Kabanata 47 : Pagbabalik Sa Palasyo

80 13 0
                                    

Matagal bago ito nagsalita. “May isa pa akong sasabihin sa inyo.” Sabi nito. “Alisin ninyo na ang pag-alala sa inyong dibdib dahil hindi siya ang babaeng kailangan ni Hellia. Kambal ang pinabantayan sa akin sa mundo ng mga tao. Ang nasa panig natin ay si Camilla na siyang totoong kailangan ni Hellia. Ang nasa palasyo ngayon ay si Bella, ang isa sa mga kambal. Noong umalis kayo sa mundo ng mga tao dala si Camilla ay siya namang pagdating ng mga kampon ng reyna. Iyon na ang oras na hinihintay niya. Kukuhanin na niya ang isa sa mga kambal. Imbes na si Camilla ang ibigay sa kanya tulad ng napagkasunduan na namin noon ay sa halip si Bella ang ibinigay ko sa kanya. Ginawa ko iyon para kahit papaano ay may oras pa tayo para maka-isip kung paano tuluyang magagapi ang reyna. Ilan araw mula ngayon ay alam kong malalaman na niya ang ginawa kong pamemeke at tiyak kong labis niyang ikakagalit iyon.” Mahabang paliwanag nito.

“Ano pa ba ang hindi mo sinasabi sa amin?” Tanong ko sa kanya.

“Wala na.”

“Alam din ba ito ni Head Master?” Tanong naman ni Eli.

Tumango siya. “Hindi niya na muna ipinaalam sa inyo dahil nais niyang huwag na munang dagdagan ang mga iniisip ninyo.”

“Lalo ninyo lang dinadagdagan ang aming mga suliranin.” Galit na sabi ko sa kanya. “Isa ito sa mga detalyeng kailangang malaman ng bawat isa sa amin para mapagtagumpayan ang labang ito. Hindi ninyo ba naisip na sa bawat paglilihim ninyo ay may nanganganib na buhay? Hindi na ako sigurado kung maari pa nga ba kayong pagkatiwalaan o paniwalaan man lang.” Deretsong sabi ko sa kanya.

“Oras na malaman ni Hellia ang pamemeke mo ay sigurado akong ang babaeng sa palasyo ang una niyang mapagbubuntungan ng galit.” Sabi ni Eli.

“Nakakatiyak ako sa bagay na 'yan.” Pagsang-ayon ko dito. “Sino ba talaga ang mga kambal?”

“Normal lamang sila na mga tao.” Sagot ni Third.

“Sana ay nagsasabi ka ng totoo.” Sabi ni Walker. Sa akin naman siya tumingin. “Mukhang hindi lang ako ang napaglihiman sa matagal na panahon dito ng isang nilalang na labis kong pinagkakatiwalaaan. Maging kayo din.”

Nais ko mang salungatin ang sinabi nito ay hindi ko ginawa dahil sa kabilang banda ay tama ito. Isa ang gabing ito sa tagpong hindi ko makakalimutan habang nabubuhay ako.



**********


Kinaumagahan
Walker's POV

Malapit na ako sa entrada ng palasyo. Bumalik na ako. Ang kailangan ko lang gawin ay alamin ang mga plano ni Hellia, hanapin ang amang hari, ang mga babae at bantayan si Bella. Sana ay nandito pa din ang babaeng 'yon.

Naabutan ko sa loob ng palasyo ang limang nilalang na bagong alagad ni Hellia. Ilang beses ko pa lang silang nakikita dito kaya alam kong bago lamang sila. Nagbigay galang ang mga ito sa akin ng mapansin akong pumasok.

“Mukhang inumaga ka na 'ata sa labas, Mahal Na Prinsipe. Saan ka nagtungo?” Sabi ng isang babaeng pamilyar sa akin. Nakita ko na siya sa malaking screen noon sa bayan noong pinapanood ng lahat ang laban para sa titulo ng The Four. Hindi ako sigurado kung naabutan ko pa ito noong bumisita kami sa isla.

Tinginan ko siya ng masama. “Wala akong obligasyong sabihin sa iyo kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko.” Nilagpasan ko na ang mga ito.

Napadaan ako sa punong bulwagan at doon ko nakita ang reyna na nakaupo sa kanyang trono.

“Saan ka galing?” Tanong niya ng makita ako.

Tinig pa lang ay alam ko ng hindi siya ang aking ina. Gusto ko siyang sugudin pero nagtitimpi ako para maisakatuparan namin ang aming mga plano. Kailangan ko lamang kontrolin ang aking sarili at tiyaking wala itong makikitang emosyon na kahit ano mula sa akin.

Lumapit siya sa akin. Napalunok ako. “Binisita ko lang ang kaibigan kong si Laurent.” Sabi ko na lamang. “Nais ko na sanang magpahinga.” Nilampasan ko na siya. Normal naman na ito para sa amin kaya alam kong hindi siya maghihinala.

“Walker.”

Napatigil ako sa paglalakad ng tawagin niya. “Ano 'yon?” Tanong ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking braso. “Ako 'to. Ang inyong ina.” Mahinang sambit niya.

Napangiti ako sa kanya. Ang kaninang mabagsik na aura nito ay nawala na at napalitan ng pagiging maamo. Niyakap ko siya saglit. “Inang Reyna. Anong nangyayari?”

Sinabayan niya ako sa paglalakad sa aking silid at sinabihang umarte na parang nag-uusap lamang kami ng mga simpleng bagay.

“Nasaan si Hellia?” Mahinang tanong ko sa kanya habang naglalakad.

“Nasa sagradong silid silang dalawa ni Palsetine.” Mahinang sagot din nito. “May importante silang pinag-uuusapan.”

“Ano 'yun?”

“Hindi ko alam. Hindi naman nila ipinaparating sa akin ang kanilang mga binabalak. Hindi nila ako pinagkakatiwalaan. Natagpuan mo na ba ang The Four?”

Tumango ako. “Don't worry dahil naipaliwanag ko sa kanila ang lahat. Ako ang magiging mata nila dito sa loob. Alam kong gagawin din nila kung ano ang tama. Magtiwala lamang kayo sa akin. Maililigtas natin ang amang hari. Buti na lamang at hindi talaga pinili nila Ryle at Supremo na dito manirahan sa palasyo. Kung nagkataon ay may dalawa pa akong iintindihin.”

“Huwag kang mag-alala dahil ligtas ang mga kapatid mo.” Sabi ng aking ina. “May mga inutusan naman ako magbabantay sa kanila kung nasaan man sila ngayon. Mas mabuti na yung wala silang alam.”

“Tama ho kayo.” Sabi ko. “Nasaan na nga pala ang babaeng ibinilin ko sa inyo? Kailangan ko siyang makausap.”

“Nais kong humingi ng paumanhin. Pinuntahan ko ang silid na tinukoy mo kagabi pero wala akong nakitang kahit sino man na naroroon. Sino ba siya?”

Tinignan ko ang Inang Reyna. “Isa siya sa mga dapat nating protektahan.”

Sigurado akong nasa kamay na siya ni Hellia at itinago. Sana ay nandito pa din siya. Kailangan ko siyang mahanap bago pa man niya masabing hindi lamang siya ang nakakita sa mga ito kagabi. Masisira ang plano kapag nagkataon at pare-pareho kaming malalagay sa alanganin. Fuck shit. Saan ko naman kaya siya mahahanap?

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon