"Nandyan na si Kumander!"
Ang sigaw na iyon kung saan ang dahilan kung bakit hindi ko nagawa ang ipapatikim ko sanang pasalubong sa balyena. Mabilis na nagsibalikan ang mga ito sa pwesto na para bang walang naganap. Naiwan kaming dalawa ni Lily na nakatayo.
"Ano ang nangyayari dito?"
Napatingin ako sa nagsalita malapit sa rehas. Isang babaeng may matapang na mukha. Nakapusod ang buhok nito. Parang uniform ang suot niya. May nakasuksok na baril sa kanyang tagiliran. Tinginan niya kami. Binuksan niya ang tarangkahan.
"Wala, bossing." Sagot ng baboy. "Masaya lang kami at may mga bago kaming mga makakasama. Binabati lang namin sila."
Talaga lang, ha?
"Pasensya pero hindi naman sila magtatagal dito." Sagot nito na ikinagalak ko. Buti namam. "Maari na kayong lumabas." Sabi niya sa aming dalawa.
Nagkatinginan kami ni Lily. Sumunod na lang kami sa sinabi nito. Just go with the flow muna habang hindi ko pa alam ang mga nangyayari sa paligid. Kapahamakan ang ibinibigay ng padalos-dalos na kilos. Salamat at naka-ihip din ng medyo maayos na hangin. Napakabaho talaga sa loob. Amoy ihi, amoy dumi, amoy pawis, amoy katawan, amoy panis na pagkain. Hindi ko mainitindihan. Nakakasuka. Nakakarimarim. Paano nila nasisikmura ang ganoong amoy? O baka naman nasanay na ang mga ito? Sa labas ng masangsang na silid na iyon ay nakita namin sina Nate, Eli at King. Nilapitan namin sila. Salamat naman at nasa maayos din na kalagayan ang mga ito.
"Anong nangyayari?" Tanong ko sa kanila. Saglit akong napatingin sa salaming nasa harapan namin. Jusko po. Muntik na akong mapasigaw. Ikaw pa ba 'yan, Lavinia? May ilang bahid ng natuyong putik ang mukha ko. Isa-isa ko iyong tinanggal. Pati na ang nasa mga braso ko. Ang damit na suot ko ay may butas na din pala sa may bandang balikat. Mukha na akong pulubi. Ganoon din ang mga kasama ko. Pinuyod ko ang aking mahabang buhok para naman kahit papaano ay magmukha akong maayos. Si Lily ay nag-ayos din. Nakuha pa nga nitong magmake-up.
"Hindi din namin alam." Sabi ni Nate. "Nagising na lang kami sa isang bilangguan. Mapapaaway na sana 'tong si Eli kung hindi kami pinalabas mula sa mabahong lugar na iyon."
"Oh, anong pinag-uusapan ninyo diyan?" Tanong ng isang lalaking nasa front desk. Parang pulis ang mga ito kung ang pagbabasehan ay ang kanilang mga suot. "Kung ayaw ninyong mahuli ulit ay magsi-uwi na kayo sa inyong kanya-kanyang tirahan. Ang babata ninyo pa. Huwag ninyong hayaang mapariwara kayo. Hindi ninyo ba alam na bawal matulog sa kalsada?"
"Matulog sa kalsada?" Tanong ni Eli.
"Oo." Sagot ng babaeng katabi ng lalaki. "Doon namin kayo dinampot. Saan ba kayong inuman galing?"
"Doon nila marahil tayo nakita." Mahinang sabi ko sa mga kasama. "Nawalan siguro tayo ng ulirat nang dumaan tayo sa portal."
Nagkatinginan kaming lima. Ang ibig sabihin ba ay nandito na talaga kami sa lugar na pakay namin? Kung ganoon nga ay mainam.
"Wala." Sagot ni Lily sa dalawang pulis. "Pwedeng bang magtanong, Mamang kamukha ni Arnold Clavio? Nandito na ba kami sa mundo ng mga tao? Kanina pa kasi naguguluhan ang matalino kong utak."
Nagtawanan ang mga pulis na nakapalibot sa amin ng madinig ang sinabi ni Lily. Pati ang mga taong naririto na mukhang bumibisita sa mga bilanggo.
"Mundo ng mga tao 'to." Natatawang sagot ng nasa gilid namin. "Bakit? Mga alien ba kayo? O engkanto? Sasakupin ninyo na ba ang earth?" Muli ay nagtawanan ang mga ito.
Hindi talaga marunong magdahan-dahan sa pagtatanong ang talipandas na ito.
"Ako? Engkanto? Alien?" Hindi makapaniwalang ulit ni Lily. "Sa ganda kong 'to? My gaaaaaaaaddd. Ayan si Lavinia. Siya ang tinutukoy ninyo." Itunuro niya pa ako. "Isa siyang mananakop. Made in China 'yan. Siya ang nawawalang apo ni Magellan."
Tinigan ko siya ng masama. Hndi ko maiwasang mapansin na parang hawig ang pagsasalita ni Lily sa mga taong ito. Hindi kaya dito siya nanggaling? Confirmed. Nandito na nga kami. Ano mang oras ay maari na naming simulan ang aming paghahanap sa babaeng kailangan namin.
"Mukhang nandito na nga tayo." Sabi ni King.
"Let's go, guys." Sabi ni Eli.
"Teka lang." Pigil ko sa mga ito. Lumapit ako sa frontdesk. "Nasaan ang bag na dala ko?"
"Ah 'yung puro putik?" Sabi ng babaeng pulis. Yumuko ito at may kinalikot sa baba. Pagtaas ay dala na niya ang hinahanap ko. Ibinigay niya iyon sa akin. "Wala naman laman."
Ano? Pagkakuha'y mabilis ko iyong binuksan. Meron naman, ah. Infact, nandito pa ang lahat ng gamit namin. Pero buti na din iyon. Sadyang sigurong hindi ipinakita dito. Baka kung ano pang gawin ng mga ito kung makita nila ang kung anong laman niyon.
"Aalis na kami." Paalam ko sa mga ito.
"Tumino at magpakabait na kayo."
Tinanguan na lamang namin ang mga ito bago kami lumabas ng lugar na iyon. Maiinit na sikat ng araw, mga taong naglalakad kung saan-saan, mga sasakyan, mga nagbebenta ng kung ano-ano ang sumalubong sa amin.
"Nasaang parte tayo ng mundong ito?" Tanong ni Eli.
"Let me check." Sabi ni Lily. May inilabas ito sa kanyang bulsa na isang maliit na parang device or something na kung ano man iyon. Marahil ay para malaman ang kinalalagyan namin. "Ang sabi sa mahiwagang gamit na ito ay nandito tayo ngayon sa Capital City of the Philippines, Manila! Kung saan dito makikita ang mga babaeng nag-aalok ng aliw habang naglalalad ka lang sa kung saan. Ito din ang hometown ni Dora, the explorer. Naririto tayo ngayon sa bansang hindi nauubusan ng memes at number one sa pornhub."
Tiningnan ko ang lugar na pinaggalingan namin. May malalaking salitang nakasulat mula sa taas niyon katabi ang isang hindi pamilyar na flag. "Manila City Jail." Basa ko pa. Jusko. Hindi ko inakalang misan sa buhay ko ay makukulong ako.
"Guys, I have to go."
Napatingin ako kay King ng madinig ang sinabi niya.
"What do you mean, bro?" Tanong dito ni Eli.
"Hindi ba nabanggit ko sa inyo na bago ninyo ako nakita sa Eternal Garden ay may pakay ako dito?"
Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. "Alam mo na ba kung saan ka magtutungo?" Tanong ko sa kanya.
Tumango ito. "Maraming salamat sa lahat. Hindi magiging ganoon kadali ito kung hindi ko kayo kasama." Ngumiti ito bago nagpatuloy. "Masaya akong muli ko kayong nakita. Isa itong magandang alalalang aalalahanin ko hanggang sa pagtanda ko." Niyakap niya kami isa-isa.
"Mag-iingat ka." Sabi sa kanya ni Nate.
"Kayo din." Tinanguan niya kaming lahat. "Hanggang sa muli nating pagtatagpo." Tumalikod na ito at naglakad palayo sa amin hanggang sa nawala na siya sa aming paningin.
"What's the plan, Lavinia?" Tanong ni Eli pagkatapos ng mahabang katahimikan.
Tinignan ko ang mga kasama. "We are the plan."
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...