Lauriz p.o.v
Pagpasok ko, pansin kong kakaiba ang tingin ng mga babaeng estudyante sa akin. Di tulad ng dati. Basta parang may iba ngayon. Yung tipong parang may ginawa kang malaking kasalanan?
"May gana ka pang pumasok matapos mong pagsabayin ang dalawang magkapatid?" Sabi ng babaeng nakaharang sa daraanan ko.
"Pagsabayin?" Nakakunot noo kong tanong. Ano bang pinagsasabi nito?
"Ang galing mo talagang umarteng inosente ano? Malandi ka!" Sigaw niya. Kinalikot ko naman ang tainga ko. Nakakabingi kasi ang sigaw ng babaeng to.
"Tama na. Pwede ba? Sumusobra ka na. Kung galit ka sa akin dahil kay Rellious o sa dalawang Rellious. Sayo na sila. Kaibigan lang ang turing ko sa dalawa kaya pwede ba, tantanan mo na ako?" Kalmado ko paring sabi.
"I'm sorry kung nasaktan kita. I'm sorry kung nagselos ka. I'm sorry kung nahulog sila sa akin. Pero tama bang tawagin mong malandi ang ibang taong di mo naman kilala? Kasalanan ko bang may mahulog sa akin na hindi ko sinasadya?" Seryoso kong tanong. Kasalanan ko ba kasi kung nagkagusto nga ang dalawang yun sa akin? Malay ko bang maaakit pala sila sa beauty ko? Ehem... Haba naman ng face ko kung ganern.
Tatalikuran ko na sana ang babaeng ito pero may humarang na naman.
"Pagbabayaran mo ang pang-aagaw mo kay Daenard sa akin." Sigaw ni Kolen at sinugod ako. Mabilis akong umiwas at tinisod siya kaya naman napasubsob siya sa sahig.
Susugurin din sana ako sa babaeng kanina pa nakaharang sa akin kaya naman sinipa ko na ang tuhod para mapaluhod.
Napatingin ako sa isang sulok dahil may nakita akong babaeng may hawak na camera. Sinong pinagloloko nito? Di ba niya alam na may mga hidden camera sa paligid? Kahit iedit pa niya ang videong yan, mayron namang ibang pagkuhanan ng orihinal na nangyayari.
"So lumabas narin ang totoo mong kulay?" Nakasmirked niyang sabi.
"Alam mo bang bawal ang outsider dito?" Taas noo ko ding sagot.
Napansin kong parami ng parami ang mga estudyanteng nanonood sa amin. At kadalasan ay mukhang galit sa akin.
Humagulhol naman sina Kolen at ang babaeng sinipa ko sa tuhod kanina. Kaya mukhang ako ang nang-api sa kanila. Pambatang prank. Tsk.
"Dahil sa black belter siya ang lakas ng loob ng mang-api." Sabi ng alam kong kaibigan ng Kolen na ito.
"Nandyan na pala ang malandi."
"Di makuntento sa isa. Pati si Sir Ryll lian inakit niya."
"Gold digger!"
"Bitch!"
"Ang landi talaga."
BINABASA MO ANG
My Playful Campus Queen (Completed)
Ficção AdolescenteA childish campus queen meets the arrogant campus celebrity. Childish, mapagbiro at makulit. Tatanga-tanga at palaging dinadaan ang lahat sa biro. Mga katangian na ayaw ng arogante at seryosong campus celebrity. Kaya lang paano kung mahuhulog siya s...