“Cut the crap, man” Singit ni Walker. “Tayo pa ba ang maglolokohan?”
“Hindi ko nga alam ang sinasabi ninyo.” Pagkakaila ko. “Hindi ko naman kayo pinipilit maniwala.”
“Bakit hindi ko pa din mapasok ang isipan mo?” Tanong ni Eliazar.
Binigyan ako ni Charlie ng device para maging panangga sa kapangyarihan ng isang 'yan kaya kahit anong gawin niya ay wala talaga siyang makikita sa akin. “Hindi ka siguro ganoon kalakas tulad ng inaakala mo.” Sagot ko dito. “Uulitin ko hindi ko kilala ang Hellia na tinutukoy ninyo.” Paano kaya nila natuklasan ang lihim na 'yon? Posibleng si Walker ang nakaalam.
“May nagpapanggap na reyna sa palasyo.” Sabi ni Lavinia na kanina pa nakatingin sa akin na parang kakainin ako ng buhay. Sobra na ang ginagawa niyang pagkilatis sa akin. Parang pati kaluluwa ko ay makikita niya. Ibang klase talaga ang isang 'to. Malaki ang potential na nakikita ko sa kanya. Sa kanya na lang kaya ako kumampi? Dapat nasa winning side ako.
“Hindi ko alam ang bagay na 'yon.” Maikling sabi ko.
“Siya si Hellia, kakambal ni Hestia. Kung tama ang sinabi ni Walker ay siya ang may kagagawan ng lahat ng ito. Nagpanggap siya sa loob ng mahabang panahon.”
Kunwari'y nagulat ako. “Ang ibig sabihin ay hindi ang reyna ang nag-utos sa akin at ang naka-usap ko ng ilang beses?” Syempre, alam ko 'yun. Kailangan ko lang galingan ang acting para convincing at mapaniwala ko ang mga ito.
“Mismo.” Sabi ni Eli. “Pero aalamin pa namin kung nagsasabi talaga ng totoo ang isang 'to.” Tumingin siya kay Walker.
“Ngayon, ano namang kaugnayan ni Charlie sayo patungo sa pekeng reyna?” Tanong ni Lavinia. Akala ko'y malilimutan niya na 'yon. Wala talagang nakakaligtas sa babaeng 'to. “Kakampi ka ba talaga o espiya ka niya?”
“Walang matinong nilalang ang aamin sa kalokohan niya.” Singit na naman ni Walker. “Sa tingin ninyo ba ay aamin 'yang isang 'yan? Sa sampung sinabi niya, labing-isa ang mali.”
Tinignan ko sila ng masama. “Papatapusin ninyo ba ako o ano?” Kanina'y naisip ko ng tumakas. May kakayahan naman akong maglaho. Pero hindi ko iyon ginawa. Para maka-survive sa mundong ito ay kailangan mong maging matalino. Iyon ang ginagawa ko. Mahirap ang maraming kaaway. “Habang nasa mundo ng mga tao kasama ang kambal ay napaisip ako.” Pagpapatuloy ko habang nakikinig ang mga ito. Wala akong magagawa kung hindi sila maniniwala. Ang importante ay may masabi ako sa mga ito bago pa man ako tostahin ng buhay ng babae sa harapan ko. “Napagtanto kong parang hindi tama ang ginawa ko at pakiramdam ko'y may maitim na balak ang reyna... si Hellia pala na ikapapahamak ng kambal na napamahal na din sa akin kaya naman ginawa ko ang nararapat.” Saglit akong tumigil. “Kinausap ko si Charlie na noon ay matagal ko ng kaibigan.” Totoo 'yon. Pero una pa lang ay alam na ni Charlie ang plano ni Hellia. Hindi ko alam kung paano niya nalaman. Marami pa rin akong hindi alam sa kanya kahit matagal na kaming magkakilala. Inutusan niya akong dumikit sa pekeng reyna at hindi naman ako nahirapang gawin iyon hanggang sa ibigay nga niya sa akin ang tungkulin na bantayan ang kambal sa kabilang mundo. “Alam kong matutulungan niya ako sa bumabagabag sa akin dahil siya ang pinaka-maprinsipyong nilalang na nakilala ko sa buong buhay ko. Lagi lamang siyang nasa tama.” Kung madidinig lamang ito ni Charile ay baka tawanan pa niya ako. “Hindi ko maatim na may kambal na magdurusa sa kamay ng reyna kaya naman nilapitan ko na ang kaibigan ko. Alam kong hindi basta-basta ang babanggain ko kung sakali pero wala na akong pakielam doon. Ang mahalaga ay mailigtas ang kambal.”
Tumawa ng malakas si Walker. Konti na lang at makakatikim na ang isang 'to sa akin. Naka-isa lang siya kanina. “I can't believe the messiah complex is overflowing.” Nang-uuyam na sabi nito.
Tinawanan ko din siya. “Maniwala ka dahil hindi ako demonyo tulad ng pamilya ninyo.”
Kita ko ang galit sa mukha nito dahil sa sinabi ko. “Kung patayin na kita ngayon?”
“Sige. Puro ka lang naman satsat. Ngayon pa lang ay magkakasubukan na tayo.” Tinignan ko ang dalawa. “Bakit ba kayo naniniwala sa gagong 'yan?”
“Pareho lamang kayong dalawa na kaduda-duda.” Sabi ni Lavinia. “Hindi porke sinabi ninyo ay pinapaniwalaan ko na. Sa panahon ngayon bawal na ang tanga.”
“Ang sabi ni Charlie ay hindi magiging madali ang lahat.” Pagpapatuloy ko. “Pero handa akong gawin ang kahit ano para makatulong. Lahat tayo ay kapayapaan lang ang nais.” Hindi ako makapaniwala na lumalabas ito ngayon sa bibig ko. “Ako ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa kanya ng pagkawala mga babae sa walong nasyon.” Tinignan ko si Lavinia. “Doon na kayo pumasok.”
*********
Lavinia's POV
Unti-unti ng nagiging malinaw sa akin ang lahat.
“Ang ibig sabihin ay may idea na agad si Charlie na ang reyna ang may pakana ng pagkawala ng mga babae.” Sabi ni Eli. “Bakit pinahirapan pa niya kami sa kakaisip kung sino ang mastermind ng lahat ng ito?”
Iyon din ang nais kong itanong.
“Nagbilin ako sa kanya na huwag sabihin sa kahit sino man na ako ang nagbibigay ng impormasyon sa kanya dahil baka magkagulo pa at kung ano ang isipin ninyo. Sigurado naman akong magtatanong kayo kung paano niya nalaman ang mga bagay na 'yon. Ang importante sa akin ay matulungan ko kayo. Alam din naman niyang hindi magtatagal ay malalaman ninyo na din na ang reyna ang may pakana ng lahat ng ito.”
“Matulungan?” Ulit ni Eli. “Kung sana'y maaga pa lang sinabi mo sa amin na ang reyna ang may kagagawan ng lahat ng ito 'di sana'y nabantayan at nadala ko sa ligtas na lugar ang mga magulang ko. Hindi sana sila namatay!”
“Wow.” Sabi ni Third. “Ano 'to? Ako pa ngayon ang may kasalanan? Baka nakakalimutan ninyo na malaki na ang naitulong ko sa grupong ito kaya huwag ninyo akong tratuhin na parang isang kalaban.”
“Huwag kang umakto na para kang santo pero ang totoo'y nagawa mo ng makipagsundo sa isang demonyo.” Sabi ko sa kanya.
Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Kaya pala nandoon ito sa Head Quarters noong nabangga ko siya. Doon pa lang pala ay nag-uusap na sila ni Charlie. Kaya pala bigla na lamang itong sumulpot sa mundo ng mga tao. Pinahirapan pa kami ng mga ito. Ngayon ay alam ko na ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasía"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...