Walker's POV
May paparating! Nagtago ako sa ilalim ng mahabang lamesa. Ano na kaya ang nangyayari sa ibaba?
“Mga inutil!”
Boses ni Hellia iyon. Mula dito sa ilalim ay nakita ko ang paglabas ng mahigit sa limang pares ng mga paa sa kanina'y pinasukan ng anim. Nasaan na ang mga ito? Itinago ko ang kapangyarihan. Hindi pa pwedeng malaman nito na batid ko na ang lihim niya.
“Paano tayo natakasan ng mga iyon?!” Muling sigaw ni Hellia habang nagpapalakad-lakad.
Nakahinga ako ng maluwag. Salamat at nakaalis sila ng ligtas. Nakuha kaya nila si Bella?
“Malakas sila, Kamahalan.” Sagot ng isang babae.
“Sumasagot ka pa!”
Isang malakas na galabog. Baka tumalsik sa kung saan ang babae. Nasagot ka pa kasi.
“Mga wala kayong kwenta! Kung patayin ko na lang kaya kayong lahat?!”
“Paumanhin, Kamahalan. Hindi na mauulit.” Sagot ng isang lalaki.
“Mga walang pakinabang!” Galit na sigaw niya. “Naisahan na naman tayo!”
“Nais ninyo bang sumugod kami sa The Pal?”
Dinig na dinig ko sa ilalim ng lamesang ito ang usapan nila.
“Hindi na kailangan.”
Boses iyon ni Palestine. Kalalabas niya lang. Bukod dito at sa lima ay may iba pang alagad si Hellia. Higit sampu na silang lahat na naririto. Dumadami na ang mga ito.
“Aking magaling na kanang kamay.” Sabi ni Hellia. “Paano ka naisahan ng mga bubwit na 'yon? Isa ka pang walang kwenta!”
“Hindi nila tayo tuluyang naisahan dahil ngayon ay may alas na tayong pang-hahawakan para makuha natin ang babaeng itinakda.”
Ano ang ibig sabihin nito?
Nagulat ako ng walang sabi-sabing bumagsak ang isang pamilyar na katawan sa sahig. Kitang-kita ko kung sino iyon. Ang babaeng baliw. Wala siyang malay at may malaking bukol sa noo na halatang hinampas ng matigas na bagay. Paano siya nakuha ng mga ito? Hindi ba't nakaalis na sila? Siya ang sinasabi nilang alas na magagamit nila sa The Four para makuha ang babaeng kailangan niya. Anong nangyari?
“May nararamdaman akong kakaiba, Kamahalan.” Sabi ng isang lalaki.
“Ako din.” Dagdag naman ng isang babae. “May iba pang nilalang ang naririto bukod sa atin.”
Shit. Ako ang tinutukoy ng mga ito. Bago pa nila ako makita ay naglaho na ako. Nais ko pa sanang makinig pero ayoko namang malagay sa alanganin ang buhay ng aking ama kapag nakita ako ni Hellia. Tiyak akong siya ang unang pupuntiryahin niya. Sapat na ang nalaman ko para maabisuhan ang The Four.
*******
Bella's POV
Iminulat ko ang aking mga mata. Eto na naman ako. Nagising na naman mula sa pagkakahimbing. Lagi na lang ganito ang nangyayari. Puting kisame ang bumungad sa akin. Oh, teka. Nasaan na naman ako? Ang naaalala ko ay pinatulog ako nung mangkukulam na 'yon. Pinakiramdaman ko ang sarili. Isang malambot na malambot ang kamang kinahihigaan ko. Himala. Malayong-malayo ito sa matigas na sahig na nakasanayan ko.
Pinagmasdan ko naman ang nasa paligid ko. May mga gamit na din dito. Isang mahabang malambot na upuan at lamesita na may basket pa ng sari-saring prutas. May natanaw pa akong aircon sa taas. Kaya pala malamig. May makukulay din na kurtinang nakatabing sa bawat haligi.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng nakaputi. May dala siyang kung ano. Maaliwalas ang mukha nito. Nginitian niya ako ng mapansing gising na.
“Sino ka?” Tanong ko sa kanya. Agad na bumalik sa aking isipan kung bakit ako nasa lugar na ito. Baka isa siya sa mga dumukot sa akin. Kasabwat siya. Ano ba ang nangyari at napunta ako dito? Nasaan na ang mga kasama kong babae doon? Yung mangkukulam? Yung matandang teleleng na kung ano-ano ang pinagsasasabi? Ritwal daw? Diyos ko po.
Inilagay niya sa lamesa ang dala. Pagkain pala iyon. Kumalam ang sikmura ko nang maamoy iyon. Ilang araw na ba akong walang kain? Kaya siguro lagi na lang akong hinihimatay.
“Kumain ka na muna.” Sabi niya sabay ngiti. “Alam kong nagugutom ka na. Huwag kang mag-alala. Hindi ako masama.”
“Weh?” Maniwala, tanga. Alam kong kasabwat ka nila. Sumandal ako sa kama. Nanghihina ako. Gustuhin ko mang tumakbo palabas at samantalahin ang pagkakataong ito ay hindi ko magawa. Pag-alis na lang siguro nito ako iisip ng paraan kung paano makakatakas sa lugar na ito. Kailangan kong mag-ipon ng lakas.
“Ligtas ka na. Wala ng mananakit sayo dito.” Sabi niya pa.
“Anong ligtas? Ibalik ninyo na ako sa amin. Doon ko masasabing ligtas na ako.” Sabi ko sa kanya. Hindi na bebenta 'yang mga ganyang ninyong padali. Makawala lang ako dito ay talagang isusuplong ko kayo sa mga pulis. At ang mangkukulam na 'yon, pari gali ng simbahan lamang ang makakapuksa sa kanya. Huwag lang talaga akong makakakuha ng pagkakataon at talagang magbabayad silang mga pangit sa ginawang ito sa akin.
Muli siyang ngumiti. “Pasensiya. Nasa mas nakatataas ang pagpapasya.” Iyon lang at lumabas na ito.
Nakatataas? Sa mangkukulam na feeling reyna? Nang tuluyan na itong makaalis ay tumayo ako. Nagpunta ako sa pinto. Naka-lock iyon sa labas. Kung talagang ligtas na ako ay bakit nakakulong pa din ako dito? Sinasabi ko na nga ba't nagsisinungaling siya. Hindi ko makita kung ano ang nasa labas dahil wala ni isang butas man lang o kahit bintana dito. Anong klaseng lugar na naman ito?
Naupo ako sa kama. Doon ko lang din napansin na iba na pala ang damit na suot ko. Isang magandang dress. Wow, ha? Ano na naman bang pakulo ito? Nandito ako sa isang komportableng higaan at may magandang damit. Huling araw ko na ba ito kaya nais nilang maranasan ko ang mga ito? Nakakainis talaga. Kailangan kong makaiisip ng paraan para makaalis dito. Pero paano?
Napatingin ako sa pagkain na dala ng babaeng iyon ng muling kumalam ang sikmura ko. Nilapitan ko iyon at sinuri. Tatlong luto ng ulam ang nandoon. Hindi ko alam kung anong luto iyon. Parang sosyal tignan, eh. Baka naman tao 'to? Baka mga cannibal sila? May kanin din. Strawberry juice at tubig. Kakainin ko ba ito? Pero hindi ako sigurado kung ano ang mga pagkain na 'yan. Pero baka naman kapag hindi ko pa nalamanan ang sikmura ko ay sa gutom pa ako unang mamatay. Kung nais ko talagang makatakas dito ay kailangan kong bumawi ng lakas. Kailangan kong kumain.
Kung balak nilang ibenta ang mga internal organs ko ay sigurado akong hindi nila ako lalasunin dahil kapag nagkataon ay malalason din ang mga bituka ko sa loob ng tiyan. So, wala itong lason. Baka karne ng tao? Hindi din naman siguro. Sinuri kong mabuti iyon. Parang karne ng baka, eh. Parang baboy din. Hindi naman sila mga mukhang cannibal. Saka kung cannibal sila ay pinaghahati na nila ang katawan ko tulad nung napapanood ko sa TV.
Punyeta. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip kong kababalaghan dahil sa gutom na ito. Bahala na. Nag-sign of the cross muna ako bago sumubo ng isang piraso ng karne. Lord, Kayo na po ang bahala sa akin at sa aking mga magulang kung sakaling ito na ang huling araw ko. Patawarin po Ninyo ako sa aking mga kasalanan. Dahan-dahan kong nginuya iyon sa aking bibig
.
.
.
.
.
.
Owwww shete. Ang sarap.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...