Kabanata 62 : Ligtas Na Si Bella

82 9 0
                                    


Third's POV

“Kumusta siya, Doc?” Tanong ko sa kanya. Kalalabas niya lamang ng silid na kinalalagyan ni Bella.

“Okay naman siya.” Sagot nito. “She's physically fine. Bukod sa kaunting galos ay wala na akong nakitang kahit anong sugat mula sa kanya. Wala ding sign na na-trauma siya sa kung ano mang mga nasaksihan niya. Normal naman ang mga kinikilos niya. Pero mentally, hindi ako sigurado. Isa siyang mortal. I'm sure na marami na siyang nakitang kakaiba at mga bagay na hindi nila pinapaniwalaan. Tiyak akong marami ng tumatakbong mga tanong sa isipan niya. Hindi ka ba papasok sa loob? Ikaw lang makakasagot sa lahat ng iyon.”

Umiling ako. “Hindi na muna. Salamat.”

Nagpaalam na ito. Tawagin na lamang daw siya kapag may kailangan. Mula dito sa kinatatayuan ay kitang-kita ko si Bella sa loob pero hindi niya ako nakikita. Alam kong iniisip niyang normal lamang na pader ang nakapalibot sa kanya. Mukhang nag-aalinlangan pa itong kainin ang pagkain pero sa huli'y sinunggaban din nito iyon.

Tumayo ito. Akala ko'y kung ano ang gagawin niya pero lumapit ito sa pinto at kumatok doon.

“Hello? May tao ba diyan? Extra rice, please. Tubig na din.”

Napangiti ako habang napapailing. Nakita kong papalapit sa aking ang isang tauhan ni Charlie.

“Third, kailangan ka nila sa opisina ni Head Master.”

Napakunot ang noo ko. “Bakit?”

“Nawawala si Lily Cruz.”

“Shit.” Binalingan ko ang dalawang lalaki nagbabantay sa labas ng silid ni Bella. “Make sure na nasa kanya lahat ng attention ninyo. Huwag ninyong hayaang mawala ang pangingin ninyo sa kanya dahil kung hindi ay kayo ang mananagot sa akin. Ibigay ninyo lahat ng gusto niya.”

Bago umalis ay sinulyapan ko pa ito. Sa tamang oras, Bella, malalaman mo din ang lahat.


********

Lavinia's POV

“Naiwan ko si King at Lily noong sumunod ako sa inyo.” Paliwanag ni Nate.

Bumukas ang pinto at pumasok si Third.

“Kumusta siya?” Tanong ko dito na ang tinutukoy ay si Bella. Marami na din itong pinagdaanan.

“Okay naman. Nawawala si Lily?” Tumabi siya kay Eli.

“Nung mapatumba ko yung isang lalaki ay sumunod na din ako sa inyo.” Sabi naman ni King. “Hindi ko napansin kung sumunod nga ba sa akin si Lily o hindi.”

“Maliwanag na ang lahat.” Sabi ni Charlie. “Naiwan siya doon.”

“Nailigtas natin si Bella pero naiwan naman 'don si Lily.” Sabi ni Eli. “Parang nasayang lang din ang lahat.”

“Kailangan natin siyang sagipin. Baka siya naman ang pagbalingan ni Hellia.” -King.

“Kapag bumalik pa kayo sa palasyo ay pagpapakamatay na iyon. Nakatitiyak akong nakaalerto na silang lahat doon at maaring hinihintay na nila kayo.” Sabi ni Charlie.

“At ano ang inaasahan mo na gagawin namin?” Tanong sa kanya ni Nate na halatang mainit na agad ang ulo. “Umupo na naman dito at maghintay katulad ng ginawa natin kay Eliazar noon? Pero anong nangyari? Wala ka din namang pa lang nakahandang plano.”

“Who do you think you are para kausapin ako ng ganyan?”

Tumayo na si Nate at hinarap si Charlie. “Ikaw? Sino ka ba sa tingin mo?”

