Kinabukasan
Third's POV
Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago walang pasabing pumasok sa loob ng bahay nila Bella. Nakita ko ang kanyang ina na nagluluto ng kung ano. Marahil ay dadalhin niya iyon sa kanyang asawa na nasa ospital. Ilang minuto lang akong nakakatitig sa kanya bago niya ako napansin.
“Oh, Third? Nakakagulat ka naman, iho. Kanina ka pa ba diyan? Nakaalis na si Bella.” Sunod-sunod na sabi nito.
Ngiti lamang ang iginanti ko dito.
“Kumain ka na ba? Umupo ka na at ipaghahain na kita.”
“Pasensiya na po.” Sabi ko dito.
Naguguluhan muli siyang tumitig sa akin. “Bakit ka humihingi ng pasensiya?”
Sinalubong ko ang kanyang tingin. “Para po dito.” Isang liwanag ang pinakawalan ko sa aking kamay patungo sa kanya. Pagkatapos niyon ay bigla na lamang siyang nawala at isang frame ang bumagsak sa sahig. Doon ay makikita ang kanyang litrato. Hinawakan ko iyon. “Pasensiya na kung kailangan ko itong gawin. Paparating na sila. Hindi pa ito ang tamang oras, tamang panahon at tamang lugar para muli kayong magkita-kita. Hindi pwedeng masira ang mga plano niya. Iyon ang pinaka-importante sa lahat.” Isinilid ko sa maliit na bag ang bagay na iyon. Isa ito sa mga kakayahan na mayroon ako.
Sunod na pumunta ako sa ospital kung nasaan ang kakambal ni Bella na si Camilla. Nadatnan ko doon ang kanyang ama na natutulog katabi ng kama ng kambal. Mukhang napuyat ito sa pagbabantay. Hindi ko na ito ginising at isinagawa ang aking balak.
Naupo ako sa sulok at pinagmasdan ang babaeng matagal ng namamahinga dito. Kahawig na kahawig niya si Bella. Kaunting panahon na lang at malapit ng matapos ang paghihirap mo. Malapit ka ng magising sa mundong kung saan ka talaga nababagay. Sana lamang ay tama ang panig na kinakampihan ko.
Tumayo na ako at nilisan na ang lugar. Nasaan na kaya sila? Sigurado akong naririto na sila at ano mang oras ay makikita ko na ang mga ito. Dapat ko ng ihanda ang kambal... si Bella at Camilla.
*******
Lavinia's POV
Ito na ang ikatlong araw namin dito sa mundo ng mga tao. Kagabi ay sa kalsada kasama ng mga pulubi na lang ako nakitulog. Buti na lang at walang nanghuhuli sa lugar na ito. Pagsikat pa lamang ng araw ay bumalik na ako sa palengke. Hindi ako nakapaghanap ng ayos kahapon dahil sa mga pinadalang alagad ni Hestia. Nakakatiyak akong pati ang mga kasama ko ay may nakalaban na. Sana talaga ay ligtas lang sila.
Kumakalam na ang aking sikmura. Gusto ko ng gamitin ang kapangyarihan para makakuha lang ng pagkain pero hindi ko naman magawa. Naglalalad-lakad lang ako sa kung saan-saan dito sa pag-asang baka nandito ang babaeng kailangan namin ng isang pamilyar na bulto ang natanaw ko. Hindi ako maaring magkamali. Kilala ko ang lalaking dumaan sa harap ko. Hindi na ako nag-aksaya ng sandali at tiniwag siya. “King!”
Tama ako ng hinala ng lumingon ito. Siya nga! May ibang taong lumingon sa akin pero hindi ko sila pinansin. Wala akong pakielam sa kanila.
Lumapit siya sa akin. “Lavinia?” Nakangiting sabi niya. “What a surprise.”
Tumango ako at gumanti din ng ngiti. “Hindi ko akalain na makikita ulit kita agad.”
“Ako man.” Napansin ko ang pagkunot ng noo nito. “Nasaan ang mga kasama mo? Bakit nag-iisa ka?”
Matagal ako bago sumagot. “Mahabang kwento.”
“I have all the time in the world para makinig. You looked pale. Parang nalipasan ka na ng gutom. Pwede tayong mag-usap habang kumakain. Tamang-tama. Nagugutom na din ako.”
Wala na akong nagawa ng hilain niya ako sa isang kainan na nandito lang din sa gilid-gilid ng bangketa.
“Kumusta ang lakad mo?” Unang tanong ko sa kanya sa pagitan ng pagkain naman. Jusko. Thanks, God. Makakakain na din. Hindi ko alam pero parang ang bilis kong mapagod at manghina ngayon. Siguro'y dahil wala ako sa kinagisnan kong mundo.
“Tapos na ako.” Sumubo muna ito ng kanin bago muling nagsalita. “Nagawa ko na ang dapat kong gawin dito. Sooner or later, magiging elemental keeper na din ako.”
Saglit akong natigilan. “Elemental keeper?”
“Oo” Sagot nito habang ngumunguya. “May isang nilalang na tumulong sa akin dito para mas palakasin at palawakin ang sakop ng kapangyarihan ko.”
“Nilalang?” Tanong.
“Yes. Katulad din natin siya. Taga-Athens pero mas pinili niyang mamuhay ng simple sa mundong ito. She's legendary. Napakarami niyang alam tungkol sa kapangyarihan. Kaunti lang ang nakakakilala sa kanya dahil kahit noong nasa lugar pa natin siya ay sadyang mailap na siya. Tinulungan niya ako para makamit ang sunod na lebel ng kakayahan ko. Sa pagkakatanda ko isa siyang triple keeper. Hindi ko lang sigurado kung ano-anong elemento ang kaya niyang kontrolin. Dati din siyang member ng The Four noong kapanahunan niya.”
“Kapanahunan?” Ulit ko. “Ang ibig sabihin ay matanda na siya?”
Tumango ito. “Nasa sixty na siguro ang edad niya. Pero malakas at kaya pa din niyang sumugod sa isang giyera anytime.”
Iyon pala ang ipinunta niya dito. “Natutuwa ako para sayo. Magiging light keeper ka na. Katulad ni Tres. Congrats. Karapat-dapat ka naman para sa kapangyarihan na 'yan dahil nakita ko kung paano mo nalampasan ang mga kinaharap nating pagsubok bago makarating dito. Pati na noong nasa competition.”
“Salamat, Lavinia. Pinangako ko sa sarili ko na susundin ko ang mga sinabi ninyo. Wala dapat puwang ang takot sa puso ko.”
“Tama 'yan. Bakit nga pala parang sanay na sanay ka na sa lugar na ito?” Isa iyon sa napansin ko sa mga kilos niya.
“May kakayahan akong maka-adopt ng mabilis saan mang lugar o panahon. Namana ko ang kakayahang iyon sa aking ina.”
Tumango-tango ako. “I see.”
“Saka hindi naman mahirap makibagay dito. Hindi namam nalalayo ang mundong ito sa mundo natin.”
“Sabagay.” May punto naman ito.
“Ako naman ang magtatanong. Anong nangyari sayo? Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang mga kasama mo? Si Nathan? Si Eliazar? Si Lily na baliw? Hindi ako sanay na walang maingay.”
Nagsimula akong isalaysay dito ang lahat ng pangyayari bago siya humiwalay sa grupo.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...