Kabanata 55 : Pagsagip Kay Bella

78 9 0
                                    

“Nahihilo na ako pero wala talaga akong makita.” Sabi ni Eli na nasa tabi ng isang mahabang parisukat na semento na napapatungan ng base na may kumpol ng rosas.

Hindi ko na sana papansinin iyon pero napukaw ang atensiyon ko ng isang rose na kulay blue. Lumapit ako doon. “Kakaiba ang kulay ng isang ito.” Sabi ko sa mga kasama at itinuro ang bulaklak.

“Ano namang kakaiba diyan?” Tanong ni Lily. “Vaklang 'to. Mema ka lang, eh.”

“Kung walang magandang ilalabas 'yang bibig mo'y mabuting tumahimik ka na lang.” Puna sa kanya ni Walker.

Hinawakan ko ang puno ng rosas na kulay asul at hinila iyon. Kasabay niyon ang pagyanig ng paligid. “Anong nangyayari?” Nagsimulang magsigalaw ang mga silid.

“You're genius.” Sabi ni Nate at tumigin sa akin. “Natagpuan na natin ang daan patungo sa kanya.”

Ah, 'ganon?

Nagulat kaming lahat ng bigla na lamang nilamon ng pader ang mga silid na kanina lang ay pinasukan namin.

“Wow.” Manghang sabi ni King.

“Mukha mo, wow.”

Pagkatapos niyon ay nagkaroon ng bilog na puwang ang pader at lumabas doon ang isang sasakyan. Yung parang ginagamit sa roller coaster. Ganoon ang itsura. Sumakay na agad doon ang lima. Naiwan ako at si Walker.

“Ikaw?” Tanong ko sa kanya.

“I'm sorry. I can't go. Hawak niya pa ang hari. Baka kung ano ang gawin niya kapag nalaman niyang alam ko ang kanyang lihim at ako pa ang nagdala sa inyo dito. I can't risked my father's life.”

Hinawakan ko ang kanyang balikat. “Naiintindihan ko. Sapat na ang naitulong mo.”

“Magbabantay na lang ako dito para malaman kung may paparating.”

Tinanguan ko siya. “Salamat.”

Sumakay na ako. Kay Lily ako tumabi. Mabilis pa sa kidlat na umadar iyon at naiwan sa itaas si Walker. Para kaming nadaan sa isang riles.

“This is fun.” Sabi ni Lily.

“Kailan ka ba hindi natuwa?” Tanong ni Eli. “Biro lang naman ang lahat para sayo.”

Tatlong minuto ang lumipas bago namin narating ang isang pinto na gawa sa bakal. May nagbabantay doon. Isa lang naman. Si Krisan. Kayang-kaya namin siya. Agad kaming nagtago.

“Talagang kumampi na siya kay Hellia para lamang maambunan ng kapangyarihan.” Galit na sabi ni Eli. “Buti na lang talaga at hindi siya nanalo.” Tinagnan niya si Lily. “Tama lang ang ginawa mong pambubugbog sa kanya. Iyon ang isa sa kakaunting tamang bagay na nagawa mo. I'm so proud of you.”

“Thank you so much, bebe boy.”

“Ako na ang bahala sa isang 'yon.” Sabi ni Third. Bago pa ako makasagot ay naglaho na ito.

Sumulpot siya sa likod ni Krisan at sinuntok ito sa leeg. Plakda sa lupa ang babae. Lumapit na kami sa kanya.

“Paano natin ito mabubuksan?” Tanong ni King na ang tinutukoy ay ang malaking pinto na tiyak kong kinaroroonan ni Hellia. Nandito ang kanyang mga alagad kaya alam kong nandito din siya.

“May face recognition.” Sabi naman ni Eli matapos suriin ang kabuuan ng pinto.

“Hindi din ako makapasok sa loob.” Sabi naman ni Third.

“Ako naman ang bahala.” Sabi ni Nate sa likod ko. Itinayo niya si Krisan at itinapat ang pagmumukha ng babae sa scanner. Ilang segundo lang ay may tumunog na. Hudyat na nabuksan na ang pinto. Ibinalibag nito ang babae sa isang tabi.

