Kinabukasan
Lavinia's POVNandito kaming lahat sa sentro ng Divergent kung saan ginaganap ang mga importanteng pagtitipon pati na ang mga malakihang paligsahan. Napakadaming nilalang sa paligid. Lahat ay gustong manuod ng napipintong maganap. Kanya-kanya silang hanap ng magagandang pwesto na maaring maupuan. Sa pinaka-unahan ay ang mga malalaking personalidad ng Athens, mga opisyal, mga may kapangyarihan at pati na din kaming The Four. Sa pangalawang hanay ay ang nasa middle class. Panghuli ang mga mahihirap na karamihan ay mula sa Insurget at Allegiant. Dumayo pa ang mga ito dito para lang mapanood ang paghuhukom. Para kaming manoond ng isang teatro.
Sa aking kanan ay nakaupo si Nate at Katabi naman niya si Lily. Sa kaliwa ay si King naman at katabi naman nito si Third then si Head Master at iba pang opisyal ng The Pal. Lahat kami ay nandito para ipagtanggol si Eli.
Napakaingay sa pilid. Sunod-sunod ang paputok na lumilipad sa kalangitan. Kahit umaga'y kitang-kita iyon ng aking mga mata. Halos mabingi na din ako sa tunog ng mga torotot sa paligid na animo'y nagsasaya at nagagalak. Gusto ko silang pahintuin dahil hindi naman nakakatawa ang mangyayari ngayon. Mga walang utak. Mga nais lamang ay dahas. Tignan ko lang kung makapagsaya pa kayo kapag nalaman ninyo na na nanganganib ang buhay ng bawat isa sa kamay ng inyong reyna.
“Maghintay lang tayo ng mga susunod na mangyayari.” Nadinig kong sabi ni Head Master. “Uulitin ko huwag tayong magpapadalos-dalos. Tignan ninyo na lamang ang nakukuhang suporta ngayon ng reyna. Nasa kanya ang buong sambayanan. Ang kalaban ng reyna ay kalaban din ng lahat.”
“Wala akong pakielam.” Sagot ko. “Tignan ko lang kung kampihan pa siya ng lahat kapag isiniwalat na natin kung gaano siya kasama at ka-walang kwentang nilalang.” Kumukulo na talaga ang dugo ko sa kanya. Nahihirapan akong magtimpi.
“King.” Si Lily.
“Oh?”
“Pwede kaya akong mangaroling via video message? Sa Gcash na lang yung bayad.”
“Gcash?” -Nate. “Basta talaga kaperahan nangunguna ka.”
Tinignan ko ang baliw. “Pwede bang magpalit na lang kayo ni Eli ng posisyon?”
“Hindi keri ng beauty ko ang mga ganitong eksena.”
“Wow. May beauty ka pala. Ngayon ko lang nalaman.” Sabi naman ni King.
Natigil sa pag-iingay ang lahat ng lumabas na si Hestia at tumayo sa gitna ng stage. Sa likod nito ay ang tatlong prinsipe. Hindi ba't naging The Four din ang isa sa kanyang mga anak? Dapat ay naiintindihan niya kung ano ang ipinaglalaban namin at hindi para panigan niya pa ang kanyang ina lalo na kung mali naman ito.
“Isang magandang araw para sa ating lahat.” Panimula nito.
Walang maganda sa araw kung ikaw ang makikita ko.
“Lubos akong nagagalak at sinikap ninyong makapunta sa pagtitipon na ito, ang araw kung saan ipinakitang muli ng lahat na ang walong nasyon ay nagkakaisa at hinding-hindi matitibag ng kahit na sino man. Mabuhay kayong lahat.” Saglit itong tumigil ng magpalakpakan ang buong paligid. “Ang Athens ay isang maaalamat at napakagandang mundo na mayroong magaganda at makikisig na nilalang. Hangarin ko, ng aking pamilya, ng buong palasyo na ang kapayapaan at kasaganahan ang maghahari sa bawat isa. Layuni kong protektahan kayong lahat dahil ako ang inyong ina na handang isakripipisyo maging ang kanyang sariling buhay para sa kanyang mga anak.”
Wow. Gusto kong palakpakan ang kung sino mang gumawa ng mga linya nito. Napakahusay. Baka tamaan siya ng kidlat sa pinagsasasabi niya. Hindi ko napigilang tumingin kay Lily. Nagawa pa talaga nitong kumain ng popcorn. Ano 'to, sinehan? Ang sarap talagang hambalusin sa pagmumukaha ang babaeng ito at ng kahit papaano naman ay matauhan.
“Kaya hindi ako makakapayag na may kung sino man ang sumira sa aking pamilya!” Pasigaw na sabi pa nito na akala'y mo kung sinong mapagmahal na ina.
Pwe. Pamilya? Mukha mo. Hindi mo alam ang ibig sabihin 'non.
“Hindi ako makakapayag na may mananakit sa aking mga nasasakupan. Hindi din ako makakapayag na basta na lang may lumapastangan sa palasyo at manakit sa bawat isa sa inyo. Ngayon, salubungin natin ng masigabong palakpakan si Eliazar, ang lalaking nagtangka sa aking buhay at nangakong magdadala ng kabiguan sa buong Athens!”
******
Eli's POV
Ang galing ng linyahan, ha?
Napalingon ako sa kawal na tumulak ako sa akin. “Hindi mo ako kailangang itulak. May mga paa ako. Kaya kong maglakad.”
Ganoon nga ang ginawa ko. Ito na ang araw ng paghuhukom para sa akin. Nung kinuha nila ako kahapon ay inilagak nila ako sa isang kulungan. May kung anong itinurok sila sa akin dahilan para hindi ko magamit ang aking kapangyarihan. Bukod doon ay wala naman na silang ginawa sa akin. Pinakain pa nga nila ako ng masarap na para bang huling hapunan ko na 'yon. Syempre, kinain ko 'yun. Wala namang lason. Kailangan ko ng lakas dahil alam kong ano mang sandali ay darating ako sa oras na ito.
Paglabas ko ay sinalubong ako ng malakas na sigawan ng daan-daang nilalang na nakapalibot ng pabilog sa malaking battle field na ito. Enjoying the show, huh? Sh!t kayong lahat. Habang iginigiya ako ng kawal sa napakalawak na arena na 'to ay napakadaming bulok na prutas, gulay at pati na mga matitigas na bato ang tumama sa akin dala ng mga pesteng bumabato niyon na mga nasa harapan. Pasalamat na lamang sila at nakakadena ang paa at mga kamay ko. Pero pwede din namang ipulupot ko iyon sa kanila. Kriminal na ba ang turing nila sa akin? Lulubos-lubusin ko na. Kung ito lang ang tanging magiging paraan para mapagbayad ko siya sa ginawa niya sa aking ina't ama ay sige lang. Malugod ko iyong tatanggapin.
Lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Ganito ba ang pakiramdam na maging artista? Inuulan ako ng atensiyon. Natanaw ko si Hestia na nakatayo sa malaking entablado at nakatignin sa akin. Itinaas nito ang kaliwang kamay para patigilan ang lahat sa pag-iingay. Napatingin ako sa kalangitan bago mapait na napangiti. Hindi ko iniinda ang masakit na sikat ng araw. Wala iyon kumpara sa nararamdaman kong sakit sa aking kalooban.
Inay. Itay. Ito na ba ang araw na muli tayong magsasama-samang muli? Paki-usap, huwag na muna ninyo akong sunduin hangga't hindi ko pa napagbabayad ang may kasalanan sa pagkamatay ninyo. Nais ko silang pagbayarin para wala nang sino man ang makaranas ng sinapit natin. Ipinapangako ko 'yan. Hindi ako mamatay sa araw na ito hangga't hindi ko napapaslang si Hestia.
*****
Note :
Hello sa mga old readers ko, mga nagbabasa na talaga ng gawa ko since TLOP (The Legend Of Prophecy). Naalala ninyo pa ba ang scene na ito? Ito yung nasa chapter 1 ko. Ang kaibahan nga lang hindi si Lavinia ang nasa paghuhukom kundi si Eliazar. Dedicated sa inyo ang chapter na ito. Salamat sa walang-sawang suporta.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasi"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...