Lavinia's POV
“Good Morning.” Bati agad sa akin ni Eli paglabas ko ng silid. “Kain na tayo.” Nakapaghanda na ang mga ito ng pagkain.
Umupo na ako doon. “Thanks. Good Morning din.” Napatingin ako sa orasan. Alas-nuwebe na pala. Tanghali na ako magising. Hindi ko man lang namalayan na kumikilos na ang mga ito. “Nasaan si Lily?” Tanong ko ng mapansin sa wala sa upuan nito ang babaeng baliw. Nandito na din si King. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito. Bahala na. Basta't huwag niya lang ibi-bring up ang kung ano mang nakita niya kagabi. Ayoko ng maalala pa iyon. Ayoko din ng issue.
May kumatok sa pinto.
“Speaking of the witch.” Tumayo si Eli at binuksan iyon. Si Lily. May dalang lechon na biik.
“What the hell. Hindi mo man lang binalutan 'yan? Baka ilang alikabok na ang dumapo diyan.” Sabi sa kanya ni King.
Inilagay ng babaeng baliw ang dala sa gitna ng lamesa. “Choosy ka pa? Lamang tiyan din 'yang alikabok. Ayaw mo 'non, may flavor. Ikaw pa ang dakilang reklamador ngayon, ha? Saling-pusa ka lang naman dito. Alam mo King, hindi ako marunong bumuo ng rubics cube.”
“Ano ang konek 'non?” Si Nate. Kalalabas lang ng banyo. Katatapos lang 'ata maligo. Basa pa ang buhok nito.
Agad na nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Peste. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tatahimik na lang ako. Less talk, less mistake. May paganyan-ganyan ka ngayon, Lavinia. Hindi ka nga nag-isip ng mabuti. Kung sana ay pinagana mo 'yang utak mo kagabi edi wala kang problema ngayon. Baliw ka kasi.
“Oo. Hindi ko talaga kayang buuin 'yon pero atleast kaya ko naman 'yong ibato sayo. King inang 'to.”
Umupo na kaming lahat sa hapagkainan. Buti na lamang at katabi ko si Eli. Nasa harap ko naman si Lily na katabi si Nate. Ganito na talaga ang set-up namin simula noong nanalo kami. Mabuti na din. Ayokong makatabi o makausap man lang si Nate. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa kanya. Sana ay kalimutan na nito ang kung ano mang nangyari kagabi. Sobrang nakakahiya. Kung bakit ba naman kasi nagpaubaya lang ako. Hindi man lang ako tumutol. Pesteng buhay naman to, oh. Peste talaga. Si King naman ay nasa tabi ni Lily. Napagigitnaan siya ng dalawang lalaki.
“Ako na ang magli-lead ng prayer dahil sa ating lima ay ako naman ang pinaka-banal dahil lahat kayo ay mga anak ng demonyo.” Sabi ni Lily.
Ngayon na lang ulit kami magkakasabay na kakain.
“Lord, Panginoon, Bathala Ng Sanlibutan nais po naming magpasalamat sa mga pagkaing nakahain ngayon sa aming harap at sa isang bagong umaga na naman na ipinagkaloob Mo sa amin.” Panimula ni Lily. “Gusto ko pa sanang ipanalangin ang kaluluwa ni King. Kung mamarapatin Mo po ay pwede na siyang kuhanin. Alam ko pong nahihirapan na siya sa mundong ito.”
“Kung gusto mo ikaw na lang.” -Lily.
“Ganoon din po si Eli. Sana po ay magkaroon na siya ng lakas ng loob na aminin sa akin na matagal na niya akong pinagnanasaan.”
“Kadiri.” Mahinang sabi ni Eli sa tabi ko.
“Pati na din po si Natoy.”
Natoy? Si Nate. Hayyyy naaaaakooo.
“Sana po ay bigyan Mo din siya ng ibayong lakas ng loob para anakan ako ng sampu at si Lavinia naman ay----”
“Amen.” Putol ko sa walang ka-kwenta-kwentang pinagsasasabi nito.
“Ang bastos naman ng babaeng 'to.”
“Correction. Ang bastos, nakahubad.” Sabi ni Eli at nagsimulang uminom ng kape.
Ang nasa tabing salad lang ang iniligay ko sa pinggan. Wala ako sa mood magkanin ngayon. Nagdaldalan na ang mga ito sa pangunguna ni Lily.
“King, may tanong ako.”
“Ano na naman?”
“Mahalaga ba sa inyong mga lalaki na malaki ang hinaharap ng isang babae?”
Muntik na nitong maibuga ang kaning nasa bibig. Uminom siya ng juice. “Ano bang klaseng tanong iyan?”
“Ano bang inaasahan mo diyan?” Singit ni Eli na ang lechon naman ang nilantakan. Ang malaking ulo niyon ay nasa pinggan na ng babaeng baliw. Jusko. Hindi kaya ito ma-highblood? Kinakain niya ngayon ang mata niyon na para bang iyon na ang pinakamasarap ng pagkain na natikman niya sa kanyang buong buhay.
“Sagutin mo na lang, King Ina.”
“Siguro. Pero plus factor lang naman 'yon para sa aming mga lalaki.” Talagang pinatulan nito ang tanong ni Lily.
“King dede lang pala ang gusto ninyo sa mga babae, magjowa na lang kayo ng baboy. Eighteen ang dede 'nun.”
“Ayan na siya, oh. Kinakain mo.” Sabi naman ni Eli.
“Huwag kang umeksena. Hindi naman ikaw ang kinakausap ko, negrong 'to.”
Natigil lamang ang pag-uusap nila ng biglang bumuhos ang ulan. Kitang-kita iyon salamin na siyang nagsisilbing dingding sa labas. Palakas iyon ng palakas.
“May bagyo ba?” Tanong ni King.
“Bakit sa amin mo itinatanong? Tanong mo sa PAG-ASA.” Sabi ni Lily.
Tinapos ko na ang pagkain at nagpunta sa veranda. Nagsisimula ng dumilim. Napakalakas din ng bawat hampas ng hangin na animo'y bubuo iyon ng isang buhawi.
“Pag-asa? Hope?”
Nasundan pa iyon ng dumadagundong na mga kulog at nakakabinging mga kidlat na nagsasayaw sa kalangitan.
“Parang may delubyong paparating.”
Hindi ko na namalayan ang pagtabi sa akin ni Nate. Lumayo ako sa kanya.
“Tungkol nga pala kaga---”
“Please, huwag mo ng ituloy ang sasabihin mo.” Putol ko sa kanya. “Mas mabuti sigurong kalimutan na lang natin iyon.”
Hindi na ito nagsalita pa. Hindi ko makita ang reaction niya dahil hindi ko kayang tumingin sa kanya. Pumagitna sa amin si Eli.
“Biglang sumama ang panahon. Nagagalit ang langit.” Sabi nito.
“Sing sama ng pagmumukha mo.” Singit ni Lily.
Binuksan ni King ang mga ilaw dahil unti-unti na ngang nangdidilim. Kung hindi ko alam na alas-nuwebe pa lang ng umaga ay iisipin kong hapon na at malapit ng gumabi. Ganoon kadilim. Walang makikita ni isa mas sa labas. Kung meron man ay mga empleyado ng security. Kahit ano ang mangyari ay dapat nilang seguraduhin ang kaligtasan ng buong lugar.
Nasa ganoon kaming posisyong lahat ng bumukas ang main door at pumasok doon si Third.
Dinuro ito ni Lily. “Sino ang nagbigay ng karapatan sayo na basta na lang pumasok sa pamamahay ko? Trespassing ka!”
“Bahay mo?” React nito. “Tigilan mo nga ako.”
“Anong klaseng hangin ang nagdala sa iyo dito?” Tanong ko sa kanya at lumapit dito.
“Hanging hindi ninyo gugustuhing malanghap. Ginagawa na ni Hellia ang seremonya.”
“And?” -Nate
“Malalaman na niya ang pamemekeng ginawa ko. Pero hindi iyon ang inaalala ko. Si Bella. Kailangan natin siyang iligtas. Pati na ang mga babaeng kinuha niya. Oras na malaman ni Hestia, ahhhmmm I mean ni Hellia ang ginawa ko ay panigurado akong sila ang pagbabalingan niya ng kanyang galit.”
Nagkatinginan kaming lahat. Hindi na maaring may magbuwis na naman ng buhay.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...