Lauriz p.o.v"Dito lang." Tumigil naman siya sa tapat ng bahay nina kuya guard. Maliit na concrete house na may bakod na kawayang kinulayan ng sky blue. Bumaba na agad ako.
"Sige alis na." Taboy ko sa kanya.
"Makataboy ka naman kala mo nagtataboy lang ng aso." Sinamaan pa ako ng tingin. Bumaba din siya at sumabay ng lakad sa akin.
"Gusto mong mahabol ng aso?" Tanong ko sa kanya.
"Pansin ko lang ha. Bakit panay taboy mo sa akin?" Tanong niya na nakakunot ang noo. Ano namang gusto niya, magpakita sa family ko para mapagkamalang manliligaw ko siya? Di ko nga alam kung bakit ako biglang hinatid e di naman kami close.
"Hindi ah. Concern lang talaga ako." Sabay fake smile ko. Yung halatang fake talaga.
"Saka maraming ipis don sa loob. Gusto mong makagat?" Pananakot ko pa. Napalunok laway naman siya na halatang takot sa ipis ang isang to.
"Ate Lauriz!" Tawag ng isang batang lalake na nakadungaw sa bintana. Ten years old na siya.
"Mama! Papa! Nandito si Ate Lauriz!" Excited niyang tawag sa mga magulang saka umalis sa may bintana.
"Alis na! Ano pa bang hinihintay mo?" Taboy kong muli. Buti nalang may tumahol na aso at mukhang natakot siya. Kaya nagmamadaling pumasok sa kotse niya.
"Alis na! Wag ka ng bumalik ha!" Sigaw ko pa at pumasok na sa maliit na gate na gawa lamang sa kawayan.
"Saan na? Ba't mo pinaalis agad? Di ko pa napakawalan si Still ko eh." Sabi ni Stiller na hawak-hawak ang tali ni Still na kanyang aso.
"Grabe ka Lauriz. Ang gwapo nong niligaw mo rito ha." Bungad sa akin ni Aling Martha.
"Ang sungit kaya non." Sagot kong nakanguso.
"Asus! Lumalablayf na ang alaga ko." Tukso niya sabay sundot ng tagiliran ko. Siya kasi ang yaya ko nong baby palang ako. Pero nong matuto na akong maglakad nakaalis na siya sa amin dahil nagpakasal siya kay kuya Syron na guard ng subdivision.
"Ma, nagseselos na ako oh." Singit ni Stiller na nakanguso pa.
"Ay naku! Magpagwapo ka dyan kung gusto mong mapansin." Sagot naman ng ina.
"Matagal na akong gwapo kaya di na kailangan." Sabay suklay pa ng buhok niya gamit ang mga daliri.
"Oo nga naman. Kaya nga siya hinahabol-habol ni Lyszyl eh." Sagot ko. At ngayon nakabusangot na si Stiller mabanggit lang ang pangalang iyun.
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
أدب المراهقينA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...