Chapter 8: Andrade Family

941 64 1
                                    


Chapter 8: Her Family

========


Lauriz p.o.v

May sumundo na sa dalawa, kaya ako ito naglalakad mag-isa. Lakad lang ang ginagawa ko, kasi naman walking distance lang yung bahay namin mula rito.

Napasulyap ako sa likuran. Kanina ko pa napapansin ang pulang kotse na yan. Sumakay nalang ako nang may humintong jeep at sa mall dumiretso. Bumili na lamang ng isang pack ng chocolate fudgee bar. Sana wala na yung red car na iyun. Magkaka-stalker na nga ako, de-kotse pa. Infairness de kotse, sana gwapo, syempre pati yung pag-uugali. Baka kasi mukha ring kotse.

BOOOGS!

"AYMUKANGKOTSE!" Ang naisigaw ko dahil sa pagkabangga ko sa kung sino.

"Ah, sorry miss!" Mukhang nagmamadali si kuya ah. Tapos nakahood pa at panay baba ng cup para maitakip sa mukhang di natatakpan ng hood.

Tinulungan niya akong tumayo. Ang lambot ng kamay.

"Aba, lambot ng kamay nyo kuya ha. Kutis dolyar." Biglang sambit ko. Ano ba yang bunganga mo Lauriz, preno-preno din minsan. Kaya nga lang wala nga palang break ang bibig kaya mahirap pigilan.

"Hahah! You too. Ahm... By the way, may I know your name?" Tanong niya. Ganda ng boses.

"Putspa naman oh. Speaking dollars din." Dinukot ko ang panyo sa bulsa at pinunas sa ilong. "Ay thanks, di ako nagnosebleed. Muntik lang sipunin."

"You're really funny miss-*tingin sa aking ID.* Miss Lauriz?" Patanong niyang sabi. Kasi tinakpan ko yung ID ko ng sticker at sinulatan ng Lauriz A. gamit ang pilot pen.

"That's the way of a clown." Pakanta kong sagot. "Ay, nga pala Mr. Hoodie with sexy laugh. Alis na ako." Pamamaalam ko at naglakad na paalis. Tumigil saglit at nilingon muna siyang muli. "Pang-DJ boses mo. Ang ganda! Sarap kainin. Este, aalis na talaga ako. Sige byebye na! Ang cute ng smile mo. Sarap kagatin. Babush!" Inunat ko pa yung magkabilang dulo ng labi ko na parang pinangiti saka kumaway sa kanya at tuluyan na akong lumabas ng mall. Di bale ng pagtinginan. Wala na akong pakialam. Makaalis na nga.

Lips lang niya ang nakita ko. Di ko man lang nakita ang mukha niya. Natatakpan kasi ng shade at nong sumbrero niya. Mukhang celebrity 'ata yun o ba kaya may bulutong kaya ganon.

Pasipol-sipol pa akong sumakay ulit ng dyip at tumigil sa may eskinita. Saka naglakad patungo sa gate ng subduvision kung saan kami nakatira.

Pagkakita ko sa guard na nagbabantay sa gate hinimas-himas ko agad ang tiyan ko.

"Grabe, kuya guard. Kanina okey'ng-okey ang tiyan ko. Ngayong nakita kita bigla nalang nawala. Nawala ang pagka-okey. Ayan sumakit at para na akong matae." Nag-anyo pa akong nasaktan habang himas ang tiyan. Tumawa lang si kuyang guard.

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon