Niyaya ko si Eli na lumayo sa dalawang lalaki. Tiniyak kong sapat ang distansiya namin sa mga ito para hindi na nila madinig ang kung ano mang pag-uusapan namin.
“Ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat.” Sabi ko sa kasama.
Bumuntong-hininga ito. “Nakakatiyak akong nagsasabi ng totoo si Walker. Hindi ko lang alam kay Third. Hindi ko talaga magawang pasukin ang isip niya. Parang may kung anong nakaharang at pumipigil sa akin para makapasok. Maniniwala ba tayo sa mga sinabi niya?”
Tinignan ko ito. “Ang totoo niyan hindi ko din alam pero kung pagbabasehan ang lahat ng nangyari ay masasabi kong may ilan naman siyang nasabi na maari nating paniwalaan.”
“Hindi lahat?”
Tumango ako. “Maniniwala ka ba talaga na dahil sa kabutihang loob kaya niya inilaglag si Hellia at kumampi kay Charlie?”
“Isang malaking kalokohan.” Mahinang sabi ni Eli. “Nakipagkasundo siya kapalit ng isang mataas na posisyon sa palasyo. Tama si Walker. Ambisyoso siya. Imposibleng pakawalan pa niya ang oportunidad na 'yon.”
“Papakawalan niya iyon kung may mas malaking offer siyang makukuha.” Sabi ko. “Para lang 'yan trabaho. Saan ka ba naman pupunta kundi doon sa mas malaki ang sahod at mas makikinabang ka, hindi ba?”
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong nito.
“Maaring may mas malaking bagay na ipinangako si Charlie kay Third para bumaliktad siya sa reyna.” Saglit akong tumigil. “Maari ding matagal na silang magkakilala at planado na ang lahat ng ito. Hindi siya kasabwat ni Hellia o kung sino man. Sa palagay ko'y may iba pa siya motibo.”
“Sinasabi mo ba na huwag natin siyang pagkatiwalaan? Siya ang itinalaga ng The Pal na adviser ng The Four. Hindi natin siya pwedeng basta baliwalain o iwasan.”
“Hindi naman natin gagawin 'yon. Ang gusto ko lang ay mag-ingat tayo. Nagawa niyang mailihim ang tungkol kay Third at sa koneksiyon nito kay Hellia. Hindi tayo basta kung sino na lang na dapat pagtaguan ng mga ganitong kalaking bagay. Ayoko man siyang pagdudahan ay hindi ko magawa. Baka may sarili din siyang adhikan na hindi natin alam.”
“Anong plano?”
Tumingin ako sa kanya. “Simula ngayon ay sarili na lang natin ang dapat nating pagkatiwalaan. Hindi ko na matukoy kung sino nga ba talaga sa kanila ang totoong kaaway. Pero nais ko muna siguraduhin kung totoo nga ba ang sinabi ni Third. Gusto kong makausap ng harapan si Head Master.”
“Anong gagawin natin sa dalawa 'yon?” Inginuso nito ang mga lalaki sa likod.
“Ako na ang bahala sa kanila. Maari mo bang tawagin si Walker?”
“Sige.” Lumakad na ito. Saglit lang ay kasama na niya ang lalaki at naiwan namang mag-isa si Third sa dulo.
“Ibig sabihin ba nito ay pinapaniwalaan ninyo na ako at nagdududa naman kayo sa isang 'yon?” Sabi agad nito. Nilingon pa niyo ang naiwang lalaki. “Hindi ko kaya masisi.” Sabay ngumiti.
Unbelievable. Nakukuha pa nitong ngumiti sa ganitong sitwasyon. Tumikhim ako. “Lilinawin ko lang sayo. Hindi ibig sabihin na naniwala kami ay pinagkakatiwalaan ka na namin.”
Tumingin siya sa akin na hindi pa din inaalis ang ngiti sa labi. “Hindi ko naman nais pagkatiwalaan ninyo. Sapat na sa akin na maibalik natin sa ayos ang lahat dahil hindi ba't iyon ang katungkulan ko bilang isa sa mga prinsipe ng Athens? Huwag din sanang masyadong mataas ang tingin ninyo sa mga sarili ninyo dahil hindi ko din naman kayo pinagkakatiwalaan. Sadyang iisa lang ang kalaban natin dito.”
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...