Tuluyang ng bumukas ang pinto at hindi na ako nagtaka sa bumungad sa amin doon. Sila ang mga kasamahan ni Krisan na humarang sa amin noong kadadating lang namin at nakalaban din ni Eli. Talagang sinasagad ng mga ito ang pasensiya ko. “Huwag ninyo akong patawanin.” Sabi ko mga ito. “Lima lang kayo. Plakda na ang isa. Kung ako sa inyo ay papadaanin ninyo na lang kaming anim para hindi na dumanak ang dugo ngayon.” Sabi ko sa mga ito.

“Huwag kang masyadong papakasiguro, Lavinia.” Sabi ni Cyrene. Pagkatapos ay limang bagong dating na mga nilalang ang tumabi sa mga ito. “Ngayon ninyo ipakita ang tapang ninyo.”

Nagkatinginan kaming magkakasama. Hindi dahil takot kami kundi dahil sa gulat. Kilala ko ang tatlo sa lima. Kilala naming lahat sila na obvious naman na kakampi ng mga ito. Ang mga ito ay dating mga kasali sa competition ng The Four. Mga unang natanggal at mga binigyan ng chance para mabuhay pa. Sina Mark, Alison, at Morisette. Parang isa pa sa kanila ang naging member ni Nate. Ang dalawa ay hindi ko kilala. Baka kung saan lang nila napulot ang mga ito. Sa pagkakatanda ko ay ang tatlong ito at si Krisan ang huling natanggal bago humantong sa top twenty.

“Hi!” Nakangiti pang bati ni Alison. “Nice to see you again, guys. Humanda kayo dahil ipapakita namin sa buong Athens na hindi kayo karapat-dapat na tawaging The Four.”

Iyon ba ang dahilan kung bakit nasa panig na sila ngayon ng mali? Tinawanan ko siya. “Kung alam ko lang sana na mangyayari ang bagay na ito ay doon pa lamang sa isla'y tinuluyan ko na kayong lahat.”

“Masyado kang mayabang.” Sabi ni Mark.

“Dahil sigurado ako sa sinasabi ko.” Sagot ko sa kanya. “Hindi ko ugaling bumuga ng hangin.”

Binalingan ni Cyrene ang isa pang lalaking hindi ko kilala. “Sabihan mo ang reyna na may mga panauhin tayong pandangal.”

“Masusunod, Madam.” Umalis na ito.

Madam? Tsk. Ngayo ay nakakasigurado na ako na nandito nga si Hellia.

“Tama na ang satsat.” Sabi ng nagsisilbing leader ng mga ito. “Simulan na natin ang laban.”

“Wala na tayong oras.” Sabi ko sa mga kasama. “Bilisan na lang natin.” Iyon ang naging hudyat namin para lipatan ang mga ito.

Si Mark at si Cyrene ang agad na binalingan ko. Sinintok ko si Cyrene at sipa naman para kay Mark. Sabay na tumalsik ang mga ito. Nilapitan ko si Cyrene at hinawakan ang buhok nito bago pa siya makatayo. “Tama ka. Tama na ang satsat. Simulan na natin.” Pinaulanan ko siyang ng sunod-sunod na suntok. “Ang lahat ng iyan ay para sa ginawa ninyong pagpapahirap kay Eli.” Buong lakas na bimuhat ko siya at inihagis sa pader. Tinadyakan ko naman sa pagmumukha si Mark. Marami kaming dapat iligtas kaya wala akong panahong makipaglaro sa inyong mga peste kayo.

Hindi ko inaasahan ang biglang pagsugod sa akin ni Cyrene. Nagawa niya akong masuntok na halos ikatabingi ng mukha. Naglabas ako ng fire ball at ibinato iyon sa kanya. Muli siyang tumalsik. Akala mo naman kung sinong sobrang gagaling. Sinipa ako ni Mark. Muntik na akong matumba pero buti na lamang at naibalanse ko agad ang sarili. Gamit ang kapangyarihan ng hangin ay pinaangat ko siya at itinaas. Pagkatapos ay saka ibinagsak ng sobrang lakas. Don't mess with me. Huwag ako.

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon