Chapter 10: Brinella

868 59 1
                                    

Chapter 10: Brinella

========

Brinella's P.O.V

Hello everybody! Brinella is here! My full name is Bridget Janella L. Kingsley. Seventeen years old. Napatingin ako kay Lauriz kasi napatingin ulit si Sir Rellian sa kanya. Aba, yung loka, nakatulog na nakanganga pa. Kumuha ako ng papel at nilukot ko saka pinasok sa kanyang bunganga. Dahil don nagising siya at biglang nag-stretch at tumama ang kamao niya sa aking panga. Argh! Ang sakit!

Nalaglag yung papel sa kanyang bunganga. Nalaglag ako sa sahig. Napahawak ako sa aking panga pagkatapos sa puwetan kong sumakit din dahil sa pagkakabagsak.

"Ang gwapo talaga ni Sir kahit sa panaginip." Humihikab niyang sabi bago dumilat.

"Oh! Anong ginagawa mo dyan sa sahig?" Nakakunot-noo pa niyang tanong. Sira talaga to o. Siya na nga itong naglaglag sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan.

"Sinuntok mo kaya yan." Sagot naman ni Amariz.

"Akala ko ba si Sir Rellian ang sinuntok ko." Painosente niyang sagot. Tumayo naman ako habang hawak ang panga. Buti nalang di ako napuruhan.

"Ba't na naman ako nadamay diyan Miss Andrade?" Nandidilat ang mata ni Sir.

"Kasi naman Sir eh. Nagboboksing daw tayo sa panaginip ko. Gustong-gusto ko pa namang makita kang may black-eye. Kaya mukha mo ang tinarget ko. Si Brinella pala'ng natamaan?" Painosente ulit niyang sagot. Itong babaing to talaga. Aray! Ansakit talaga ng panga ko.

"Mukha kasi siyang lalake." Singit ng walangyang Amariz na to.

"Anzamanyo!" Kainis na sila *pout*.

Nagsisimula na namang dumaldal si Sir pero itong Lauriz papaidlip na naman.

"Wag kang matulog! Huy!" Sigaw ko sabay kalabit sa kanya.

"Sinong may tanong?" Tanong ni Sir matapos mag-discuss. Nagtaas naman ng kamay ang bruha.

"Yes miss Andrade?"

"Sir malayo pa bang time?" Inaantok niyang tanong.

"Miss Andrade, 20 minutes palang nang nagsisimula ang klase kaya wag ka munang matulog. Ano ba kasing ginawa mo kagabi at mukhang puyat ka?" Seryosong tanong ni Sir Rellian.

"Iniimagine ko pong nag-date kami ni Kenard Rellious melabs ko kagabi tapos pinag-aagawan nyo daw ako."

Bigla nalang kaming nabilaokan sa aming mga sariling laway dahil sa sagot na yon. Si Sir napaubo. Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran.

"What?" Inis na tanong ng supladong transferee na to. Gwapo sana.

Muli ng nagdiscuss si Sir at di na inusisa pang muli ang sinabi ni Lauriz. Wala nga kasing preno ang bunganga ng isang to. Baka mamaya kung saan-saan na naman napupunta ang lesson namin.

Nang magbell na...

"Yes! Uwian na!" Masiglang sigaw ni Lauriz.

"Recess palang Lauriz!" Sagot ni Amariz.

"Uwian na mamaya 'ka ko." Sagot niya agad.

Nagsilabasan yung iba naming mga kaklase pero kami dito lang nakaupo parin at nananahimik sa tabi. Hindi kami nakikipaghalubilo sa iba kahit ganito kami na medyo may pagkashunga.

"Hi!" Bati nitong kung di ako nagkamali, Fleus ang pangalan niya. Nakangiti na halatang nagpapacute.

"Yes? What can I do for you?" Malandi kong sagot. Nanglalandi ako pero di ko pinaninindigan. Kunwaring landi lang naman.

"Pahingi nga ng number nong Lauriz." Sagot ba naman niya. Akala ko pa naman natamaan na siya sa charisma ko. Napabuntong-hininga na lamang ako sabay hawak sa dibdib at sinabing...

"Aray naman. Kala ko pa naman number ko." I said and pouted my lips.

"Of course sayo rin." Sagot niya pagkatapos tumikhim. May paiwas tingin pang nalalaman. Natawa na lamang ako ng mahina.

"Number three." Sagot ko sa kanya.

"What?" Mukhang di gets.

"Hinihingi mo ang number ko di ba? I am number three." Sabi niya number daw e di bigyan ng number.

"I mean contact number mo." Paglilinaw niya.

"Sorry. Naka-private." Sabi ko sabay ngiti at isinubsob na ang mukha sa desk. Ayokong ibigay ang contact number ko. Baka mamaya tawagan pa ako. Saka di oo din pwedeng ibigay number ni Lauriz. Baka pagalitan pa ako kung ipamimigay ko ang contact number niya na walang paalam.

"Tol, di na naman tumalab ang charms mo." Rinig kong sabi nong Jesthon, sabay tawanan nilang magbarkada.

Di ko na sila pinansin at umidlip na.

***

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon