Kabanata 15 : Ang Babaeng Baliw

95 17 3
                                    

Lily's POV

Blessings of grace and peace be with you today and every day. Good morning, mga vakla. Umagang kay ganda. Mas maganda pa kay Lavinia. Kung nais ninyong malaman kung anong nangyari sa akin kagabi ay diyan lang kayo dahil sasabihin ko na ngayon. Wala naman. Nag 1-2-3 lang ako. Salamat na nga lang at hindi ako hinabol ng driver. Mga aso ang humabol sa akin. Ibang klase kasi ang ganda ko. Pati mga doggie nabibighani. Wapak. Pero sorry na lang sila. Vegetarian ako.

Nandito ako ngayon sa isang malawak na palengke. Sari-sari ang makikita sa paligid. Napakagulo at napaka-ingay. Anong gagawin ko at saang lupalop ko naman ng mundo mahahanap ang talipandas na babaeng 'yon? Sumikat na ang panibagong araw pero hindi ko pa din alam kung saan ako mag-uumpisa at kung anong gagawin ko. Napagpasyahan ko na lamang na pumasok sa isang starbucks na natanaw ko hindi kalayuan sa maduming lugar na ito. Gusto kong magkape.

Pagpasok ko sa loob ay pinagtinginan agad ako ng mga tao. Anyway,mga vakla may sasabihin ako sa inyo. Noong nasa Athens pa kami. Limang araw bago kami umalis. Pagkatapos maligo ni Lavinia ay ako naman ang pumasok sa banyo. Guess what kung anong nakita ko. May kulot na buhok sa sabon! Grabe. Malago na ba at kumakapit na sa sabon. Mukhang kailangan ng mag-shave ni bakla. 'Di bale sana kung kay Nathan 'yon. Baka itago ko pa, ipa-laminate at gawing remembrance. 'Yun lang. Lumapit ako sa counter. Binati ako ng babaeng kamukha ni Spongebob.

“Good Morning, Ma'am.” Saad niya.

“Walang maganda sa morning kung 'yang pagmumukha mo ang makikita ko.” Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya. “May tubig ba kayong mainit?”

“Meron po, Ma'am.”

“Paki-bigyan ako ng isang baso.”

“Coffee, Ma'am?”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Marunong ka pa? Isang baso nga lang ng tubig na mainit.”

Walang itong nagawa kundi ang sumunod. Pagkaabot sa akin ng basong may laman ng tubig na mainit ay nagkunwaring itatapon ko iyon sa kanya. Napaatras ito at napahawak sa dibdib na para namang may dibdib talaga siya eh mukha nga siyang likod. “Charaught lang.” Nakangiting sabi ko pa dito. Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga chaka. Keri lang. Sana'y na ako sa attention. Umupo ako sa isang bakanteng mesa. Inilabas ko ang 3-in-1 coffee ko sa bulsa. May baon kaya ako, no? Nang matimpla iyon ay mabilis ko din nahigop. Ang sarap sa lalamunan. Pagkatapos noon ay lumabas na ako. Naki-aircon lang ako saglit.

Nasaan na kaya ang mga kasama ko? Talagang hindi na ako hinanap ng mga hinayupak na 'yon. Well, bahala sila. Habang naglalakad papunta sa kung saan ay nakakita ako ng mga babae at lalaking naglalakad din papunta sa iba't-ibang bahagi ng mundong ito. Mundo talaga? Whenever I see girls and boys wearing fasemask on the streets. I remember the child who was posting feeling sick. Whenever there are people sneezing gifts, exchanging coughs I believe that symptoms is truly in our lungs. Oh, di ba? Ang galing ko, nag-rhyme.

Hindi pa man ako nakakalayo sa pamabansang kapehan ng may tatlong nilalang na basta na lamang humarang sa daraanan ko. Mga babaeng naka-jacket at naka-fasemask din. Muntanga lang? Kainitan, mga ateng. Pero natigilan ako ng mapagtanto ang logong nakatatak sa facemask ng mga ito. Logo ng katarungan!

.

.

.

.

.

.

.

Charot. Isa iyon sa logong nakita ko dati sa gown na suot ni Hestia noong nakikain kami sa palasyo! Matandain ako at hindi uso sa akin ang memory gap kaya nakakatiyak akong iyon talaga 'yon.

Tinaasan ko sila ng dalawang kilay. “So, mga tauhan kayo ng bruhang iyon? Nandito ba kayo para paslangin ako?”

“Oo!” Sabay-sabay na sagot ng mga ito.

Susugod na sana ang mga ito sa akin pero saglit ko silang pinigilan. “Teka lang naman. Excited? Nagmamadali? May lakad kayo?” Kinuha ko muna ang lipstick sa aking mahiwagang bulsa at ipinahid iyon sa labi sa harap mismo nila. Kahit hindi na ako gumamit ng salamin ay alam kong hindi iyon maglalampas. Na-master ko na ang pagli-lipstick pati na ang paglalagay ng kung anik-anik sa mukha. Dati akong nag-aayos ng mga a-attend sa JS Prom, kasal, binyag at kahit sa patay pa. “Oh, pak.” Kulay green iyon. “Ang ganda ko na ulit.” Ipinusod ko ang ang aking buhok katulad ng kay Mareng Ariana Grande. “Ready to rumble na!” Isa... Dalawa...  Tatlo...

.

.

.

.

.

.

.

Mabilis na tumakbo ako! Nanay ko po. Ang dami nila, eh! Parang hindi keri ng beauty ko. Saka ramdam ko ang kanilang lakas. Baka hindi ko kayanin. No, Lily. Hindi ka dapat matakot sa mga impaktang 'yan. Remember, walang kinatatakutan ang isang Lily Cruz. Yeah. Tama.

Pumasok ako sa isang malaking bahay na natanaw ko. May tatlong palapag iyon. Perfect. Walang tao. Oh, baka naman nasa taas? Bukas ang main door, eh. Bahala na si Kim Chui at si Cynthia Villar. Dito kami magtutuos ng mga 'yan. Naramdaman ko ang pagsunod ng mga ito. Isasara ko pa sana ang malaking pinto pero nakapasok na din sila. “Well, it's time to party, babies.” Nakangiting sabi ko sa mga ito. Dinilaan ko po sila. Nagkakamali ang mga ito na ako pa ang napagdiskitihan nila. Hindi ba pwedeng si Eliazar na lang? O si Lavinia? Silang tatlo na lang. Bakit ako pa? Hindi bale na. Papatayin ko na lang sila at gagawing white sand para mailagay din sa Manila Bay. Nakatulong pa sila sa turismo.

Sabay-sabay na lumusob sa akin ang mga babaeng chaka. Nasipa agad ako nung nasa gitna kaya medyo napaatras ako. Lahat silang tatlo ay sinubukan akong sipain. Mga kabayo ba ang mga ito? Lahat din naman ng iyon ay naiwasan ako. Ano kaya kung takbuhan ko na lang ulit ang mga ito at taguan? Magaling akong magtago. Tignan mo 'yung mga pinagkaka-utangan ko hanggang ngayon hindi pa din nila ako nahahanap. Ilang kumot na kaya at kulambo, pati na kama ang nakuha ko sa mga bumbay. May five-six pa.

Hindi ko napaghandaan ang pagsipa ng isa sa akin. Tumalsik ako sa mahabang sofa na naririto. Sino bang nakatira dito? Amoy buni at alupunga. My gaaaaad. Magkaka-skin disease ako sa lugar na ito. Gumulong ako hanggang sa sahig. In all fairness naman may nakalatag pang red carpet. Mukha talagang pinaghandaan ang pagdating ko.

Sinuntok ko ng malakas ang babaeng malapit sa akin. Punyeta. Ang tigas ng mukha niya. Parang puno ng narra. Narra na may bukbok. Tinuhod ko naman ang pangalawa sa kanyang pagkababae. Tignan ko lang kung hindi 'yan mawarak. Let see kung may lalaki pang mangangahas na pasukin ka gayong sobrang luwag na niyan.  Ang pangatlo naman ay hinawakan ko sa leeg at inginudngod ang pagmumukha nito sa center table na babasagin. Nabasag iyon. Kumuha ako ng piraso ng bubog. Hinawakan ko ang kanyang buhok at iniharap siya sa pamamagitan niyon sa akin. Tinanggal ko ang facemask niya. “May pa-facemask-facemask ka pang impakta ka. Hindi ka nito mapo-protektahan sa mikrobyo dahil ikaw mismo ang mikrobyo.” Hiniwaan ko ng letter X ang kanyang buong kaliwang pisngi. “Oh, pak. Ikaw na si Rhodora X. Pero dahil nagmamaganda ka.” Nilagyan ko naman ng letrang Y ang kanyang kanang pisngi. “Oh, ayan. Gusto mo pa letter A hanggang Z? Gawin kitang alphabet? Sagoooooooootttttt!”

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon