Third person's p.o.v
"Handsbie! Bilisan mo diyan!" Kahit di pa nakapanghilod nagmamadali ng tinapos ni Zynard ang pagligo. Tinapis ang tuwalya at nagmamadaling lumabas.
"Bilisan mo dyan. Alis na tayo." Pang-aapura ng asawa na prenteng nakaupo sa kama at nakadekwatro pa.
"Sinong may sabing sasama ako?" Sagot ni Zynard habang pinupunasan ang buhok.
"Ah, ayaw mo? *sabay ngiti ng matamis* e di si Kenard nalan—"
"Ito na nga oh. Magbibihis na." Saka nagmamadaling namili ng masusuot. "Para binibiro ko lang tsk! Di man lang sabihing sige na Zynard handsbie ko. Sama ka na. Wala man lang ganon?" Maktol niya.
"Five minutes. Kapag di ka pa tapos mauuna na ako." Sabi nito at lumabas ng kwarto.
"Aba't di man lang inihanda ang mga gamit na susuotin ko?" Halos di siya magkamayaw sa pagsuot ng pantalon at damit. Ilang sandali pa'y lumabas na.
"Tapos na ako." Sabi agad niya. Napakabipolar pa naman ng asawa niyang ito ngayong nagdaang mga araw.
"Hahaha! Baliktad ang pants mo loko!" Iyan pa ang napansin niya, nagmumura na din ito.
Pumasok ulit siya sa kwarto at wala pang 1 minute lumabas na. "Okey na!"
"Oo. Okey na yung pants mo. Pero yang t-shirt mo yung para sa harapan nandon sa likod." Nagmamadali namang hinubad ng lalake ang T-shirt at binaliktad. "Oh, tapos na!" Sabi ni Zynard.
"You're still one minute late. Kaya may parusa ka."
"One minute lang, may parusa agad?" Madalas nga kasi itong pinapatulog sa labas ng kwarto kapag may pinagawa ang asawang di niya agad nagagawa.
"May parusa ka kaya gawin mo na."
"Ano naman yung parusa ko?"
"Akyatan mo ako ng buko. Dapat ikaw yung umakyat."
"What!" Napasign of the cross na lamang si Zynard. Kaya niyang makipagbasagan ng mukha o makipagbugbugan. Pero ang umakyat ng buko, di pa niya iyun nasubukan.
"papatayin ba ako ng asawa kong to? Gusto ko pang makita ang mga lahi ko noh?" Sambit niya sa sarili pero nanlaki ang mga mata nang may marealize.
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Teen FictionA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...