Chapter 18: The 3 Campus Queens

1K 64 0
                                        

Lauriz p.o.v

As I said, the game is on. Mukhang kailangan ko ng magseryoso. Malapit narin ang exam kaya magpopokus na ako. Wag ng paeasy-easy baka bumagsak pa ako.

"Let's go Lau! Ang tagal mo." Bungad sa akin ni Brin. Hinintay kasi nila ako rito sa parking area sa may bandang likuran ng school.

"Hinanap ko pa kasi yung logo ng damit ko eh." Sagot ko. Si Nat tahimik lang na nakasunod sa akin. Sinabihan ko siyang mauna na dahil hihintayin pa namin si Amariz na may pinuntahan pa raw.

Ilang minuto rin ay dumating na ang bruha na suot ang campus empress uniform niya. Nakalugay lang ang itim at tuwid niyang buhok. Bahagyang nakaclip ng paruparong design ang nasa gilid ng itaas ng tainga. Suot ang puting long sleeve polo na may necktie na gold. May nakaburda na golden crown ang necktie. May golden blazer siyang gawa sa royal silk  at hapit sa baywang. Kaya kumurba ang kanyang sexing katawan.

Golden yellow din ang kulay ng skirt na may lining na red. Two inches above the knee. May white socks na hanggang tuhod at two inches high heeled na golden yellow na shoes pero yung takong niya kulay pula. Siya namili ng ganyang design kaya pabayaan na. Buti nalang nagmukha siyang barbie tingnan dahil sa cute niyang mukha at medyo may pagkasingkit na mata. Samahan pa ng maputi at makinis niyang balat. Akala ko nga eh, magmukha siyang baliw sa napiling kulay at design na campus empress uniform niya.

Ginaya kasi ni Amariz ang attire ng favorite character niya sa isang anime.

Si Brin naman, nakalugay lang din ang dilaw niyang buhok na kulot sa dulo. Pero ni-clip niya yung tumatakip sa mukha at bahagyang inikot papuntang likod ng ulo. May mga mamahaling gem ang hairclip na pinang-ipit niya rito na may disenyong bulaklak. Na merong kung ano-ano pang mga nakasabit na burloloy.

Yung uniporme niya parang sa cheerleading squad. Joke lang. May white polo shirt siya sa loob na pinatungan ng golden fitted na coat. Gold din ang kulay ng sobrang ikli niyang skirt. Tapos two inches ang boots na golden yellow din. May silver crown na nakaburda sa kanang dibdib maging ang necktie na kulay gold ay may silver crown ding nakaburda rito. Sakit sa mata kung iisipin mo ang tingkad ng kulay pero dahil si Brin ang may suot nito, nagmukha siyang cute at napakagandang dyosa.

Kung tinatanong niyo yung akin. Ahmm akin parin. Dahil silver ang paborito kong kulay. Kulay silver din ang laso na ginamit kong pangtali sa aking buhok. Basta tinali lahat at nilugay na yung dulo. Hanggang baywang naman ang aking maitim at makapal na buhok. Cute naman ako eh, ba't kailangan pang ayusin? Pero sa totoo lang di talaga ako marunong mag-ayos. Si Nat pa nga ang inutusan kong magsuklay sa akin eh.

Para mas mabilis, ahmmm... nakared fitted coat ako, sa loob ay yung white uniform parin namin. Yung necktie ko scarlet red na may golden crown, at sa gitna ng crown may letrang L.A na kulay ruby. Red maging ang skirt kong two inches above the knee. Pinarisan ng red high heeled boots na pamatay ipis. Lalo akong tumangkad at lalong sumexy. Siguro cute akong nakafitted ng suot. Sayang di ko natingnan sa salamin kanina.

We walk elegantly on the hallway. Syempre dapat pa-cool yung lakad kahit pa-sexy yung kina Brin. Bakit parang kumikimbot tong butt nitong dalawa?

"Brin. Maiz. Para kayong pato kung maglakad. Naiiwan yung puwet." Sabay-sabay tuloy silang napatingin sa likuran. Sabay-sabay ding napanguso.

Maumbok kasi ang mga puwet eh. Tapos sinubukan nilang maglakad ulit pero nakapihit ang mga ulo sa may puwetan. Muntik na tuloy matisod si Brin.

"Sabi ko na nga Maiz eh, magjeans nalang tayo." Sabi naman ni Brin.

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon