“Iyon pala ang mga naganap.” Sabi ni King ng matapos akong isalaysay ang lahat dito.
“Nahihirapan na nga ako sa pag-iisip kung saan ko sila mahahanap. Pati na ang babaeng kailangan namin.”
“I can help.”
Napatingin ako sa kanya. “Talaga? Tapos ka na ba sa misyon mo dito?”
“Oo. Sa katunayan pabalik na sana ako sa Athens mamayang gabi. Tinulungan ninyo akong makarating dito kaya hayaan mong ako naman ang tumulong para magkita-kita kayong muli.”
Napangiti ako. “Salamat, King. Tatanawin kong malaking utang na loob ito.”
“Don't mention it. Matutulungan tayo ng matandang sinasabi ko sayo ng siyang tumulong din sa akin.”
“Pupunta tayo sa kanya?” Tanong ko.
Tumango ito. “Oo. Magtiwala ka lang.”
“Okay.”
Pagkatapos kumain ay agad kaming nagmadali para makarating sa tirahan ng sinasabi nito. Gabi na ng matunton namin iyon. Napakalayo pala. Hindi ko na alam kung ilang highway at kalye ang nalusutan namin. Sumakay pa kami ng taxi sa lagay na 'yan, ha? Simple lamang iyon. Isang sementong bahay at iilan lang din ang gamit sa loob. Sinalubong kami ng isang matanda... at ng isang dalaga. Parang namumukhaan ko siya. Parang nakita ko na ito somewhere.
“Siya si Cassie. ” Bulong sa akin ni King. “Apo siya ni Lola. Siya ang unang natanggal sa grupo natin bago tayo magpunta sa isla.”Oo nga. Siya nga. Naalala ko na. Maliit lang talaga ang mundo. Hindi ko akalain na may mga kauri pala namin ang nanaising tumira sa ganitong uri ng lugar. Tinanguan niya kaming dalawa ng kasama ko. Hindi naman kami close at hindi na din nabigyan ng pagkakataon para magkakilala dahil naalis nga agad ito sa competition. Sa pagkakaalala ko ay enhancing ang kakayahan nito.
“Lola Edith. Nais po sana naming manghingi ng tulong.” Sabi ni King sa matanda.
“Alam ko na agad kung anong pakay ninyo.” Sabi nito. Nagkatinginan kami ni King. Tunay nga talagang makapangyaharihan siya. Ayokong magtanong at mag-usisa ng kung ano-ano dahil una sa lahat ay hindi naman iyon ang ipinunta namin dito.
Dinala niya kami sa isang salamin at mula doon ay nakita ko ang mga nangyari sa tatlo simula noong magkahiwa-hiwalay kami. Hindi pala sila magkakasama. Lahat kami ay napunta kung saan-saan. Tama nga ako. May nakalaban na din sila. Sa tatlo ay kay Lily ako humanga. Nagawa nitong matalo ang apat na sinugo sa kanya ni Hestia. Magaling naman pala siya kapag mag-isa. Ang labis kong ikinatuwa ay ang malaman na lahat ng mga ito ligtas.
Iyon lamang ang ipinakita sa amin ng mahiwagang salamin. Hindi ko na napigilang magtanong sa matanda. “Paano ko po sila makikita at ang babaeng kailangan namin?”
“Hindi ninyo na kailangang hanapin ang isa't-isa.” Sabi niya na hindi man lang nagbaling ng tingin sa akin. Malamig din ang kanyang boses. “Bukas ay nakatakda na kayong magkikikita mula sa lugar kung saan din kayong nagtagpong dalawa.” Pagkasabi ng mga salitang iyon ay saka niya ako tinitigan ng mataimtim. “Lahat ng bagay ay mangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod nito.”
Nagkatinginan kami ni King. Para siyang isang babaylan kung makapagsalita. Sa palengke na iyon kami magkikita-kita bukas? Kailangan agad naming makabalik doon sa lalong madaling panahon. Sana lang ay tama ang sinabi niya. Nagpasalamat kami bago nilisan ang lugar. Nagpasya kaming dalawa na magpalipas na lang muna ng gabi at maaga na lang aalis bukas. Umupa kami ng dalawang kwarto na magkatabi sa mga nagkalat na motel sa paligid. Alangan namang isa lang? Hindi ako sanay na may katabi lalo na at lalaki pa.
Pagkatapos maligo ay pinasya kong mahiga. Salamat at nakaramdam din ng malambot na higaan. Habang nakatitig sa kisame ay nalulong ako sa malalim na pag-iisip. Napakalaki na pala ng ipinagbago ng buhay ko. Pero wala akong pinagsisisihan sa lahat ng naging desisyon at pasya ko sa buhay. Mula sa tahimik na bundok ay nandito na ako ngayon at kung saan-saan ng lupalop ng mundo napupunta. Mapanganib pero masaya. Marami akong natututunan sa lahat ng nakikilala at nakakasalamuha ko. Mabuti man o masama.
Nami-miss ko na ng sobra ang mga magulang ko. Kung bibigyan lamang ako ng pagkakataon na makabalik sa nakaraan ay ang araw na namatay ang mga ito ang pupuntahan ko. Ililigtas ko sila at mamumuhay kami ng tahimik at masagana. Mapait na napangiti ako. Napaka-imposible na ng naiisip ko. Ang mga namatay at nanatiling buhay sa pakikipaglaban sa titulong ngayon ay isa na akong kasapi. Nasaan at kumusta na kaya sila? Sana ay magkaroon kami ng pagkakataon magkita-kitang lahat. Gusto kong malaman at masaksihan sa bawat isa kung ano ang naging epekto ng kompetisyon sa buhay naming lahat.
Ang Reyna. Kumpirmado na siya nga ang nasa likod ng mga maiitim na balak na ito at mga pagtatangka sa buhay namin. Handa kaming pigilan ang mga masasamang plano niya. Magbabayad siya para sa buhay ng mga magulang ni Eli... sa buhay ni Marina at ng lahat ng pinaglaruan at pina-ikot niya. Mananagot ang dapat managot. Tamang presyo ang sisingilin namin.
Ang mga kasama ko na pakiramdam ko'y kaibigan o kapatid ko na na walang ibang hangad kundi ang protektahan ang bawat isa sa amin. Si Eli... Si Lily... maging si King.... at si Nate. Hmmmmmmm. Si Nathan. Ipinilig ko ang ulo. Huwag kang mag-isip ng kung ano man patungkol sa kanya. Hindi iyo ang oras para sa kalandian. Haaaay. Tama. Hindi talaga.
Nangunglila na din ako sa kaibigan ko. Si Tres. Napakabata niya pa. Hindi siya karapat-dapat makatikim ng kamatayan. Marami pa kaming gustong gawin at tuparin. Sayang at wala na ito. Pero saan man siya naroroon ay alam kong lagi niya akong binabantayan at pinapanoood. Alam kong masaya na siya. Huwag itong mag-alala dahil bibigyan ko ng katururan ang sakripisyo niya. Bibigyan ko ng saysay ang lahat ng kamatayang naganap sa paligsahan. Para sa inyo ang ginagawa naming ito. Para sa Athens. Para sa buong mundo.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...