Chapter 11: Out of my league
=======Lauriz p.o.v
"Good morning class!" Bati ni Sir Kean sa amin. Tumayo na sila at bumati pero ako ito no pake. Bahala ka dyan Sir Kean tinatamad ako ngayon. May kasama siya at ipinakilala ito sa amin. Siya ay walang iba kundi ang aking driver. Kaedad ko lang siya at may hitsura din.
Iba na talaga ang takbo ng utak ni papa. Pero pwede narin to dahil may gwapo akong kasama palage. Tumingin sa gawi ko si Sir Kean. Tinakpan ko naman agad ang mata ko.
"Aah! Aray Sir Kean. Ang sakit ng mata ko. Nakita kasi kita eh." Biro ko naman.
"Lauriz! *death glare* umayos ka!" Sabay turo sa aking paa na nasa ibabaw ng desk.
"Ayan kasi Brin. Di mo inaayos yung upo mo. Para kang siga sa lansangan." Sabay turo kay Brinella kaya ayan sinamaan din ako ng tingin. Kunwari di ako yung sinita ni Sir.
Umayos nalang ako ng upo. Ayaw kong pandilatan pa ng mga mata dahil dadami ang magiging kalahi ng tarsier. Umupo na si Nat sa upuan don sa kabilang banda. Malayo sa kinaroroonan ko. Nat is just an acronym. Ang talagang pangalan niya ay NEON ALDRIN TIEN. Kaya Nat tawag ko sa kanya. Half taiwanese daw siya sabi ni papa. Mukha namang mayaman pero bakit naisipan pang maging driver ko? Masyado iyang tahimik at seryoso.
"Okay class may group activity tayo. By pairs and since forty na kayong lahat bubunot ang bawat isa sa inyo ng papel na may numbers na 1 to 20. Ang 20 na numbers ay may pangalan ng kung sinong magiging partner nyo. While yung di nakabunot ng pangalan hihintaying tawagin sila ng kung sino mang kapareho nilang number na may nakasulat na pangalan nila.
"Sir, pwede ikaw nalang partner ko?" Biro ko sa kanya.
"Pag nangyari yun... Tiyak na bagsak tayo kasi ikaw ang partner ko. Di ka magpopokus sa activity sa akin ka lang magpopokus. Pokus asarin."
"Uy di ah. Matalino ako lalo na pag gwapo ang magiging partner ko." Sagot ko din.
"Kumuha ka na nga ng papel dito?" Dumukot ako sa papel na naka-rolyo saka tiningnan kung anong number ang nabunot ko.
Number 1 pa talaga. At may name na mahaba. Lhizynth Daenhard Rellious. Siya ang magiging partner ko? Ayos to ah, matalino. Di ko na kailangan pang tumulong sa activities na gagawin dahil sigurado akong kaya na niya yon.
"Basahin nyo kung sino ang magiging partner niyo para malaman nila." Sabi ni Sir Kean.
"Let's begin from number one."
Tumayo naman ako at naghello mic test muna.
"Hello mic test! Hello! Ehem! Aham. Ehem pa ulit." Sabi ko pa. Syempre lunok muna.
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Teen FictionA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...