Chapter 2: May chick rooster
=======
Lauriz p.o.v
Ang boring ng klase, nakakaantok.
"No sleeping Miss Andrade." Sita ni Sir Kean. English teacher namin at 24 years old. Mula nong grade 8 ako, siya na ang english teacher ko. Kunting-kunti nalang talaga at pagkamalan ko na iyang may gusto sa akin.
Napaayos agad ako ng upo kasi muntik na nga palang bumagsak ang ulo ko sa desk. Kaya pala napansin na naman ako.
"Akala ko kasi Sir eh kumakanta kayo ng lullaby song kaya pumikit ako." Ayun pinandilatan ako ng mata.
"Pfft!" Itong Brinella na 'to nagpipigil ng tawa, wala namang nakakatawa. Sinamaan ko siya ng tingin.
Nag-discuss na ulit si Sir Kean, muntik na namang masubsob ang aking mukha sa aking desk. Sobrang antok ko na kaya sinubsob ko nalang.
"Miss Andrade, your sleeping again!" Sita na naman niya kaya napaangat ulit ako ng ulo at nakanguso ko siyang tiningnan.
"Kayo Sir ha. Nakakahalata na ako. Ako lage ang napapansin nyo. Crush nyo ako noh? Uy si Sir aminin." Tukso ko sa kanya.
"Pfft! What! Pingotin ko yang tainga mo eh." Sagot naman niya na muntik pang mabilaokan sa sariling laway habang nagalit-galitan kahit na natatawa.
"Sus tanggi ka pa. Aminin mo na kasi." Pamimilit ko pa.
"Lauriz, ikaw palage ang natutulog sa klase ko. Kaya alangan namang iba sitain ko." Nagbooh naman ang mga kaklase ko. Ayaw kong patalo no.
"Kaya nga Sir. Sa dinami- rami ng gising at dilat na dilat. Hindi lang yun, focus na focus pa sayo lalo na sa mukha mo at *dila muna sa lips* sa kissable lips mo. Ako pa ang napansin nyo samantalang nag-iisa lang ako? O di ba? Crush nyo ako noh? Amin-amin din pag may time. Ako nga inaamin kong feeling at assumera ako." Sagot kong muli sabay tawa matapos kong magsalita.
Inuubos ko lang talaga ang oras ni Sir. Ang kumpleto niyang pangalan ay Kenneth A. Yan. Dahil mahilig akong magshort cut ng mga pangalan at apelyido, tinatawag ko siyang Kean. Teacher Kean o Sir Kean. Minsan kuya Kean. Hanggang gumaya ang iba at naging Sir Kean narin ang tawag sa kanya sa halip na teacher Ken o teacher Yan. Sasagot pa sana siya nang magbell na. Bago siya lumabas pinitik pa ang aking noo. Kundi lang talaga siya anak ng principal sinapok ko na siya. Paglabas ni teacher Kean inasar agad ako ng mga kaklase ko.
"Hahaha! Hahaha!" Tawa nilang lahat nang makalayo na si Sir.
"Laughtrip ka talaga Lauriz! Hahaha!" Sabi ni Gina na isa sa mga kaklase namin.
"Grabe ka Lauriz, ang assumera mo. Hahaha!" Sabi din ni Luke na tumatawa parin.
"Aminin mo na kasi maam lauriz, crush mo ako noh!" Panggagaya pa ng mga kaklase ko sa sinabi ko kanina. Ginaya nila yung tono sa pagsasalita ko kanina.
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Teen FictionA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...