Chapter 14: That's what friends are for

870 65 4
                                    


Lauriz P.O.V

Dinala ko si Rayu sa isang bakanting silid.

"Upo ka." Sumunod naman siya.

"Alam mo ang rules ng school dito di ba?" Seryoso kong tanong.

"Ano ba ang nais mong sabihin?" Painosente niyang tanong pabalik.

"Alam kong may mabuti ka namang kalooban. Mabait ka at kahanga-hanga. Kaya kung maari lang sana wag mong baguhin ang tingin at sirain ang expectation namin sayo." Seryoso kong pakiusap sa kanya.

"Ano ba ang gusto mong sabihin?" Painosente ulit niyang tanong. Kahit alam naman niya kung ano talaga ang ipinapahiwatig ko.

"Wag mo ng takutin ang ibang mga estudyante at piliting kunin ang mga pera nila. Pwede ka namang manghingi. Pag magbigay ng bukal sa loob pwede mong kunin. Pero pag ayaw, wag mong pilitin. Wag mong takutin. Wag ka ding manakot." Nagsusumamo kong sabi. With pakiusap tone sabay ng pacute at puppy look. Ganyan ako. Dinadaan muna sa charm bago sa bakbakan pag di na talaga maagapan.

Hindi siya umimik at tinitigan lang ako.

"Pano kung di ko magawa? Kilala ako bilang bad ass. At bully ng school na to." Sagot niya at inikot pa ang mata.

"Kaya mo yan. Ikaw pa. Mabait ka kaya. Subukan mo lang. Alam mo pag magiging goodboy ka lang at ituon sa ibang bagay ang atensyon sa halip na manggulpi, di ba mas dadami ang hahanga at magmamahal sayo. Kung di ka man napapansin ng mga parents mo ngayon, pero kapag makakuha ka ng achievements di ba mapapansin ka rin nila. Magiging proud pa sila sayo. Subukan mo lang. Pero kapag di mo talaga kayang maging achievers wag mong pilitin. Di dahil sa tingin nila sayo ay badboy, totohanin muna ang mga akusasyon nila." Isa siya sa mga estudyanting palaging inirereklamo ng mga magulang, at mga estudyante dahil sa bad records niya sa school.

Pero nong minsan kong nakatagpo ang parents niya sa principals office, napansin kong agad nilang hinuhusgahan ang anak nila na di man lang tinatanong kung anong rason niya kung bakit niya ginagawa ang anumang bagay. Nong naospital siya wala man lang dumalaw. Meron nga yung papa niya pero ang ginawa sinapak lang siya. Dahil kahihiyan lang daw lage ang dala niya. Since maimpluwensya ang kanyang pamilya, kailangan nila ang malinis na reputasyon na di nila nakikita sa badboy nilang anak.

Nagulat pa siya nang malaman ko ang tungkol sa pagkatao niya pero ilang sandali pa'y ngumiti siya ng mapait.

"Sinabi mo lang yan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko."

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon