Chapter 28: We're dating

755 54 0
                                    


Third person's p.o.v

Dinala niya si Lauriz sa isang restaurant.

"Ikaw ha. Ba't di mo sinabing gusto mo pala akong idate?" Biro ni Lauriz. Hindi sumagot ang binata at nag-order lamang ito ng pagkain.

"Anong gusto mo?" Tanong nito sa kanya.

"Kahit ano basta di bakla." Sagot ni Lauriz kaya sinamaan siya ng tingin.

"Pagkain. Anong gusto mong kainin?" Tanong muli ni Zynard.

"Hotdog at itlog." Biglang napaubo ang binata sa sagot niya.

"Makareact naman to. Hotdog nga at itlog. Yung scrambled egg lang. At kung may sandwich sila rito paorder narin. Barbecue pa pala." Sagot ni Lauriz.

"Sa menue ka kasi bumase." Tinuro ni Zynard ang menu.

"Bakit kasi dito mo pa gustong kumain? Wala namang barbecue dito." Sagot ni Lauriz at napanguso.

"Nasanay kasi akong kumain dito. Gusto mo lipat tayo?" Tanong naman ng binata.

"Wag na, nakaorder ka na eh." Tumitig lamang si Zynard sa kanya.

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ni Lauriz rito.

Dumating na ang kanilang order pero walang pumansin dito.

"May problema ka ba?" Muling tanong ni Lauriz.

"Ahmmm... Ah, wala." Sagot ni Zynard na di makatingin ng diretso. Saka ito nagsimulang kumain.

Tahimik lamang silang kumain, pagkatapos no'n ay nanood sila ng sine. Pagkalabas sa sinehan ay sinundo ang dalaga ng kanyang kuya.

"Lauriz. Tayo na." Tiningnan lamang nito si Zynard ng cold look.

Nagulat na lamang ang dalaga dahil bigla na lamang tumalikod ang binata.

"Anong problema non?" Pagtatakang tanong niya.

"Slow ka ba o sadyang nagpapakaslow lang?" Tanong ng kanyang kuya.

Hindi siya sumagot. Ayaw naman niyang bigyang kahulugan ang anumang pinapakita ni Zynard sa kanya. At kung ano mang mga kakaibang kinikilos nito.

"Tara na nga." Sabay hawak ng kanyang kuya sa kanyang kamay at sumakay na sila sa kotse.

Pagdating sa bahay ay iniisip parin ni Lauriz ang binata. Kahit sa paghiga ay mukha nito ang nakikita sa kesame.

"Malala na to. This past few days, siya na palage ang nakikita ng isip ko. Kaya nga iniiwasan ko na siya. Kaso di ko mapigilang asarin siya eh. Namumula kasi siya sa inis." Sambit na lamang niya. Di niya alam na mayron palang nakarinig. Kakatok na sana ito pero di natuloy dahil sa kanyang narinig sa loob.

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon