Chapter 7: Zynard Rellious

943 66 0
                                    

Chapter 7: Zynard Rellious
=

======

Zynards  P. O. V

L

hizynth Daenhard Rellious. That's my full name. But I prefer Zynard. Seventeen.

Napatingin ako sa baliw'ng babaeng nagchecheck ng mga papel namin na nakaupo ngayon sa may teachers table.

"Nakakainis ang panget na guro na yun. Izero ko talaga lahat to." Kanina pa siya reklamo ng reklamo. Ba't ba siya ang pinapa-check? As if namang alam niyan ang tamang sagot eh, halos tulog yan buong klase. Mamaya, basta-basta lang iyang nagchecheck at ekis. Ni wala ngang iniwang kodigo ang guro.

Panay check at ekis lamang siya. Maya-maya pa'y biglang tumawa. "Seriously Amariz? Ikaw tong dilat na dilat kanina tapos pati pangalan ng mga characters sa kwento di mo na alam? Bwahaha!" Sabi niya na napahawak pa sa tiyan sa kakatawa.

"Oo na. Ikaw na matalino. Tsk! Matalino sa kalokohan." Sagot nong Maiz daw na may pagkasingkit ang mga mata at napakakinis ng maputing balat. Kung di lang mga baliw at may pagkashunga ang mga to pagkamalan ko pa silang model o ba kaya mga artista. Mas maganda pa nga sila kaysa sa mga artista e. Sabagay, marami namang mas magaganda pa sa mga artista.

Yung ibang mga estudyante ayun sinisilip ang chini-check nong Lauriz daw? Itim ang buhok na bahagyang kumulot sa dulo. Halatang hindi pinakulot at natural na talaga. Yung shape ng mukha niya ang gandang pagmasdan. Ang amo ring tingnan kahit may pagkashunga. Yung manipis at mamula-mula niyang maliit na medyo pa-heart na labi parang ang sarap damh—err... Ano yun? Namali ako ng describe... Panget siya. Period!

"Zynard baka matunaw." Bulong sa akin ni Jesthon na ikinagulat ko kaya sinamaan ko ng tingin. Ba't kasi nanggugulat?

"Lumapit din kaya tayo?" Bulong din ni Fleus. Tsk! Gusto lang niyan makapanyansing. Tong playboy na to, pinapatulan kahit shunga.

Nakita kong may straight na na-check ang babae. Sa totoo lang ang bilis niyang magcheck. Ni one two three ata. Baka di nga inaayos.

"Sinong Lezent... Ano ba to ang hirap basahin. Daynard ba to?" Deynard yan di daynard, tsk. Tumingin sa akin ang mga kaklase namin kaya napatingin din siya sa akin. Ano inlove ka na ngayon sa akin?

"Matalino ah. Gwapo na mayaman pa. Masungit lang." Sabi pa niya na may disappointment sa tono ng boses habang inaayos ang mga papel namin. Di natablan ng charms ko?

"Poge ngiti ka naman paminsan- minsan. Mas gwapo kang tingnan pag ganon." Sabi niya at nginitian ako. Biruin nyo mukha pala tong anghel sa malapitan. Nginitian ako... Ilang lalake kaya ang nginingitian nito? Teka, bakit ko iniisip yon? Pake ko ba?

"Uy! Si boss nakangiti!" Asar ni Froiland na ikinaubo kong bigla.

"Namamalikmata ka lang." Sagot ko din at nagsimula ng umalis. Yung babaing yun kasi nanghahawa pa ng kabaliwan. Makaalis na nga rito.

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon