Lavinia's POV
Nagkakalampagang mga pinggan ang gumising sa akin. Bubong na semento ang una kong nasilayan sa aking pagmulat. Napabalikwas ako ng bangon. Ano ang lugar na ito? Iyan ang unang tanong na pumasok sa isipan ko.
Nasa isang parisukat ako na silid. Sa harap ay makikita ko sa isang malaking harang na gawa sa bakal. Napapalibutan ako ng babaeng nakasuot ng orange at yellow na damit. Maiingay at magugulo ang mga ito. Kakaiba din ang kanilang mga itsura. Ang ilan ay may hikaw sa kung saan-saang parte ng mukha. Ang ilan naman ay halos wala ng mapaglagyan ng tattoo sa katawan dahil sa sobramg daming nakapinta sa mga ito. Hindi na 'yan art. Isa na 'yang kababuyan. Mula pala sa kinakalampag na pinggan ang tunog na nadinig ko. Ginagawang instrumento iyon ng mga babae. Anong trip ng mga ito? Oh, wait. Nasaan ang mga kasama ko?
Tumingin ako sa aking tabi. Nakabaluktot na nakahiga doon si Lily. Ginising ko siya. “Hey, Lily.” Sabi ko dito pero parang wala itong nadining. Tinapik ko na siya sa balikat. Hindi pa din ito natinag. Sinampal ko na siya pero no effect pa din. Tignan natin sa susunod na sasabihin ko. Nilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga. “May pa-ayuda si Mayor.”
Mas mabilis pa sa kidlat na nagmulat at bumango ito. “Present. Palista ako!”
“'Yan tayo, eh.”
“Where the hell are we?” Sunod na tanong nito ng mahimasmasan.
Hindi ko alam. Ang pagkakatanda ko ay inantok ako habang nadaan sa mahiwagang lagusan patungo sa mundo ng mga tao bago ako nakaramdam ng antok. Tapos nandito na kami ngayon?
“My gaaaaaadddd.” Sabi ni Lily. Lumapit siya sa akin at mahinang nagsalita. “Ito na ba ang mundo mga chenelin?”
“Chenelin?” Parang salita pa iyon ng mga bakla. “Ng mga tao? Maari.” Sagot ko sa kanya.
“Iyan ang kanilang mga itsura? Ang chachaka naman.” Sabi ni Lily.
Nais ko mang kumontra sa sinabi nito ay hindi ko magawa dahil may bahid naman iyon ng katotohanan. Hindi sa pagiging judgemental pero parang mga sanggano at mga adik ang nakapaligid sa amin. Teka, ano bang klaseng lugar ito at bakit dito kami napunta?
“Anong sabi mo?!” Pasigaw na tanong ng isang matabang babaeng parang buntis. O baka naman sadyang malaki lamang ang tiyan nito? May dalawang babaeng nagmamasahe sa balikat at likod nito na para bang siya ang boss sa lugar na ito.
Nilapitan niya si Lily. Habang ang lahat naman ay nakatingin sa amin. Nakaupo pa din kaming dalawa. Base sa itsura ng mga ito hindi nila nagustuhan ang sinabi ni Lily. Jusko po. Trouble na naman ba ito? Gusto ko munang magpahinga.
Tumayo ako at hinarap ang matabang babae. “Ah, ang ibig sabihin ng kasama ko ay magaganda kayong la-----”
“Wait a minute kapang barako.” Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay pinutol na ni Lily ang sinasabi ko. Tumayo din ito ay pinameywangan ang lahat. “Tama ang nadinig ninyo. Chaka. Ang chachaka ninyong lahat.” Dinuro pa nito ang mga babae. “Mga mukha kayong calderetang aso.”
“Ah, ganon?” Sabi ng isa at inihanda nito ang kanyang kamao.
Tinigan ko ng masama si Lily. Hindi ba pwedeng magpahinga muna. Napaatras kaming dalawa ng magsilapitan silang lahat sa amin. Nakahanda ng sumuntok ang mga ito.
Dinuro nung baboy si Lily. “Kabago-bago ninyo salta dito eh kung makaasta kayo akala mo na kung sinong malinis. Pare-pare lang tayo ditong mga kriminal!”
Napakunot ang noo ko. Kriminal? Sino? Kami? Si Lily maari pa.
Ako naman ang binalingan ng mataba. Parang nanghahamon ang itsura nito. “Ikaw? Ano bang kaso mo? 'Nakaw? Akya't-bahay? Shabu? Na-tokhang ka ba? O baka nakapatay ka? Ginahasa ka ba ng amain mo at ginilitan mo siya ng leeg sa sobrang galit? O baka naman pintulan mo ng ari? Hindi mo nagustuhan kaya pinatay mo na lang? Hindi ka nasarapan? ”
Nanigkit ang mga mata ko sa nadinig. Ano ba ang gustong palabasin ng babaeng ito?
“Hoy, vakla.” Kinuhit ni Lily sa pisngi ang baboy. “Don't you ever dare na kausapin ng ganyan si Lavinia. Wala kang karapatan. Wala akong pakielam kahit malalaki pa kayo dahil kayang-kaya ko kayong patumbahin sa isang pitik ko lamang kaya huwag ninyo akong susubukan. Oo. Bago talaga kami. Fresh na fresh. Hindi ninyo kami kagaya na nagkaroon na ng maraming apo ang mga pimples ninyo sa inyong mukha.” Sinampal nito ang isang babaeng nasa kaliwa niya na maraming tigidig. “Barbie ka ng taon. Kadiri ka. Nagnanak-nak 'yang peslak mo. Mahal ba investment diyan? Infairness, ha? Palago ng palago. Huwag mong papabayan. Baka magtampo. At ikaw.” Muli nitong dinuro ang babaeng baboy. “Akala mo ikinaganda mo 'yang pagtataray mo? Boba, mukha ka lang angry bird na walang kilay.”
“Eh, gaga pala 'to, eh.”
“Don't! Not yet.” Nakangiting mabilis na saway ni Lily sa leader ng gang ng umakama itong susuntukin na ang kasama ko gamit ang kanyang malaking kamao. Nabitin tuloy iyon sa ere. “Anong kaso namin? Kung kasalanan ang pagiging maganda, fine. Kami na ang kriminal. At malaya na kayong lahat. Huwag kayong mag-alala dahil hinding-hindi na kayo mahuhuli hanggang sa mamatay kayo. Huwag na din kayong umasa na kapag na-reincarnate kayo ay may pag-asa pa kayong gumanda. It's a big no. Wala na. Pinanganak kayong pangit, lumaki kayong pangit at mamatay kayong pangit. Cycle lang 'yun. Eto pa ang sasabihin ko...”
Habang kumukuda si Lily ay saka ko lang napagtantong para kaming nasa isang kulungan. At ang mga kasama namin ay mga totoong kriminal! Preso marahil ang ibig sabihin ng letrang P na nakaukit sa bawat damit na suot ng mga ito. Ang malaking tanong ay kung bakit kami napunta dito? Pero ito na nga ba talaga ang mundo ng mga tao?
“Pwede bang lumayo kayo sa amin?!” Sigaw ko sa mga ito. Naiinitan na kasi ako. Nakakaalibadbad. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Ang sakit din sa ilong ng amoy dito. Nakaka-suffocate.
Natigil si Lily sa pagkuda at sa akin naman na napatingin ang lahat.
“Tigil daw, boss.” Sabi ng kanang-kamay ng baboy. Nagtawanan ang mga ito.
“Tigil?” Ulit ng lider. “Kung iyang hininga mo kaya ang patigilin ko? Ito ang para sayo.” Umamba siya ng suntok sa akin pero nagawa kong mahawakan ang kanyang mga kamao. Ramdam kong mahihina ang mga ito. Unang tingin pa lang ay alam ko ng wala silang lakas tulad namin.
Tinignan ko siya ng nakakaloko habang pinipilit nitong makawala mula sa aking pagkakahawak. Nagpapawis na ito. Baka dahil sa katabaan. Masyadong ma-cholesterol. Ang mga alipores naman niya ay nanonood lang. Ano kaya kung sampolan kung ang isang ito? Tiyak kong wala pang ilang minuto ay bubulagta na silang lahat. Kahit si Lily pa ang gumawa niyon at panoorin ko lamang siya. Nginisian ko siya. “Gusto mo bang magpakilala ako sa'yo?”
******
Ngayon ko lang napansin na 'nung basahin ko ulit ito ay parang may pagkakahawig pala ng slight doon sa scene na unang nagkita si Lavinia at Lily. Naaalala ninyo? Ang kaibahan nga lang si Lily ang tulog. Nakaisa tuloy si Lavinia sa kanya. May pa-ayuda daw, eh. Gising agad si vakla.😅
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...