Lavinia's POV
Alas-singko na ng umaga. Matapos ang apat na oras na paglalakad ay sa lugar na ito ako dinala ng tracker na hawak ko. Buti na lamang at sariwa pa sa aking alaala ang itsura ng babaeng kailangan naming hanapin. Sa pagkakatanda ko kasi ay hinablot ni Lily sa akin ang litrato nung babae. Ang bag na nakuha ko naman ay ibinigay ko sa mga pulis nang may madaan akong outpost at hinayaang ang mga ito na ang kumontak sa ginang na ninakawan
Isang palengke ang nabungadan ko. Malapit marahil dito ang tirahan ng babaeng iyon. Hindi ko alam ang pangalan niya. Pero alam ko namang hindi iyon ang magiging dahilan para hindi ko siya mahanap. Kasisikat pa lamang ng araw pero abala na ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa. Napakadami na din tao sa paligid. Maingay. Magulo. Makalat. May mga sumisigaw sa paligid. Kanya-kanyang alok ang mga ito ng kanilang paninda.
Isang lalaki ang walang pakundangang bumangga sa akin. Sa sobrang lakas niyon ay nabitiwan ko ang hawak ko. Peste naman, oh. Ni hindi ito humingi ng paumanhin sa kanyang nagawa. Kakastiguhin ko sana siya pero naisipan kong manahimik na lamang at kuhanin ang gamit ko. Pero sa kamalas-malasan nga naman ay nasipa iyon ng isang matanda. Lalo pang napalayo sa akin. Bwiset. Sinundan ko kung saan tumalsik ang tracker. Dadamputin ko na sana ulit iyon ng isang batang tumatakbo naman ang nakasipa niyon. Sa sobrang lakas ay gumulong at nahulog ang tracker sa isang makipot na kanal sa may gilid. Peste! May harang na bakal iyon sa nakalapag sa semento. Sinubukan kong iangat iyon pero hindi ko magawa sa sobrang haba niyon at napakabigat. Peste talaga! Mula dito sa kinauupuan ay napanood ko kung paano nilamon ng itim na putik ang napaka-importanteng bagay para sa misyon na ito. Hindi ko napigilang mapamura ulit. Tumayo ako. Bakit kasi napakagulo dito sa Tondo? Oo. Tondo. Nabasa ko iyon na nakasulat sa isang arko. Iyon marahil ang pangalan ng lugar na ito. Buti na lamang at nakarating muna ako dito bago nawala ang tracker. Dito ako magsisimulang hanapin ang babae. Nasaan na kaya ang mga ka-grupo ko? Sana'y magkakasama pa din sila at walang mapahiwalay. Wala silang dapat alalahanin sa akin dahil kaya ko naman ang sarili ko. Matagal na panahong nasanay akong mag-isa.
Habang iniisa-isa ko ang mukha ng lahat ng naririto ay parang bigla akong may naramdamang kakaiba. Palagay ko'y may mga matagang nakatingin sa akin. Dahan-dahan akong lumingon. Dalawang lalaking naka-itim na jacket at itim na mask. Nakatingin sila sa akin. Hindi maganda ang kutob ko sa mga ito.
Nagkakad ako palayo. Mabilis ang aking mga hakbang. Sa gilid ng aking kaliwang mata ay nakita ko ang pagsunod ng mga ito. Hindi ako tanga para hindi sila makilala. May ibang enerhiya akong nararamdaman sa lugar na ito. Sigurado akong sa kanila iyon nagmumula. Kumaliwa ako. Bago kumanan. At kumaliwa ulit. Walang maaring madamay na sibilyan.
Sa isang walang taong iskinta ako tumigil. Medyo malayo sa palengke. Maraming nagkalat doon na sirang lamesa at mga bulok na prutas. Mukhang wala ng nagtutungo dito. Tumingin ako sa aking likudad. Tama ang hinala ko. Ako nga ang pakay ng mga ito. Nasa harap ko na silang dalawa ngayon.
“Ano ang kailangan ninyo?” Tanong ko sa kanila. Mukhang nandito na din ang mga tauhan ni Hestia. Kung nasaan man ang mga kasama ko panalangin ko ang kaligtasan nila. Hindi ko alam kung gaano kadami ang pinadalang kampon ng masamang reyna sa mundong ito. Isa lang ang sigurado ako hindi lang iyon dalawa na katulad nitong mga asungot na ito. Marahil ay may kakayahan silang matunton kung nasaan na kami kaya nila ako nasundan. Alam kong wala silang planong pakawalan ako ng buhay. Hindi naman ako makakapayag na mapaslang sa lugar na ito at hindi makabalik sa Athens. “Uulitin ko ano ang kailangan ninyo?” Muli kong tanong pero parang pipi at bingi ang mga ito. Wala akong sagot na nakuha sa kanila. Inihanda ko ang sarili. “Pwes, sige. Kung ayaw ninyong magsalita mas mabuti pang tapusin na natin ito dahil may misyon pa akong kailangang gawin.”
Ako na ang naunang lumusob patungo sa mga ito. Mabilis na tinakbo ko ang kinatatayuan ng dalawa. Isang malakas na sipa ang ibinagay ko sa nasa kanang lalaki dahilan para tumalsik ito at sa kanan naman ay isang suntok. Gumanti ang nasa kanan sa pamamagitan ng sunod-sunod na suntok din. Naiwasan ko ang lahat ng atakeng iyon. Mabilis din naman siyang kumilos kahit papaano. Pero mukhang marami pang bigas ang kailangang kainin ng mga ito para mapatumba ako. Kung ang The Four ang pakay nila at ay nararapat lamang na magsanay silang mabuti dahil hindi naman kami malalagay sa posisyon na ito ng wala lang. Nagawa kong mapigilan ang dalawang kamao niyang nagtangkang sumuntok patungo sa akin. Pinilipit ko iyon at tumalon ng mataas para bigyan ito ng buong pwersang sipa. Bago ito bumagsak sa lupa ay limang tatlong suntok pa sa kanyang sikmura ang natamo niya galing sa akin. Dinampot ko ang malaking kahoy na nasa aking tabi at walang pakundangang inihampas iyon dito.
Hindi ko namalayan ang paglapit ng isa pang lalaki. Lumilipad niyang patalim ang tumama sa aking binti. Muntik na akong mawala ng balanse dahil doon. Peste. Naramdaman ko agad ang pagdaloy ng sakit sa aking kalamnan. Binunot ko ang maliit ng kutsilyo. Halos kalahati niyon ang lumubog. Sapul na sapul ako niyon. Hindi ko na din napaghandaan ang sunod na aksiyon na ginawa niya. Isang malakas na sipa ang iginawad niya sa akin. Buti na lamang at sa may bandang tiyan ko iyon tumama at hindi sa dibdib. Magkagayun pa man ay masakit pa din iyon. Muntik na nga akong maduwal. Napaatras din ako ng kaunti dahil sa impact niyon. Sumipa na naman ito pero sa pagkakataong iyon ay nakaiwas na ako. Pero hindi ko iyon nagawa ulit sa sumunod. Naramdaman ko na lamang ang malakas na pagdapo ng kamao niya sa aking mukha. Sobrang sakit niyon. Jusko po. Pinapahirapan pa ako ng mga ito. Gumawa pa ito ng sunod na pag-atake. Mabilis na hinawakan ko ang kanyang braso. Ako naman. Buong pwersang pinilipit ko iyon. Binigyan ko siya ng mag-asawang sampiga sa kanyang pagmumukha. Sunod na ginawa ko ay sinakal ko siya ng sobrang higpit. Iniumpog ko ang ulo ng lalaki sa pader. Limang beses ko iyong ginawa sa kanya. Pagkatapos ay sinipa ko siya ng malakas dahilan para tumilapon ito sa kabilang dulo.
Hinihingal na napasandal ako sa pader. Jusko. Agang-aga pero ito ang sumalubong sa akin. Pagod na ako sa mahabang paglalakad at bumibigat na ang aking mata kaya hindi ko na ito patatagalin pa.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...