Chapter 6: Reading Comprehension

915 65 3
                                    

Chapter 6: Reading Comprehension
========

Lauriz p.o.v

Nagstory telling lang si Sir. Ano kami grade school? Hay, nakakaantok. Parang fairyrale pa yung story niya. Reading Comprehension kasi ang lesson namin ngayon tapos may pakwento-kwento pa siyang nalalaman.

"The young princess went back to the palace leaving the young knight with the big black eye."

"Sir kumakanta po ba kayo?" Pinandilatan pa niya ako ng mata.

"I'm reading a story, you know that." Ang talim narin ng tingin sa akin.

"Para kasi kayong humihili ng bata eh, kaya napapapikit tuloy ako." Sagot ko sabay hikab.

"Back to the story. Don't interrupt Miss Andrade." Nanahimik na lamang ako. Basta kasi tinatawag na niya ako sa last name ko nagagalit na yan. Tuluyan na talaga akong napapikit.

"Okay, question number one!" Ang malakas niyang sabi na ikinabalikwas ko. Napaayos agad ako ng upo. Halatang sinadya e.

"Yung tutulog-tulog sana di mazero dyan." Dagdag pa niya. Sabay sulyap sa akin.

"Sir naman, kung magparinig kayo wag niyo naman akong sulyapan oh. Mamaya malaman pa nilang ako yun." Angal ko saka siya sinamaan ng tingin. May napapaubo naman sa likuran ko. Totoo naman kasi. Bakit ang mga tao ngayon pag nagpaparinig, sinusulyapan pa talaga ang pinaparinggan? Kung gusto naman pala nilang ipaalam sa pinaparinggan bakit di nalang nila direktang sasabihin di ba? Di yung may parinig pang nalalaman.

"Wag pa-obvious." Bulong sa akin ni Amariz.

"Ikaw lang naman ang mahilig matulog sa klase." Sagot din ni Sir. Inirapan ko lang siya.

After awhile...

"Pretty momo grade eleven." Malakas nitong basa sabay tingin sa akin. Maging ng mga kaklase ko. Dahil pretty momo ang nakasulat sa papel ako na agad ang pagkamalan?

"Uy di ako yan." Tanggi ko.

"Sigurado ka?" Tong sir na to, ba't di nalang niya icheck ang sagot namin? Hindi yung nagtatanong pa siya.

Binigay niya ang papel sa isang estudyanteng lalake sa front seat. Binasa niyang muli ang tanong tapos yung estudyante ang nagbabasa ng sagot na nakasulat sa papel.

"Who is the fairiest princess first love?" Basa ni Sir Kean sa tanong.

"Young prince Morvic a.k.a young teacher Rellian." Basa din nong student don sa hawak na papel.

"Where is the fairiest princess born?"

"CR." Bigla nalang nagtawanan ang mga kaklase ko. May dagdag pa kaya yung sagot.

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon