Kabanata 28 : Bagong Mundo Ni Bella

82 13 2
                                    

Nagpasya akong lumabas sa magarbong silid na ito. Mahabang pasilyo ang bumungad sa akin. Ano 'to? Hotel? Na-afford niya? Magkano ba ang kinikta sa pagpapasada? Kung malaki ay magbabago na ako ng propesyon. Kahit ano papatusin ko basta malaki ang kita at syempre yung legal. Hindi naman ako tanga para pumasok sa kalakaran ng easy money. Mahal ko pa ang buhay ko at ang pamilya ko.

Naglakad ako palabas. Sa isang bahagi ng hotel ako dinala ng aking mga paa. Parang sa isang veranda. Napanganga ako ng mapagmasdan ang kung anong nasa labas. Totoo ba ang nakikita kong ito? Kinusot ko ang mga mata. Baka sakaling namamalikmata lamang ako pero hindi. Isang malawak na karagatan at makikita din sa isang bahagi ang kagubatan. Nanaginip ba ako na nasa isang magical world ako? Masyado na akong matanda para sa mga bagay na 'to. Matagal na noong napanood ko si Tinker Bell. Natapos ko na ang kahibangan ko sa mga fantasy eme eme na 'yan. Hindi sila totoo. Walang ganon. Walang babaeng hindi tumatanda. Walang lalaking mala-prinsipe na ililigtas at ihahango ka sa kahirapan. Walang Cinderella sa totoong buhay. Kailangan ko ng gumsing sa panaginip na ito.

Kinurot ko ang sarili. Shete. Ang sakit. Sinampal ko din ang pisngi ng ilang beses. Mas masakit 'yon. Bakit parang hindi naman ako nananaginip? Muntik na akong mapasigaw na isang malaking ibon ang dumaan sa harap ko at malayang lumipad sa himpapawid. Ano 'yun? Dragon? Hindi, Bella. Baka gutom ka lang. Oo. Gutom lang 'yan. Kung ano-ano na ang nakikita't naiisip ko.

Nagpasya na akong lumayo sa pwestong iyon. Bago tuluyang maglakad patungo sa kung saan ay muli ako sumulyap sa labas. Saan ka naman ba makakakita ng hotel na na nasa gitna ng karagatan? Walang 'ganon, Mars. Baka special effect lang 'yan. Iba na ang nagagawa ngayon ng technology. Mukhang totoo ang peke.

Naglakad-lakad na lang ako. Saan bang hotel na ito? Parang makaluma na ang mga design. Mas mukha itong museum. May mga nagche-check in pa ba dito? Napangiti ako ng may makita akong dalawang babaeng sabay na naglalakad papunta sa akin. Sinalubong ko sila.

"Hi." Bati ko sa mga ito. Anong trip nila? Para silang naka-suot noong mga sinusuot din ng koreana sa mga historical movies. Purong asul ang kulay niyon. Itatanong ko sana kung bakit pero baka iyon ang motif ng hotel. Baka 'yun ang uniform ng mga staff. Ang ganda, ha? Halatang sosyal. Baka talagang five-star hotel 'tong pinagdalhan sa akin ni Third. Nasaan na ba ang lalaking 'yon?

"Anong maipaglilingkod namin sa iyo, Binibini?"

Binibini? Binibining marikit? Baka binibining amazona. O amazona lang? "Grabe ka naman managalog. Sinasadya ninyo siguro 'yan, no? Para mas mukhang maging makaluma 'tong hotel na 'to. But anyway." Oh, english 'yan. Hindi naman ako magpapakabog sa mga kapitbahay namin na social climber. "Anong hotel ba 'to?"

"Hotel?" Sabi naman ng isa na kamukha ng kapitbahay namin na si Matutina. "Hindi ito isang hotel. Ito ang palasyo ng Athens."

Palasyo talaga? Baka iyon talaga ang pangalan ng hotel. Palasyo Ng Athens. Bongga. Kakaiba sa pandinig. "Saang lugar 'to? Tondo din?"

Nagkatinginan ang mga ito. May mali ba sa sinabi ko? Saan ba talaga ako dinala ng lalaking 'yon at nasaan ba siya?

"Hindi ko alam ang lugar na binanggit mo pero hindi ito 'yon. Ang palasyo na ito ay nasasakupan ng nasyon ng Divergent." Iyon lamang at unalis na ang mga ito.

Divergent? Palasyo? Mga naka-shabu siguro sila. Ang sarap batukan. Haaay. Bahala nga kayo diyan. Anong trip ninyo?

Maya-maya ay nakarating naman ako sa isang parte na hotel. Ito siguro ang lobby sa palapag na ito. Ilang floor kaya 'to? May mahabang pulang carpet na nakalatag sa gitna. Kulay violet naman ang lahat mula sa kurtina, flowers at mga design. Bongga talaga. Palasyong-palasyo ang dating ng hotel na 'to. Bakit hindi pa kaya 'to nake-KMJS? Maganda 'to. Panalo dito si Jessica. Baka maunahan pa siya ni Korina. Pati ang mga ilaw ay parang violet. To the highest level talaga. Magkano kaya rate dito? Makapag-apply kaya? Baka kahit janitress ay malaki ang sahod. Saan ba dito ang information desk? Ang mga nakikita ko lamang ay mga lalaking naka-costume ng pang-kawal at may dala pa ang mga ito ng ispada at shield. Ibadeng. Talagang ginagalingan. Pwede ditong mag-shooting na fantasy. Seryoso. Ang ganda talaga. Amoy bulaklak din dito. Napakabango. At huwag kayong ano diyan dahil sa unahan ay makikita ang isang napakagandang trono. Gusto ko sanang umupo doon at ng masubukan ay hindi ko na lang ginawa. Baka pagalitan pa ako. Maraming CCTV dito malamang.

"Maligayang pagdating."

Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Isang babae na nakakabighani ang ganda. Sobrang ang pagkakangiti nito. May suot siyang korona na muntik ko ng ikatawa. Talagang pinapanindigan nila ang costume-costume na 'yan, ha? Masyado nilang ginagalingan. Kulay red ang gown nito. Baloon gown iyon sa sobrang laki. Parang a-attend ng JS Prom. Hindi ko type ang mga ganyang tabas. Gusto ko yung pang-Miss Universe, yung may hati sa bandang binti. Ganern.

Nilapitan ko siya. "Ikaw ba ang supervisor dito?"

Isang nakakalokang tawa lang ang nakuha kong sagot dito. May teleleng ba ang isang 'to? Dapat na siguro akong umalis dito bago pa ako mahawa sa kanila. As in, ngayon na.

"Sa wakas ay nagising ka nang muli sa iyong napakahabang pagkakahimbing." Sa halip ay sabi niya.

Ano daw? Napakahabang pagkakahimbing? Sapakin ko kaya 'to ng matauhan siya sa mga pinagsasasabi niya?

******

Siya si Bella, ang medyo matinong version ni Lily. 😂😂😂

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon