaan nila sa biro ang lahat. Kahit pa ang totoong nararamdaman.
We used to be a celebrity boys sa bawat campus na mapupuntahan namin. Hinahangaan at pinapantasya. Pero nang mameet namin ang mga loka-loka queens tumaob ang aming pagkacelebrity. Hindi napapansin ang mga kagwapuhan namin. Kung kami ang ini-stalk dati, kami ang naging stalker pagdating sa kanila.
Ikaw kayang makakakilala ng mga loka-loka tapos mga mukhang dyosa? Di ka ba magugulat na matatalino at mga talented pala?
"Zynard! Kapag di ka pa lalabas diyan at aalis diyan sa salamin! Ako ang papakasal diyan sa bride mo!" Bigla akong natauhan sa sigaw ni kuya. Kanina pa pala ako nakatulala sa salamin at ilang ulit inayos ang buhok.
"Iindianin mo na naman ba ang fiance mo?"
"Aba, di ah!" Sabay takbo ko palabas. Syet! 20 minutes nalang pala. Buti nalang malapit lang ang simbahan mula rito.
And yes! This is our wedding day.
***
Lauriz p.o.v
"Woh! I'm so excited!" Sabi ni Brin na may kasama pang suntok sa ere.
"Parang ikaw naman ang ikakasal. Wag assuming." Bara ni Amariz kay Brinella. Hanggang ngayon para paring mga bata kung kumilos. Napailing nalang ako.
Habang naglalakad palapit sa future husband ko di ko alam kung ano ang ire-react. Hindi ko rin mawari ang nararamdaman ko. Naiihi ba ako o natatae na parang may kung anong nagtatakbuhan sa loob ng aking tiyan at parang nagkakarerahan ang pintig ng puso ko.
Ikaw ba namang ikakasal sa sobrang gwapo. Ampoge talaga ni Husbie ko. Si Stiller ayun, nakasimangot. Fifteen years old na siya at katabi niya ngayon si Lyszyl. Anak ni Tito Lerio Yan at bunsong kapatid ni kuya Kean. Thirteen years old at medyo pilya. Di pala medyo, pilya talaga siya. Pasaway, makulit and annoying daw.
Paanong di sisimangot si Stiller eh hinihila-hila na naman ang tainga nito?
Habang papalapit na ako sa aking groom medyo nabingi ako sa katahimikan. Kaya ang ginawa ko nag-ala miss universe na rumampa sa stage.
"Hello Philippines! Nandito na ang diyosa ng kagandahan." Sabay pose ko pa at flip my vail.
"Ikakasal ka na nga, baliw ka parin." Sabi sa akin ni Amariz.
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Teen FictionA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...