“Pwede bang tumigil na kayong dalawa?” Saway ko sa mga ito. “Hindi kayo nakakatulong sa sitwasyon.” Bumuntong-hininga ako. “Kung naiwan nga natin doon si Lily ay alam ko na ang gagawin. Maaring gamitin niya ang babaeng baliw para makuha ang nais niya, yung babaeng talagang kailangan niya.”

“Hindi niya masasaktan si Lily dahil may kailangan pa siya sa atin.” Sabi ni Eli.

“Hindi naman natin siguro isusuko si Camilla kapalit niya, hindi ba?” Tanong ni Third.

“Hindi naman tayo nababaliw para isuko na lang siya pagkatapos ng mga pinagdaananan natin.” Sabi ko. “Maraming pamilya ang naulila, mga babaeng binihag nila, pagkamatay ng mga magulang ni Eli, pagkamatay ni Marina, pagpapahirap nila kay Eli at ngayon ay si Lily. Mas malala pa doon ang mangyayari kapang napasakamay pa niya si Camilla. Maililigtas natin si Lily nang hindi isinusuko ang babaeng itinakdang tatanggal ng kanyang sumpa.”

“Tama si Lavinia.” Sang-ayon ni Eli. “May ideya na tayo kung gaano siya kalakas. Alam na natin ang kanyahang kahinaan. Hindi siya makakalabas ng palasyo. Iyon ang sasamantalahin nating pagkakataon. Iyon ang malaking lamang natin sa kanya.”

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng tumunog ang device na nasa tainga ko pa pala. May tumatawag. Pinindot ko iyon.

“Lavinia?”

“Si Prince Walker.” Sabi ko sa mga kasama ko at sinenyasan silang tumahimik.

“Nandiyan si Lily”

“Nandito ang babaeng baliw.”

Nagkasabay pa naming sabi.

Naiwan nga namin siya. Jusko. Sana'y walang gawing kung ano sa kanya si Hellia.

“Gagawin ko ang lahat para mahanap kung saan siya itinago. Huwag na muna kayong magtutungo dito. Madami na ang nakaabang sa inyo at handang-handa na silang lahat.”

“Magtitiwala ako sa iyo sa bagay na 'yan.” Tugon ko. Iyon na lang naman ang magagawa ko. Dapat ko siyang pagkatiwalaan na mahahanap niya si Lily.

“Makakaasa ka. Babalitaan ko na lang kayo bago matapos ang araw na ito.”

Iyon lang at nawala na siya sa linya.

“Anong sabi niya?”  Tanong ni Charlie.

Tumingin ako sa mga ito. “Nandoon nga si Lily. Hawak siya ni Hellia. Siya na ang maghahanap. Mas malaking posibilidad na makita niya agad ang baliw dahil malaya siyang makakakilos doon. At tama kayo, nakahanda na nga ang mga kampon ni Hellia sakaling sumugod tayo doon.”

“Wala tayong magagawa kundi maghintay.” Sabi ni Third.

“Sana lang ay walang gawing kung ano si Lily. Baka hindi makapagtimpi si Hellia sa kanya. Alam ninyo naman ang ugali ng isang 'yon.” Sabi ni King.

“Sana lang talaga.” Sang-ayon ni Eli.

Pagkatapos naming magpulong ay bumalik na kami sa aming tirahan. Si Third naman ay naiwan doon. Lagi namang ganoon. Masyado ko tuloy nahahalatang may ibang pinag-uusapan ang mga ito. Saka ko na aalamin kung ano man iyon. Ang mahalaga ay mabawi namin si Lily. Nakakapanibago. Walang maingay. Walang madaldal na nagsasalita ng kung ano-ano. Sana ay ligtas siya. Kilala ko ang babaeng iyon. Hindi siya basta-basta sumusuko at nagpapatalo. Alam kong makakaligtas din siya kay Hellia. Walang miyembro ng The Four ang mahina.

Kanya-kanya kaming pasok sa silid ng bawat isa. Hihintayin ko pa ang tawag ni Walker. Sana ay mahanap nito si Lily bago pa kung anong maisip gawin sa kanya ni Hellia. Hindi pwedeng may isang buhay na naman sa amin ang mawala. Dala ng pagod ay saglit na hinila ako ng antok.

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon