Hindi pa ako tapos, mga vakla. I'm just getting started.... and for the record wala pang umuuwing buhay sa mga kumalaban sa akin. Tindyakan ko sa puson ang isa. Tumalsik ito sa kung saan. Nagpalitan kami ng suntok nung pangalawa. Hindi siya mananalo sa akin dahil ako ang nawawalang babaeng anak ni Manny Pacquiao. Pinaglihi ako sa kanyang matitigas na kamao. Hindi ko inaasahan ang pagsugod ng pangatlo. Nasuntok niya ako kaya napaupo ako sa sahig. Sisipain pa sana niya ako pero gumulong ako para makaiwas. “Huwag kang abusada!” Sigaw ko sa kanya. Nahawakan ko ang kanyang braso at buong lakas na ibinalibag ko siya sa pader. Limang beses kong inumpong ang ulo niya doon. Tignan ko lang kung hindi ka magkaroon ng amnesia. “Pasensya na din mga vakla dahil hindi ako mahilig sa sampalan at sabunutan. Graduate na ako doon. Patayan na agad. Iyon ang gagawin ko sa inyo.”
Muli na namang sumugod sa akin ang isang babae. Sisipa sana siya pero nahawakan ko agad ang kanyang isang paa. Hinila ko ang dilaw na kurtina na naririto at ipinulupot iyon sa kanya. Ayan. Isa ka ng dakilang suman. Sinipa ko siya palayo sa akin. Buti na lang at matibay 'tong 7 inches heels na nakuha ko sa ukay-ukay. Panalo.
Binalingan ko si Rhodora X. Tatayo pa lang ito pero hindi na niya nagawa dahil tinadyakan ko na ang kanyang pagmumukha. “Ano, girl? Keri pa?” Lupaypay na ang mga ito. Hanggang isang babae pa ang dumating. Aba. Apat pala ang mga ito? Na-late lang ang isa. Well, kahit limampu pa sila. I don't really care. Kayang-kaya ko silang talunin sa isang pitik ko lang. “No more kuda, girl.” Sabi ko sa kanya. Inayos kong muli ang buhok ko. Kailangan maganda pa din. Baka mamaya may camera sa paligid. “Laban na!”
Tumakbo siya patungo sa akin. Natamaan agad ako ng kamao niya. Malay ko bang mabilis pala siyang kumilos? Humagis na naman ako sa isang sofa at kasama ko iyon na tumaob. Mabilis din naman akong tumayo at sa paglapit niya ay mag-asawang suntok ang iginanti ko sa kanya. Isinama ko na din ang mistress, kabit, kerida, other woman para mas ramdam nito ang atake ko. Susuntok pa sana ako pero nasipa na niya ako. Talsik ako sa may malaking flatscreen TV. Natumba iyon at nabasag. Parang kinuha pa ito sa home credit. Dinampot ko ang isang antigong sisidlan na nakita ko malapit sa kinalalagyan kanina ng television at ibinato iyon sa kanya. Sapul ito sa pagmumukha. Nabasag iyon at kumalat ang
...
.
.
.
.
.
Abo?My goooooodnnnneeeeeesssssssssssss. Isa pa lang urn iyon. May you rest in peace kung sino ka man. I'm so sorry. Maiintindihan mo naman siguro ako dahil nasa kalagitnaan ako ngayon ng pakikipaglaban sa isang bakulaw. Pagkatapos niyon ay sinuntok ko siya sa kanyang tiyan. Mukha na itong espasol dahil naligo na siya sa abo. Buti nga sa'yo. Multuhin ka sana niya kung sino man 'yan. Aatake pa sana ako pero nagawa niya akong mahawakan at nagulat ako ng binuhat niya ako at hinagis sa malaking salamin na naririto. Nabasag iyon. Buti na lamang at wala ni isang sugat ang nakuha ko sa mga bubog. Lumapit siya sa akin. Nagpalitan kami ng atake sa isa't-isa hanggang sa nakarating kami sa may bandang kusina. Amoy kamatis pa dito. Pwese bang makikain? Nagugutom na ako. Tatapusin ko lang ang isang 'to at uubusin ko talaga ang lahat ng pagkain na nasa malaking ref na nakita ko. Ako si Lily Cruz, tirador ng kaning lamig.
Napahiga na kaming dalawa. Nagpambuno kami. Suntok dito, suntok doon. Sipa dito, sipa doon. Sabay kaming tumayo. Hindi ko napaghandaan ang sunod na ginawa nito kaya nagtagumpay siyang matuhod ako sa aking tiyan. Ang baby ko. Ang baby namin ni Head Master.... at ni Eli... at ni Nathan. Yes. Tatlo ang laman ng aking sinapupunan. Na-gang rape ako ng tatlong makikisig at masasarap na lalaki. Sa liwanag ng buwan at malamig na hangin. Doon. Doon naganap ang pag-iisa namin. Napakasarap. Ibang klase ang hatid niyong linamnam.
Sisipa pa sana ang babae pero nagawa kong mahawakan ang kanyang binti. Hinila ko iyon dahilan para matumba siya ng patihaya. Sa kanyang pagtayo ay ipinukpok ko ang kaserolang nakita ko sa gilid sa kanya. May laman pa pala iyon. Sinigang na isda. Eeeeewwww. Kadiri. Amoy-malansang fish na siya. Kinuha ko ang kaldero at dumakot doon ng kanin na mukhang kasasaing pa lang. Punyeta. Ang init. Sobrang init. Pero hindi ako nagpahalata sa kanya. Kailangan ngiting tagumpay pa din. 'Yun bang ngiting nakatanggap ng ayuda. Ibinato ko iyon sa kanya. “Oh, ayan. Kain na, girl.”
Nagbungguan kami na parang mga kalabaw bago sabay na humagis sa may bandang ref. Mabilis na binuksan ko iyon. Sinubo ko agad sa bunganga ko ang ilang piraso ng ubas na nakita ko doon. Kailangan ko ng pampalakas. Sa pagtayo ko ay kamao niya ang bumungad sa akin. Sapul ako sa may bandang panga. Susuntok pa sana ito pero mabilis na nahawakan ko siya sa kanyang beywang at ibinalibag ko siya sa may kalan. Tatlong beses kong inihampas doon ang kanyang pagmumukha. Nagawa niya akong masipa kaya napaatras ako. Medyo magaling naman pala ng isang 'to. Ngunit hindi sapat ang galing niya para talunin ang tulad kong endangered species.
Nagsapakan ulit kaming dalawa hanggang sa pareho na kaming nakahiga. Ako ang nasa ilalim. Siya ang nasa ibaba. Malamang. Alangang nasa ilalim din? Hindi naman kami nandito para mag-stargazing. Sinuntok niya ako ng isa... dalawa... tatlo... apat... lima... anim.. pito... walo. Punyeta. Lamog na ang mukha ko. Parang may dugo na din doon. Hinila ko ng sobrang higpit ang kanyang buhok at sa pamamagitan niyon ay nagawa kong siya naman ang mapailalim. Walong beses ko din siyang sinuntok. Pinukpok ko pa siya ng kaserola. Pareho na kaming naligo sa sabaw ng sinigang. Ang lansa. Ang asim ng amoy. Nagkulay puti na din ang sabaw niyon dahil sa abo sa katawan nito. Dinampot ko ang isang buong maliit na bangus at pilit na ipinakain sa kanya. Pati na ang talbos at labanos ay isiniksik ko sa kanyang mala-kawaling bibig. Kinuha ko ang nagkalat na kanin at pati iyon ay inihandog ko sa kanya. “Ayan. Lamunin mong patay gutom kang hayop ka!”
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...