Chapter 27: Only daddy

805 54 5
                                    


Third person's p.o.v

Pagpasok ni Raizyn sa kotse ay agad siyang batukan ng kapatid. Hindi niya ito pinansin at humagalpak lamang ng tawa.

"Bwahahaha! Hahaha!" Tawa ni Zyn habang nakahawak pa sa tiyan.

"Tinatawa-tawa mo?" Nakangusong tanong niya sa kuya.

"Wala babysis! Ang dami lang nabroken hearted. Kala kasi nila boyfriend mo ako. Hahaha!"sagot nito sabay tawang muli na hawak parin ang tiyan.

"Tawa pa more kuya. Para tuluyan ka ng mabaliw." Sagot na lamang niya.

"Okay lang. Gwapong baliw naman." Sagot ng kuya bago pinaandar ang kotse at pinatakbo na.

***

Brinella's P.O.V

Anong nangyari sa mga estudyante? Bakit para silang namatayan?

Pumunta na ako sa gym dahil may practice kami don.

Pagdating ko parang wala man lang gustong kumilos.

"Amariz, anong nangyari? Nga pala wala na si Lauriz sa clinic. Nasaan na ba yun?" Tumingin lamang siya sa mga boys naming kaklase.

"Sinundo ng boyfriend niya." Matamlay na sabi ni Froiland.

"Boyfriend? Weh, di nga." Sagot ni Amariz. Iisa lang naman ang palageng napagkakamalang boyfriend non.

"Anong hitsura?" Tanong ko.

"Dilaw ang buhok, parang kpop idol. Matangos ang ilong, matangkad, at maputi, yung mata parang nakatawa-" di pa man tapos magdescribe si Froiland ay bigla na lamang kaming napatawa ni Amariz.

"Anong tinatawa-tawa nyo?" Tanong nitong mayabang na Fleus na to. Inirapan ko lang siya.

"Wala. Parang baliw lang, ganun." Sagot ni Amariz. Nakita naming umalis si Zynard. Badtrip na naman yung isang yun. Sinundan naman siya ni Loiden na tatawa-tawa. Ano yun? Nabaliw na rin?

Lumapit na lamang ako sa mga kasquad ko. Dati eh tatlo kaming sumasali sa kahit anong kategorya. Ngayon medyo busy na kasi kami pareho.

Si Amariz naman nilapitan ang kateam sa Archery. Yung basketball team naman nagsilabasan. Problema ba ng mga yun? Kung kailan palapit na ang sport fest saka pa nagloloko?

***

Third person's p.o.v

"Focus Zynard!" Sabing muli ng coach ng basketball. Ilang araw ng wala sa sarili ang binata gayong dalawang araw nalang ay sports fest na.

"What's your problem Mr. Rellious?" Tanong ng coach mapansing hindi parin makapagfocus si Rellious.

"Si Queen problema niyan Sir!" Sagot ni Jesthon. Sinamaan naman siya ng tingin ni Zynard.

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon