Chapter 40: Flashback

839 47 1
                                        

Lauriz p.o.v

Nasa sala kami ngayon. Kausap ko si Kuya Raizyn.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito?" Tanong ni kuya sa akin.

"Oo naman." Sagot ko din.

"Akala ko kasi hindi ka aalis para kay brader in lo ko." Sagot ni kuya.

"Ito ang mas nakakabuti kuya. Saka di ako ang mahal non. May nararamdaman ako sa kanya pero hindi ko na ito dapat pang palaguin. May nasasaktan na nga ako tapos masasaktan lang din ako. Kung si Nat nalang sana ang pinili nitong puso..." May halong lungkot kong sabi. "Para wala ng iba pang mas lalong masaktan, lalayo nalang muna ako. Kung sino man sa kanila ang kaya akong hintayin sa loob ng ilang taon, malay mo mahuhulog din ako di ba? Pwera nalang kay Zynard dahil iba naman talaga ang mahal niya." Idol ko si Kenard, crush ko naman si Zynard. Pero kung love, hindi ko alam. Mas gusto ko ang pag-uugali ni Nat ngunit kinikilig ako kapag nakikita kong nagseselos si Zynard. Hay, bakit kasi ang gulo nitong utak ko?

"Paano mo naman nasabi yun? Saka binalikan mo pa siya at hinalikan." Sagot ni kuya.

"Gusto kong ipaabot sa kanya na mahalaga siya sa akin pero kailangan kung lumayo para matiyak niya kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman sa akin." Saka kinuwento kay kuya ang rason kung bakit nasabi ko ang mga iyun.

Flashback...

Hay naku! Bakit palage ko nalang naiisip ang lalakeng yun? Ano kaya kung sasagutin ko na siya? Pa'no ko siya sasagutin eh di naman siya muling nanligaw? Pero sigurado naman kasi akong mahal niya ako eh. Ramdam ko yun, natotorpe lang talaga siya. Malakas lang ang loob kapag nakainom ng alak. Sana palage na lamang siyang lasing. Ay wait! Bakit iyun ang nasa isip ko? Malay mo kung di yun totoo?

Pero baka sasabihin niyang sinungaling ako. Kasi pinaniwala ko siyang sina Aling Martha ang pamilya ko. Baka sabihin niyang pinagmukha ko siyang tanga. Pero kung mahal talaga niya ako, maiintindihan niya ako di ba? May rason naman kung bakit ko iyun ginawa. Pansin ko na ding dumadalas ang mga nakasunod sa akin ngayong mga nagdaang mga araw.

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon