Chapter 3: Limang gwapito
=======
Lauriz p.o.v"Ano na naman ba?" Inis na tanong ni Brinella habang kinukusot pa ang mga mata.
"Makagaya ka na nga bibingi-bingi ka pa. Paano naging momo ang mama ha?" Sagot ko din.
"Pano kasi pagising ng pagising ko ikaw agad ang nakikita ko." Sagot din niya.
"Kay Amariz ka kaya nakaharap!" Sabay turo ko pa kay Amariz. Hindi naman kasi siya sa akin nakaharap pagdilat niya ng mata.
"Eh, sa sayo ako nakatingin." Bara naman niya.
"Ha! Ha! Ha! Lauriz momo ka daw." Tawa naman ng bruhildang maiz na to. Ako momo? Sa ganda kong 'to?
"Momo lang ako kapri ka naman. Natawag ko pa nga mama ko nong makita kita." Ganti ko din. Si Brinella na naman ang tumawa.
"Ha! Ha! Ha! Kapri daw siya. Bagay nga sayo. Bakit ngayon ko lang napansin?" Pang-aasar din ni Brinella kay Amariz.
"Okey, ako na kapri atleast di halata. Kaysa sayo kitang-kita ang pagkabaliw. Tatawa-tawa wala namang nakakatawa." Bara din ni Amariz tapos dumila pa.
"Bleeh! Baliw." Pang-aasar ko din.
"Ano ba. Wag mong sinasagi ang phone ko."
"Umusod ka nga naiipit phone ko oh." Wait! Mga boses lalake. Napatigil kami. Nagkatinginan. Saka ko naalalang may nakatingin nga pala sa amin kanina pa.
Nakaupo parin kami sa may damuhan. At dahan-dahan kaming nag-angat ng tingin. Sunod-sunod kaming napatili. Syempre ako ulit ang unang napasigaw.
"Waaahgwaponggorilla!"
"Kyutnachimpanzee!"
"Itlognamaalat!"
Eh? Sabay-sabay ulit kaming napatingin kay Brinella.
"Anong itlog na maalat ka dyan?" Nakakunot noo kong tanong.
"Pfft! Hahaha!" Boys over there.
"E... hehehe... Ewan. Nabigkas ko lang." Sagot naman ni Brinella na nagkibit balikat pa.
Nga pala, nakapaikot sa amin ang apat na mga estranghero na to. Base sa mga suot nila halatang mga bigatin. Mahihirap i-reach. Sapatos palang di ko na kailangang pumunta pa sa park para maglaro ng slide. Sa kintab palang slide na slide ka na.
Sa shade ka nalang din manalamin. Sa bango palang di mo na kailangan pang maligo. Sa ngiti palang di mo na kailangan pang magpanty. Kasi isusuot mo palang punit na garter niyan. Sa labi palang di mo na kailangan pang tumanggi kasi tingin palang natatakam—err ano yun? Mukhang namali ng type si otor. Nahihilo siguro yung phone kaya ganon ang nata-type. Kaya wag nyo ng pansinin ang ibang nabasa nyo kanina. Hindi ako nagsabi non.
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Teen FictionA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...