Chapter 5: The Five Transferees

982 60 1
                                    

Chapter 5: The Five transferee


Fleus p.o.v

"Hahaha! Grabe ang sakit na ng tiyan ko." Kanina pa 'tong Froiland na'to. Pinakamatanda sa grupo. Eighteen years old. Kinulayan ng golden brown ang buhok. Six foot, medyo matured mag-isip sa amin. Medyo lang naman. Pero ngayon nakatawa parin. San ba nakakatawa don? Puro mga baliw yata ang mga babaing yun eh. Dedmahin ba naman daw ang kagwapuhan ko?

By the way, I'm Fleus Crisaely. Mixed blooded. Kasi half phil-am si daddy habang si mommy naman half japanese-korean. Mas kuha ko si dad pero kay mom yung mata. I am seventeen at transferee ng school na to.

Lima kami, mga celebrity ng dati naming school at sikat ang grupo namin sa America. May banda kaming tinatawag na the royals. Si Jesthon gumawa sa pangalang iyan. Wala kasi kaming maisip na magandang pangalan para sa grupo.

Ayaw ng parents namin na mag-artista kami dahil ang gusto nila makapagpokus kami sa pag-aaral at mapamahalaang mabuti ang mga negosyo nila. Mga tagapagmana kasi kami. Pinadala kami rito para makapagseryoso daw sa pag-aaral. Sa dati naming school kasi madalas kaming nag-aabsent lalo na pag mayroon kaming mga upcoming concert.

"Anong tagalog ng fried chicken?" Jesthon asked. Brown ang buhok niya maging mga mata. Chick magnet daw eh mas gwapo pa nga ako sa kanya.

"Ubos na pre. Kasi kinain ko na." Sagot naman ni Loiden sabay tawa. Nababaliw narin ang mga to. Si Loiden ang pinakagentleman at pinakamabait sa grupo. Siya din ang pinakabata pero months lang naman ang agwat naming apat.

Pinanood namin ang video na nakuha namin sa tatlo. Mula nong natutulog sila hanggang sa don na nasubsob yung isa sa sawsawan at sa mga balat ng shrimp. Nandito pa nga yung dumikit ang mga balat ng shrimp sa mukha nong tinawag nilang Brinella.

"First day na first day mukhang may mapagkakatuwaan na tayo rito." Froiland said na parang may kakaibang binabalak.

"Hey! Don't touch that girl with black hair. She's mine." Ang ganda kasi non. Mukhang anghel kahit babaliw-baliw. Straight na bagsak ang makintab niyang buhok at may natural na kulot sa dulo.

"Maka-mine ka namang playboy ka kala mo iyo." Angal ni Jesthon at inirapan pa ako.

"Tsk! They're just a bunch of stupid and crazy, girls." Himala at nagsalita na ang tahimik naming boss. Bayaan nyo na yan, palage yang ganyan magmula nong pinadala kami dito sa Pilipinas para mag-aral. Ginagawa niya lahat para maexpell para patigilin na sa pag-aaral. Pang-anim na school na nga namin to sa buwan lamang na ito.

May paearphone-earphone pa siyang nalalaman. Kala mo di ko nahuling tumawa siya kanina. Pagtawanan daw ba ako nong nagpakilala ako sa tatlong baliw'ng iyun.

Yung mataray na yun ay si Zynard. Seryoso masyado at kung mainlove stick to one, kaya ini-one. Kaya ayaw kong magseryoso sa mga babae kasi kung sino pang seryoso siya pang niloloko. Ayan tuloy bitter ang kuya nyo. Isa rin sa rason kung ba't siya pinadala rito sa Pilipinas para makapag-move on.

"Nagtext ang principal. Pwede na daw nating kunin ang uniform natin. Pwede narin daw tayong pumasok." Sabi ni Loiden.

Ayaw na nga sana kaming tanggapin ng school na to dahil sa mga records namin sa dati naming school. Hindi lang yun, late pa kaming nakapasok. Pero mukhang nadala sa pakiusap ng parents nitong Loiden ang may-ari kaya ito pasok na daw kami.

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon