Lavinia's POV
Isa lang ang sigurado ako ngayon. Galit na si Eli. Nagawa niyang manalo. Nagtataka lang ako kung bakit medyo natagalan. Bakit parang hindi niya ginamit ang kanyang kapangyarihan? Kung ginawa nito iyon ay isang minuto lang ay tumba na ang kalaban niya. Baka naman may ginawa ang mga ito sa kanya? Sa nakita ko kanina wala naman siyang bagong sugat. Ang mga galos at ilang pasa nito ay alam kong nakuha pa niya noong nasa mundo pa kami ng mga tao.
“Ikaw!” Dinuro pa ni Eli si Hestia kahit na malayo pa ito sa demonyo. “Nasisiyahan ka ba sa nakikita mo?!”
Hindi ito sumagot.
“Ikaw dapat ang naririto hindi ako?!” Muling sigaw ni Eli.
“Mas lalong ipapahamak niya ang kanyang sarili.” React ni Head Master.
“Sa palagay ko'y wala na siyang pakielam sa bagay na 'yon.” Sabi ni Nate. “Ang importante sa kanya ay makapaghigante.”
“Ano ng mangyayari?” Tanong ni King. “Natalo niya na ang kalaban. Pwede na siyang makalaya.”
“Sa tingin mo ba'y ganoon na lamang iyon kadali?” Sabi ni Third na ngayon lamang nagsalita. Kanina pa kasi ito tahimik. “Nagsisimula pa lang siya.”
“Walang duda.” Singit ni Lily. Oo. Siya na naman. Kanina pa 'yan salita ng salita ng kung ano-anong mga walang kwentang bagay. Pati ba naman kulay ng dumi niya ay sasabihin pa niya sa amin? “Kagagawa na naman ito ng isang Yokai.”
“Yok---what?” -Nate
Parang nadinig ko na ang salitang iyon isang beses sa kanya. Wala na ba itong maisip na bagong entry kaya nag-uulit na?
“Alam ko ang makakatalo sa reyna. Yokai na aking kaibigan, lumabas ka, Jibanyan! Yokai medal set on! Purechi, orechi, tomodachi. Fukuwa echi . Abrakadabra. Mekeni mekeni dugdug doremi fasolatido crok crok animer october november december.”
Binatukan ko na ito ng matigil sa kakaingay. Pinanlakihan ko siya ng mata. “Isa pa at ihahagis kita diyan sa loob ng arena.”
Tumahimik na ito. Muling kong ibinaling kay Eli ang atensiyon.
“Ito lang ba?!” Sigaw nito habang nagpapalakad-lakad sa pabilog na battle field. “Ito lang ba ang lakas ng palasyo?! Ito lang ba ang lakas ninyo?!” Pagkasabi niyon ay tumingin siya sa entablado kung nasaan ang mga MABUBUTING nilalang. “Hindi man lang ako pinagpawisan. Nasaan na ang ipinagmamalaki ninyo?”
“Naghahanap lang siya ng kamatayan.” Sabi na naman ni Charlie na halatang hindi nagugustuhan ang sinasabi ni Eli. “Tuluyan niyang inilulubog ang kanyang sarili. Sa tignin niya ba'y mapapabagsak niya ang reyna sa ganyang paraan?”
“Kahangalan. Mukhang bagito pa talaga 'yan.”
Kay Third naman ako napatingin. Kung tadyakan ko kaya ito sa kanyang mukha?
***********
Eli's POV
Alam kong hindi ako basta-basta papalayain ng gagong 'yan kaya sasagadin ko na. Hindi man ako makaalis ng buhay sa lugar na ito ay tinitiyak ko naman na marami akong mapapaslang ngayon.
“Lapastangan.” Sa wakas ay nagsalita na sa Palestine. “Ilabas ang mga magigiting na kawal ng Athens!”
Tulad ng inaasahan ko. Manalo o matalo ay alam kong hindi nila ako papalayain. Talagang plano nila akong kitilan ng buhay. Muling naghiyawan ang mga manonood ng palibutan ako ng nasa sampung mga kawal. Round two na ba ito? Dinampot ko ang ispada. Get ready to rumble.
“Simulan na ang labanan!” Sigaw ng kanang kamay ni Hestia.
“Go, fafa negro!”
Napatingin ako saglit kay Lily. Kinawayan ko ito. Talagang nakuha pang mag-cheer, ha? Salamat. Kakailanganin ko talaga ang suporta ninyong lahat. Binalingan ko agad ang tatlong nasa harapan. Isang suntok ang ibingay ko sa una. Hinawakan ko ang ulo nito at pilipit iyon. Bagsak siya sa lupa. Sinuntok ko naman sa pagmumukha ang panglawa. Hinawakan ko din ang kanyang ulo at sobrang lakas na tinuhod iyon. Sinaksak ko naman sa tiyan ang pangatlo. Ito na ba ang ipinagmamalaki ninyo? Ni hindi man lang ako pinanginigan ng kalamnan. Ang pang-apat naman na nasa tabi kong sinipa ko palayo sa akin. Tumama ang ulo nito sa naka-usling bato. Nakita ko ang pagdugo niyon. Nagtataka ako kung bakit sila nanalo sa mga giyera sa kabila ng pagiging mahina nila. Kung noon ko nakalaban ang mga ito ay tiyak na matatalo ako kahit gamit ko pa ang kapangyarihan ko. Mukhang hindi naaalala ng mga ito kung sino ang kalaban nila. Pinalakas na ako ng kompetisyon at lahat ng pinagdaanan namin. Idagdag pa ang pagkamatay na mga magulang ko. Lalo na ngayon. Ganoon pala 'yon. Nawawala ang takot mo kapag alam mong wala naman ng mawawala sayo. Sinakasak ko sa pagmumukha ang panglima bago ito tinadyakan palayo sa akin. Ang isa pang malapit sa akin ang binalingan ko. Inihampas ko ng inihampas sa kanyang mukha ang kadenang nasa mga bisig ko pa din at ginamit iyon dito. Tumigil lang ako ng makitang basag na ang mukha nito at natumba na din siya sa lupa. Sinipa ko naman ang pangpito. Bago ito tuluyang matumba ay sinakal ko siya ng sobrang higpit hanggang sa lagutan siya ng hininga. Ang mga natitira ay sabay-sabay naman na sumugod patungo sa akin. Sabay-sabay ko din silang lahat na pinaslang. Napaluhod ako ng maubos na sila. Nagkalat ang dugo sa paligid. Umaagos na iyon na parang isang batis sa mga walang buhay na katawan. Pinagtayadyakan ko pa ang mga ito kahit wala na silang hininga para iparating sa kanila na hindi nila ako basta-basta matatakot. Habol ko ang aking paghinga habang tumutulo ang pawis sa aking mukha at buong katawan. Medyo tirik na din ang araw. Mainit na. Maging iyon ay hindi alintana ng mga nanood. Mabibigo lamang sila dahil hindi pa ito ang araw ng kamatayan ko. Ipinapangako ko 'yan.
Tinignan ko si Hestia. Nginitian ko siya ng nakakaloko ng mabanaag sa mukha nito ang pagka-asar. Hindi niya ako basta mapapaslang ng ganoon na lamang.
“Hindi pa ako tapos!” Sigaw nito. “Tignan natin kung kung magawa mo pang makaligtas sa panghuling lalaban sayo. Lumabas ka-----”
“Bakit hindi ikaw ang bumaba dito at tignan natin kung sino ang matitirang buhay sa ating dalawa?!” Putol ko sa kanya at lantarang paghamon. Totoo 'yon. Bakit hindi siya pumarito at makipagtunggali sa akin? Sa ganoong paraan ay malalapitan ko siya at maari ko ng isagawa ang aking plano. Sana'y kagatin nito ang pain ko.
Pero bigo ako sapagkat ngiti lang iginanti ng bwiset na si Hestia. “Bakit ako ang bababa diyan kung may lalaban naman para sa akin? Huwag mo akong igaya sayo na isang hangal.” Tumawa pa ito. “Lumabas ka na!” Muli niyang sigaw.
Siya ngang paglabas ng isang nilalang. Namumukhaan ko siya. Isa sa mga humarang sa amin kahapon. Inayos ko ang sarili. Mukhang mapapalaban ako ng matindi sa isang 'to. Alam kong hindi siya ordinaryo lamang na mamamayan. May kapangyarihan siya nararamdaman ko. Napahigpit ang paghawak ko sa ispada. Ikaw lamang ang masasandalan ko ngayon. Kahit kasi ang sariling sandata'y hindi ko mapalabas. Sana'y huwag akong biguin nito.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasía"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...