Chapter 36: Mga pinsan

674 48 0
                                    


Third person's p.o.v

Pagkatapos ng palpak na panliligaw ni Zynard, bigong bumalik ang limang magkakaibigan. Pinagtulungan pa nilang batukan ang kaibigan dahil sa katorpehan.

Panay kantyaw pa nila rito dahil torpe daw ito. Pero si Zynard ang lalim ng iniisip. Ang totoo kasi, hindi siya handa. Hindi siya handang matanggihan. Paano kung totoong may fiance na nga ito? Paano kung may mahal itong iba at hindi siya yun? Paano kung magiging sila nga pero tulad ni Kolen na iiwan lang din siya at sabihing iba ang mahal nito? Takot siyang masaktan at umasang muli na siya lang ang bukod tangi sa puso nito.

Maraming may gusto kay Lauriz. Ano lang ba ang laban niya sa kuya niya? Ano lamang siya kung ihahambing kay Rick at Rellian? At sa lalakeng sumundo sa kanya na humalik pa sa lips nito? Anong laban niya sa mga celebrity niyang karibal? Walang-wala siya kung ikukumpara sa kanila.

Ayaw na niyang marinig muli ang salitang "mahal kita pero mas mahal ko siya." O ba kaya ang salitang "si Rick ang tunay kong minahal." Paano kung kagaya ni Kolen, ganon din si Lauriz, lalo pa't ang lahat ng mga salitang binibitiwan nito ay pawang biro lang?

Pagpasok nila sa kanilang dorm nagulat na lamang sila sa naratnan.(may dorm kasi ang mga estudyante para kung maisipan nilang di muna umuwi sa kani-kanilang mga tahanan ay pwede silang matulog sa school dormitory. Iba ang building ng mga boys sa girls at iba rin ang building ng mga students council's dormitory maging ng mga school staffs at dorm nina Lauriz.)

"Teka? Yung sikat na bagong hollywood model iyan di ba?" Namamanghang tanong ni Loiden na nakanganga pa habang pinagmamasdan ang babaeng nakaupo sa single couch. Nakacross arms at nakacrosslegs. Nakapatong pa ang dalawang paa sa glass mini table nila.

Pero ang mas ikinagulat nila ay ang apat pang nagagwapuhang mga lalake. Isa lang ang kilala nila sa apat. Kilala nila ang mukha. Iyun yung lalakeng sumundo kay Lauriz noon at tumawag pa ritong bebelabs.

"Well, well. Very very well." Sabi ni Clark nang makita sila. Pinapatunog pa nito ang mga daliri.

"They're here." Sabi ng babae. Napalingon ang iba pa at napatingin narin sa kanilang lima.

Napakunot ang noo nina Zynard at Froiland. Naguguluhan namang nakatingin sina Loiden, Jesthon at Fleus sa mga bisitang kaharap nila ngayon. Hindi lang yun, para kasing naghahanap ang mga ito ng away.

Inikot-ikot pa ng mga ito ang balikat, braso, maging leeg tapos, pinapatunog nila ang mga daliri habang naglalakad palapit sa kanilang lima.

Habang humahakbang ang mga ito, kusa naman silang napapaatras.

"W-who a-are you?" Nauutal na tanong ni Loiden na napapalunok laway pa. Tiningnan siya ng masama ni Zyn.

"Ito na siguro ang fiance ni Lauriz." Sabi sa isip ni Zynard. "Nandito ba siya para balaan ako na layuan si Lauriz?" Dagdag pa niya.

"Mga gangster 'ata ang mga 'to." Sambit naman ni Fleus.

"Naman oh. Ayaw ko pang magkaroon ng pasa sa mukha. Sayang ang ayos ko ngayon." Bulong naman ni Jesthon sa sarili.

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon