“Siya na ba ang kailangan namin?” Tanong ko kay Third habang nakatingin sa babaeng walang malay na nakahiga sa kama.
Nandito kami ngayon sa isang pampublikong ospital. Malayo ng kaunti sa palengekeng pinanggalingan namin. Dito kami dinala ng lalaking ito. Kahit may ipinakita na siyang pruweba na hindi talaga siya masama ay wala pa rin akong tiwala sa kanya. Alam kong ganoon din ang pakiramdam ng mga kasama ko. Wala man lang kasing binanggit sa amin si Head Master na may sasalubong pala sa amin dito. Siya pa. Baka nakalimutan lang? Pero sa palagay ko'y hindi si Charlie ang klase na makakalimot sa isang importanteng bagay na tulad nito.
Pinagmasdan ko ang babae. Hindi ko alam pero parang may nararamdaman akong kung ano habang tinititigan ito. Maputla siya na para bang kay tagal na simula ng masilayan siya ng araw. Mukhang malubha nga talaga ang sakit nito. Sigurado ba si Hestia na ang taong ito ang ang kailangan niya? Parang ilang sandali na lang ay babawian na siya ng buhay. Sa tingin ko'y hindi din nalalayo ang kanyang edad sa amin. Ano kaya sakali ang magiging pakinabang nito kay Hestia?
“Paano mo siya natagpuan?” Tanong ni Eli kay Third.
“Importante pa ba 'yon?” Sagot nito. “Sa tingin ko'y mas mahalaga na maialis ninyo agad siya dito bago pa man may ipadala muling kampon ang Reyna.”
Napatingin ako sa kanya. “Maging iyon ay alam mo?” Sino ba talaga ito at anong papel niya?
Nakipagtitigan din siya sa akin. “Sabi ko nga kaibigan ako ni Charlie. Nanghingi siya ng tulong sa akin kaya kinailangan niyang sabihin ang lahat-lahat kung bakit ko siya kailangang tulungan.”
“So, siya ang kakambal ng babaeng 'to?” Singit ni Lily at ipinakita ang litrato na ibinigay sa amin ni Head Master. Nasa kanya pa pala iyon.
Kinuha iyon ni Third at tinitigan. “Oo. Siya nga.”
“Nasaan naman ang babaeng 'yan?” Tanong ko dito.
Sandaling natahimik ito at tumingin sa kung saan. “Hindi ko alam. Malamang ay nandyan lang sa tabi-tabi. Kailangan ninyo ng kunin ang kung ano mang pakay ninyo dito bago pa man siya dumating at magkagulo. Ayaw ninyo naman na sigurong may madamay pang iba, hindi ba?”
“Ano sakit niya?” Tanong ni Nate.
“Isa siyang dakilang chismosa at issuemera kaya 'yan ang nangyari sa kanya.” Imbes ay si Lily ang sumagot. “Kaya yung mga mahihilig gumawa ng kwento out there maghanda na kayo dahil malapit na din kayong sunduin ni Kamatayan.”
“Hindi ko alam.” -Third. Kay Lily naman ito tumingin. “Kasama niniyo ba talaga ang isang 'to? I can't believe this. Paano 'yan nanalo sa The Four?”
“Nandaya.” -King.
“Natalo ka kaya mo lang nasasabi 'yan. Ngayon feeling mo The Four ka din, vaklang to.” -Lily
“Ibinenta niya lang 'yang katawan niya sa mga matatandang ministro para isama siya sa mga napili.” -Eliazar
“Ibinenta?” Pang-aasar din ni Nathan dito. “Salamat na lang kung may bibili.”
Nagpameywang ang baliw. “Wow, ha? Pinagtutulungan ninyo talaga ako?” Tumingin ito kay Third. “Para kang sunrise, pasikat. Hindi ka naman belong dito pero nakikisali ka. ” Kay King naman ito bumaling. “My gaaaaadddd. Saan ba nanggaling ang monggoloid na ito at napakagaling magsalita?” Then kay Eli. “Tigil-tigilan mo ang pagsha-shabu kapatid. ” At kay Nate. “Akala mo naman kung sinong lalaking-lalaki ang dating pero nangangantot naman ng aso.”
“Jusko, Lily. Ang bunganga mo.” Hindi ko na napigilang sabihin sa kanya.
Sa akin naman siya tumingin. “Bunganga pa din.” Dinuro niya ako. “At ikaw---”
Natigilan siya ng kinuha ko ang flower base sa may gilid at iniamba iyon sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. “Ano?”
Ngumiti ito ng ubod ng tamis. “Maganda.”
“Are we doing this all day?” Sabi ni Third.
Napabuntong-hininga na lang ako sa mga kalaswaang lumalabas sa bibig ni Lily. “Paano natin mailalabas ang babaeng 'yan?” Sabi ko. Wala siyang malay. Obvious naman kung bubuhatin namin o aakayin siya. Baka may makakita pang kung sino sa labas.
“Ako ng bahala.” Sabi ni Third.
Naglabas siya ng liwanag at ipinatama iyon sa babae. Walang pang isang minuto ay nawala na ito at isang frame na lamang ang nasa kamang kanina'y kinahihigaan nito. Lumapit ako doon at tinignan ang frame. Nandoon na ang litraro ng babaeng nakahiga. Napatingin ako kay Third. “Ganito rin ang ginawa mo sa halimaw kanina?” Hindi iyon isang tanong kundi kunpirmasyon.
Tumango ito. “Isa 'yan sa mga kakahayahan ko. Makakaalis siyang muli sa bagay na iyan kapag binasag ninyo ang frame.” Dagdag nito.
Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong kapangyarihan. Kinuha ko ang frame at itinago sa bag na dala. Hindi ka pwedeng mawala dahil sayo nakasalalay ang kaligtasan ng buong Athens.
“Isa sa kakayahan mo? Ibig sabihin ay may iba ka pang kapangyarihan?” Tanong dito ni Eli.
“Sa tingin ko'y hindi naman kayo nandito para pag-usapan ang kung anong mang mga kaya kong gawin.” Masungit na sagot nito. Tumingin siya sa akin. “Umalis na kayo at magbalik na sa Athens.”
Nagkatinginan kaming lima. Tapos na ang misyon namin sa lugar na ito. Panahon na para magbalik sa aming mundo kung saan talaga kami nababagay.
“Hubarin ninyo ang mga bracelet ninyo at wasakin iyon sa pamamagitan ng kapangyarihan ng bawat isa.” Utos ni Third na siyang ginawa namin. Pabalik-balik na siguro siya sa mundong ito kaya alam na alam na niya ang gagawin.
Naglabas ako ng apoy at tinapat iyon sa bracelet. “Ikaw?” Tanong ko sa kanya ng mapansing nakatitig lamang siya sa aming lima habang sinisira ang bagay na iyon. Nadi-distract ako sa mahinang sigaw sigaw ni Lily. Ang sakit pa pa din sa tainga. “Hindi ka pa ba babalik sa Athens?”
Umiling ito. “May mga bagay pa akong kailangang tapusin dito. Magkita-kita na lang tayo sa Head Quarters.”
“Okay.” Sagot ko dito. Wala na akong balak alamin kung ano pang gagawin nito. “Salamat sa tulong.” Sabi ko dito. Mas bumilis na makita namin ang babae dahil sa ginawa nito. Kung totoong kakampi siya ay mabuti naman. Mas madaming pwersa, mas maganda. Hindi basta-basta ang pader na kinakalaban namin. Kailangan may dala kaming hagdan.
Tumango lamang ito.
Naramdaman ko ang unti-unting paggaan at parang ilang segubdo na lang ay maglalaho na ako. Nagkatinginan kaming lima at naghawak-hawak kamay.
“We're going home.”
Ang sinabing iyon ni Nate ang huling salitang nadinig ko bago kami tuluyang nawala sa mundo ng mga tao. Humanda na ang Reyna dahil hindi na siya magtatagal sa kanyang pwesto sa pagbabalik naming ito.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...