Chapter 34: Manliligaw

665 46 0
                                    

Dormitory.

Lauriz p.o.v

Nakataob ako sa kama habang nagdodrowing ng mga larawan sa drawing book. Wala akong maisip na libangan kaya ito nalang. Nagsasawa narin akong manood ng TV kaya ito nalang, drowing ng drowing.

TOK!TOK!TOK!

Napalingon ako sa pintuan dahil sa sunod-sunod na katok na aking naririnig. Sina Brin na naman siguro to o ba kaya sina kuya Kenneth o Tito Lerio.

Bumaba ako sa kama at binuksan ang pintuan. Biglang nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Naamoy ko rin ang mga mamahaling pabango galing sa labas ng kwarto ko.

"What are you doing here?" Nakapamaywang kong tanong na may pataas kilay pang nalalaman. Bago sila hagurin ng tingin. Syempre pagalit effect para di mahalatang nagagwapuhan ako sa kanila. Mamaya tatalunin pa sa kayabangan ang mga pinsan ko kapag pupurihin ko sila.

"Hi bhabe." Bati sa akin ni Fleus na may pakindat-kindat style pa. Ayan tuloy lalo siyang nagiging cute.

"Hahaha! Ang kyut mo parin pala kahit nakaduster." Natatawang sabi naman ni Jesthon na hinahagod pala ako ng tingin.

Don ako medyo tinablan ng hiya. Nakaduster lang pala ako. Ang masaklap duster ni mama ang suot ko. Gustong-gusto ko kasing suotin ang duster niyang malambot sa tuwing nasa bahay ako ganon din pag nandito ako sa loob ng kwarto nitong aking dorm. Akin kasi ako lang mag-isa ang nandito sa loob ng bahay na ito na ginawa kong dorm.

"What are you doing here?" Pasensya na, nakakahawa kasing makaenglish yung mama ni Nat kaya ayan napapaenglish ako. Praktis lang to. Hehehe joke. Nag-eenglish ako pantanggal ng hiya saka yung pinakasimple lang naman. Kasi alam nyo na baka idelet ni author ang chapter na to dahil natuyo ang utak niya sa pag-iisip ng ingles word. Baka dumugo ilong non. (Si author napaubo..)

"Sabi ko na nga ba matulala ka sa kagwapuhan ko." Mayabang na sabi ni Fleus na sinuklay pa ang buhok gamit ang daliri.

"Weh, para nagtaka lang, kung anong masamang hangin ang nalanghap niyo kaya nabihag kayo nitong ganda ko. Kita nyo na, kahit nakaduster para paring model." Sabay pose pa sa harap nila.

"Ehemm... May dumaang bagyong ondoy." Sagot ni Jesthon at humawak pa sa gilid ng pinto para daw di matangay.

"Ano ngang pinunta niyo dito?" Tanong ko ulit.

"Manliligaw nga. Kita mo na, nabingi ka na. Kasasabi lang kanina." Sagot naman ni Fleus.

"What? Kayo talagang lima? Ano to? Season 2 ng Meant to be? Instead na apat lima na? Instead na si Barbie ang bida ako na?" Kasi naman di ba, mga celebrity sila dati baka pinagpraktisan nila ako para sa future shooting nila.

"Hindi ako kasali, sila lang." Tanggi naman ng Zynard na to. "Sumama lang ako para di mapag-iwanan." Dagdag pa niya pero sa malayo nakatingin.

"Di nga? Sabagay, maganda naman talaga ako, matangkad, sexy, cute and I'm hot. Di na nakapagtatakang mahulog kayo sa beauty'ng ito. O di ba, sa akin na lahat? Hindi lang kasi talaga ako mayabang. Hindi lang talaga. Halata!" Sabi ko pa at nagpeace-sign. Dinagdagan ko narin ng tawa kasi syempre joke ko lang talaga yun.

"Nanonood karin pala ng Meant to be?" Tanong naman ni Froiland sa akin. Nakabihis din pala ang isang to. Well, lahat sila nakabihis. Ano bang trip ng mga to?

"Hindi ka kinilig?" Tanong ni Fleus. Umiling naman ako.

"Akala ko pa naman kiligin ka rin tulad ng mga babaeng nanonood ng Meant to be." Sabi naman ni Loiden.

"Di ako mahilig sa love story. Mas gusto ko yung action at comedy tulad ng tomb raiders nina Luhan, monster hunts nina jing boran, the revengers squad nina vice ganda at high kick angels. Mas gusto ko yung ganon." Sagot ko naman. Mas gusto ko lang talaga ng comedy pero nanonood din naman ako ng meant to be ayaw ko lang sabihin.

"Palibhasa wala ka pang love story." Singit naman ng kanina pa tahimik na si Zynard.

"Uy! Narinig ko yun kaya basted ka na." Sagot ko din.

"Basted ka na daw Zynard. O sige alis na." Taboy naman ni Fleus na tinulak-tulak pa si Zynard.

"Anong ako? Ikaw kaya nagsabi non. Kaya alis na." Pagdedeny naman ni Zynard at hinawakan pa sa braso si Fleus para paalisin din.

"Ikaw naman daw pala yun Fleus. Ikaw ha, deny-deny ka pa. Aminin mo na kasi, halatang-halata ka na kaya wag ka ng kumontra." Natatawa namang sagot ni Froiland. Kaya natawa na lamang din kami.

"Wala ka bang balak papasukin kami? Nangangalay na ang mga paa ko oh." Reklamo naman ng Zynard na to. Oo nga pala, kanina pa kami nakatayo rito sa labas.

***

My Playful Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon