Kabanata 24 : Ang Anim

91 13 3
                                    

Lavinia's POV

“Ayan na siya.” Sabi ko sa mga kasama. “Ako na ang unang magpapatikim sa kanya.” Gamit ang air element ay sinubukan kong ibato sa kanya ang isang mini bus na nakita ko hindi kalayuan dito.

Pagdating niyon sa kinatatayuan nito ay para lang iyong tinapay na sinanggi nito sa pamamagitan lamang ng kanyang kaliwang kamay. Sa mga paninda tumama ang sasakyan na iyon. Akala ko'y wala ng ibang tao ang naririto. Meron pa pala. Mukhang may mga media pa. Parang wala silang pakielam sa kanilang kaligtasan.

Si Eli naman ang tumakbo patungo dito. Bago pa siya tuluyang makalapit sa nilalang na gawa sa bato ay tumalsik na siya ng tirahin siya nito ng isang malakas na enerhiya. Kuryente. May kakayahan din itong gamiting ang light element. Napatingin ako kay King. Siya lang ang makakatapat sa bagay na iyon. Dumampot ng bakal ang kalaban at lumapit sa kinahagisan ni Eliazar.

“Ako naman.” Sabi ni King. Gumawa siya ng light energy at ibinato sa nasa harap namin. Napahinto ito sa paglapit kay Eli.

Sinundan ko ang kanyang pag-atake. Gumawa ako ng fire ball at ibinato dito. Sapul ito sa mukha.

“Gusto ninyong maglaro?” Sabi nito. Napakalaki ng boses nito. “Sige. Pagbibigyan ko kayo.” Pumadyak ito sa lupa at maya-maya'y isang malakas na lindol ang naganap. Mas lalong gumulo ang paligid. Muling nagsigawan ang mga taong nakiki-usyoso dito.

Wala lang sa amin ang bagay na 'yon. Ang importente ay matalo namin ang halimaw sa harapan bago pa man lalo itong makapaminsala sa mundong ito. Hindi pa man nakakagawa ng aksiyon ay tinira na niya si Lily, kasama si Nate. Talsik ang dalawa sa gulayan. Sa bandang kangkungan.

Muli'y si King ang sumunod na umatake. Naglaban ang dalawa ng kapangyarihan. Kuryente laban sa kuryente. Iyon ang sinamantala ko. Mabilis na tumakbo ako patungo dito at binigyan siya ng malakas na sipa sa kanyang mukha. Matagumpay na nagawa ko iyon. Nasapul ito ng enerhiyang naipon sa gitna. Hindi pa siya tuluyang nakakatayo ay nilapitan na din siya ni Lily at sinigawan sa kanyang mukha.  Grabe ang babaeng ito. Kailangan ba laging may kasamang laway kapag sisigaw?  Parang umaambon dahil sa ginagawa nito. Hindi kaya maputulan ng litid niyan? Hindi siguro. Baka pinatibay na ng panahon ang lalamunan nito.

Gumawa pa ako ng sunod na pag-atake. Pinalibutan ko ng apoy ang kanyang kinalalagyan. Halos gumawa na iyon ng isang ipo-ipong napakataas. Apoy nga lang. Ngayon ko lang ito ginawa. Tignan ko lang kung hindi ka pa matosta ng buhay diyan. Ang ginto nga natutunaw din, bato pa kaya? Lumapit din sa akin si King. Hinaluan niya ng kuryente ang apoy na ginawa ko habang patuloy naman sa pagsigaw si Lily. Napangiti ako. Teamwork makes everthing possible.

“Lavinia!” Sabi ni Lily sa pagitan ng pagsigaw. Wow. Nagagawa pa niyang makapagsalita sa lagay na 'yan, ha? Talent 'yan.

“Ano na naman?!” Sigaw ko din sa kanya.

“Mukha kang Paw Patrol!”

Tinignan ko siya ng masama. “Peste ka talaga.” Hindi napigilang sabi ko.

Nagulat ako, maging ang lahat ng sa kabila ng enerhiyang inipon namin para dito ay nagawa pa din niyang makalabas doon na parang wala lang nangyari.

“Anong klaseng nilalang na 'yan?” Tanong ni King.

“Sinusubukan kong pasukin ang isip niya pero hindi ko maabot miski ang bukana niyon.” Sabi naman ni Eli.

“Hiwag kayong mapanghinaan ng loob.” Sabi ni Nate na gumawa na ng earth energy. “Lima tayo, isa lang siya.”

“Korek.” Segunda ni Lily. “Isa lang naman yang libag na nabuhay.”

“Tinitiyak kong matatalo natin ang kung ano mang klaseng nilalang na 'yan dahil hindi ako makakapayag na hindi makabalik sa Athens.” Sabi ko na gumawa din ng enerhiya. Ganoon din si King.

Bago pa lang naming tatlo iyon papakawalan ng isang kung anong liwanag ang tumama sa halimaw at bigla na lamang itong naglahong parang bula! Sa pagkawala nito ay isang pamilyar na lalaki ang bumungad sa amin.

“Ano nangyari?” Tanong ni Eli.

“Sino 'yan?” Tanong naman ni King.

“Mukhang masarap si kuya.”

Napatingin ako kay Lily. “Naisisingit mo pa talaga ang kamanyakan mo na 'yan.”

“Syempre, ako pa.”

Bakit pa nga ba ako magugulat? Nilapitan ko ang lalaking umeksena na lang basta. Sumunod naman sa akin ang mga kasama ko. Inilabas ko ang ispada at walang sabi-sabing itinapat iyon sa kanyang leeg.

“Hey, hindi ako ang kalaban dito.” Sabi niya.

“Who the fvck are you?” Tanong sa kanya ni Nate.

“Fvck you too.” Pabalang na sagot nito.

Mas inilapit ko pa ang ispadang sa kanyang leeg. “Umayos ka.” Madiing sabi ko sa kanya. “I know you.”

“Kilala ko din kayong apat. The Four, tama ba?”

Nagkatinginan kaming lahat.

“May kasama pa pala kayo.” Kay King ito nakatingin.

Ibinaba ko ang ispada at itinago. Pero handa pa din ako sa kung anong pwedeng mangyari. Hindi maaaring basta na lamang magtiwala sa isang 'to. “Uulitin ko, sino ka at bakit mo kami tinulungan? Natatandaan kita. Nakabunggo kita sa Head Quarters.”

Matagal bago ito nakasagot. “Oo. Totoo 'yon. Ako nga ang nabunggo mo.”

“Anong ginagawa mo sa Presedential Building?”

“Sa tingin ko wala ka ng kaparapatang para malaman 'yon.” Kay Eli naman ito tumingin. “At ikaw, tigilan mo ang pagpasok sa isipan ko. Hindi mo na kailangang gawin 'yan dahil magsasabi ako ng totoo sa inyo.”

Alam din nito ang kakayahan ni Eli? Pero sino nga ba ang hindi nakakaalam? Kung galing din ito sa mundo namin ay malalaman niya talaga dahil halos nakabalandra na ang buhay namin sa lahat. Napatingin ako dito. Bakit pakiramadam ko'y may pagka-antipatiko ang isang 'to?

“Kaibigan ko si Charlie. Sinabihan niya ako ng tulungan kayo sa inyong misyon.” Simpleng paliwag nito.

“Paano kami maniniwala na nagsasabi ka ng totoo?” Tanong ni Eli na halata ang pagdududa. Ganoon din naman ako.

“Alam kong itatanong ninyo 'yan. Kaya eto.”
Pinakita niya sa amin ang kanyang cellphone at mula doon ay may lumabas na video. Si Head Master!

“Hello, warriors. Kung napapanood ninyo na ito ngayon ay isa lamang ang ibig sabihin niyon. Nagkita-kita na kayo. Siya si Third. Matutulungan niya kayong makita ang kambal. Pagkatiwalaan ninyo siya.” Iyon lang at nawala na ito.

Third ang pangalan niya? Wow, ha? Nananadya ba ang mga ito? Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang kaibigan ko. Tiniganan ko ang lalaki sa harap. Dapat ba namin siyang pagkatiwalaan?

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon