Lavinia's POV
“Sigurado bang hindi na kayo sasabay na dalawa sa akin?”
Tinignan ko si Third. Pangatlong tanong na niya 'ata 'yun. Hindi na namin ipinagpatuloy ang pag-alis kagabi. Pinasya namin ngayon na lamang umaga. Isang oras na ang nakalipas nung nakaalis si Walker. Sana ay magtagumpay ito sa mga napag-usapan namin Muli ay umiling ako. “Hindi na. Gusto kong makita ang kaganapan sa labas.”
Inabot niya sa amin ni Eli ang tig-isang plastic. “Gamitin ninyo 'yan para kahit papaano ay maitago kayo. Alam ninyo naman siguro na wanted na kayong dalawa.”
Kinuha ko iyon.
“Salamat.” Sabi ni Eli.
Tinanguan niya kami. “Aalis na ako. Magkita-kita na lang tayo sa Head Quarters. Alam na din naman nilang parating kayo.” 'Yun lang at nawala na itong parang hangin.
Sinuot namin ang mga binigay ni Third pagkaalis nito.
“Handa ka na ba?” Tanong ko kay Eli.
“Matagal na.” Sagot nito.
Sabay naming binaybay ang masukal na kagubatan. Kalahating oras bago namin narating ang siyudad ng Allegiant. Nagkubli muna kami sa isang puno. Nagkalat ang lahat at may kanya-kanyang silang ginagawa. Mapapansin sa paligid ang sandamakmak na tarpaulin at mga papel na naglalaman ng mukha naming dalawa ni Eli na may nakapatong na malaking halaga.
“Talagang tinotoo ng pesteng 'yon ang mga sinabi niya.” Banggit ko sa katabi. “Ginawa pa tayong mga kriminal.”
“Anong gagawin natin?”
Isinuot ko ang hawak na itim na sunglasses at inilagay sa ulo ang hood ng jacket na suot ko kahit na may sumbrero pa doon. “Kikilos lang tayo ng normal.” Mabuti na ang ganito. Ayaw ko din namang makalikha ng kung anong gulo.
“Sigurado akong maraming magkakainteres sa atin niyan.” Sabi ni Eli.
“Bago pa nila tayo maisumbong ay napaslang ko na sila. Tara na.”
Pinangunahan ko na ang paglabas sa pinagkukublihan. Nakasunod naman sa akin ang kasama ko. Wala naman masyadong tumitingin sa amin. Para lang kaming mga payak na mamamayan. Nagpatuloy kami sa pagkilos ng normal.
Nagulat ako ng basta na lamang humarang si Eli sa isang kotseng paparating. Buti na lamang at agad na nakapag-preno ang kung sino mang sakay niyon. Anong ang trip ng isang 'to? Bumaba ang nagpapatakbo niyon. Isang lalaki.
“Ano ba?!” Pasigaw nitong sabi habang nakatingin kay Eli. “Magpapakamatay ka ba?!”
Hinawakan ni Eli ang balikat nito. “Tumahimik ka. Ayoko ng maingay.”
Ganoon nga ang ginawa nito. Para itong nahipnotismo.
“Ano ang ginawagaw mo?” Tanong ko dito.
Ngumti lang siya. Ginamitan ba nito ng kapangyarihan ang lalaki?
“Hihiramin lang sana namin amg sasakyan mo. Pwede ba?”
Tumango ang kawawang estranghero.
“Great.” Binalingan ako ni Eli. “Let's go.”
Napailing na lang ako. Sabay kaming sumakay sa sasakyan. Si Eli na nasa manibela. Pinaandar niya agad iyon at naiwan sa gitna ng kalsada ang lalaki habang nakatulala pa din.
Hinubad ko ang salamit at ibinaba ang hood. “Akala ko kung ano na ang gagawin mo. Sabihan mo naman ako sa susunod para naman alam ko.” Birong-totoong sabi ko dito.
Humalakhak pa ito. “Pasensiya na.”
Katahimikan. Tumingin ako sa labas habang minamanaheho nito ang sasakyan. Muntik ng mawala sa isipan ko. Nandito nga pala kami sa Allegiant, ang pinakamahirap na nasyon sa buong Athens. Ito din ang lugar na kinalakihan ni Eli. Napatingin ako sa kanya. Mukhang ayos naman ito. Pakanta-kanta pa ng kung ano. Naisip ko kasi baka nagsibalikan sa kanya ang mga alaala noong nadito pa siya at buhay pa ang kanyang mga magulang. Pero malay ko ba, hindi ba? Baka hindi lang nito nais ipatika ang kung ano mang nararamdan niya sa muling pagtuntong sa lugar na 'to.
Pinagmasdan ko ang paligid. Hindi talaga maipagkakailang nandito kami sa Allegiant. Kaunti lang ang magagarang sasakyang makikita dito. Karamihan pa doon ay pagmamay-ari ng ibang negosyanteng galing sa kung saang mayayamang nasyon. Isang papel ang nakita ko dito sa loob. Logo pa ng Divergent ang nakalagay doon. Baka taga doon din ang may-ari nitong sasakyan. Sa labas ay nagkalat ang mga basura, mga batang nakahubad habang namamalimos, mga nagchi-chismisang mga nanay, mga nag-iinom, mga nagtitinda.
“Halos walang ipinagka-iba ang lugar na ito sa Insurgent.” Sabi ko.
“Doon ka dati nakatira, hindi ba?” Tanong ni Eli habang nasa binabagtas na daan ang atensiyon.
“Oo, doon nga.” Sa kagubatan nga lang. Hindi alam ng mga ito ang bagay na iyon. Hindi ko sinabi sa kanila. Baka kung anong isipin pa ng mga ito. Si Tres lang ang nakakalam at ang mga kumuha sa akin noon, syempre. Malayo sa sibilisasyon, malayo sa gulo. Hindi ko nga lubos maisip na mararansan ko ang ganitong sitwasyon ngayon sa buhay ko. Magkagayon pa man ay wala naman akong nararamdamang pagsisisi sa lahat ng nangyari.
Bigla ko na namang naalala ang kaibigan ko. Haaaaay. Nami-miss ko na ito. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ko siya napanaginipan kagabi at doon ay parang buhay na buhay siya. Hindi malinaw. Pero parang sumisigaw ito. Hindi ko din maintindihan ang binabanggit niya. Ano kaya ang ibig sabihin niyon? Baka dala lang ng napapadalas na pag-alala ko sa kanya.
Muli kong ibinaling ang pansin sa labas. Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito. Sa lugar na din kasi ako na ito nagbabagsak dati ng mga nahuling hayop sa kagubatan. Pagkakatanda ko'y may pwesto din sa palengke sila Eli. Gusto ko mang magtanong tungkol doon ay hindi ko ginawa dahil baka may maalala pa ito. Ayokong masira ang maaliwalas niyang mukha. Parang good mood pa man din ito. Itinuturing na din halos na hindi parte ng Athens ang Allegiant. Masyadong mababa ang ekonomiyang umiikot dito. Ang ibig lamang sabibin ay walang nakukuhang malaking salapi ang gobyerno sa Allegiant. Wala silang nakukuha kaya wala din silang balak paasensohin o pagyamanin man lang. Baka sa paglaon ng panahon ay maging ganoon na din ang sistema sa Insurgent
Ang lahat ng nakatira dito ay namumuhay sa kahirapan, sila ang gumagawa ng mga trabahong minamata ng mga mayayaman. Hindi ba naiisip ng mga ito na kung wala sila ay hindi din uunlad ang buong bayan na ito? Hindi siguro. Salapi at kapangyarihan na ang labanan dito. Kapag mayroon ka ng dalawang 'yan idagdag pa ang koneksiyon paniguradong isa ka sa mga tinitingala.
Malapit na kami sa main road ng matanaw ang isang malaking sasakyan na may nakalagay na logo ng Abnegation. Mukhang namimigay na naman ang mga ito ng libreng pagkain at mga kagamitang magagamit sa pang-araw-araw. Sa limang mayayamang nasyon ay ang grupo lamang na iyan ang nagpapakita ng malasakit sa mahihirap. Matagal na nilang ginagawa 'yan. Sana ay pagpalain pa ang mga ito.
Naputol ang malalim na pag-iisip ko ng biglang tumigil ang sasakyan. “Bakit tayo huminto?” Tanong ko kay Eli. “Nasiraan ba tayo?”
Imbes na sagutin ay may inginuso lang siya sa labas. Tumingin ako doon. Shit. May check point pala para sa lahat ng lumalabas sa Allegiant. Maraming armadong lalaki ang nagkalat sa paligid. Buti na lamang at tinted ang salamin ng sasakyan na ito. Hindi dapat kami makilala nino man.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasi"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...