Eli's POV
Ika-apat na araw. Imbes na tumuloy kahapon ay nagpalipas na lang muna ako ng araw sa loob ng silid. Baka mamaya may makasalubong na naman akong kampon ni Hestia. Wala na ako sa mood makipagpatayan.
Nang maayos ang sarili ay lumabas na ako ng motel na iyon. Tumawag ako ng taxi at nagpahatid sa Tondo Market. Sana lamang ay nandoon pa ang babaeng kailangan namin. Doon na din siguro ako magsisimulang maghanap.
Isang oras bago ako nakarating sa pakay na lugar. Maraming tao. Maingay. Napakagulo ng paligid. Saang banda ko dito makikita ang babaeng 'yon? Ilang minuto pa lang akong naglalakad dito ng may mamataan akong isang pamilyar na nilalang habang kumakain ng kung ano at nakaupo sa may gilid kasama ang mga batang pulubi. Napangiti ako ng mapadako ang aking paningin sa kanyang mukha. Siya nga. Nagsimula akong maglakad patungo sa kanyang kinalalagyan.
**********
Lily's POV
“Ate, Ate, gising!”
Naiinis na nagmulat ako ng mga mata at bumangon dahil sa batang madungis na yumuyugyog sa balikat ko. Sinabunutan ko siya ng bahagya. “Ano ba 'yun? Ang aga mong mambulahaw, ha?” Dito na kasi ako natulog sa lansangan kasama nila kagabi malapit lang din dito sa palengke. Hindi naman pala ganoon kasama tulad ng iniisip ko. Malamig pa. Open air. Isang mahabang karton lang ay solve na ang gabi ko.
“May libreng pagkain po kasi.”
Nawala ang antok ko sa sinabi nito. Mabilis na tumayo ako. “Talaga? Saan ba 'yon?”
Nagpunta kami sa medyo looban ng palengke, sa may tabi ng mga nagtitinda ng almusal. May nagbibigay nga doon ng libreng pagkain para sa mga pulubi. Mahaba ng pila. Pagkain na ito kaya tatanggalin ko na ang hiya. Imbes na sa likod ay sa unahan ako sumingit. Sa may pinaka-una talaga.
“Hoy, bawal singit.” Sabi ng batang lalaking nasa likod ko na kamukha ng tatay ni Naruto.
Nilingon ko siya. “Excuse me. VIP ako kaya huwag kang ano diyan.” Binalingan ko naman ang nagsasandok ng pagkain. Lugaw at puto pala iyon. “Paki-lagyan naman ng manok.” Request ko. “Yung bahaging breast.”
“Pipiliin ko pa?” Sabi ng matandang nagbibigay.
“Ang demanding naman ng pulubing ito.” Sabi naman ng katabi niya.
Hindi ko na pinatulan ang mga ito. Baka hindi pa ako bigyan, eh. “Paki-lagyan din ng kamote. Tapos yung puto bakit tatlo lang? Pwede pakidagdagan ng isa para may pasobra dahil special ako?”
Wala ng nagawa ang mga ito kundi pagbigyan ang request ko dahil lalo lang kaming magtatagal kung hindi nila gagawin iyon. Bumalik ako sa pwesto ko at nagsimulang lumafang. Infairness, medyo masarap. Lasang betchin. Wala bang patis diyan? Kulang sa alat, eh. Saka kalamansi? Nagbigay pero kulang-kulang naman. Yung puto wala pang itlog na pula sa ibabaw. Very poor, ha? Wala pang panulak kahit man lang buko juice. Ang pinakamalala pa ay may buhok akong nakita sa lugaw na nakalutang. Kulot. Kadiri. Baka may kuto pa ito. Pero keri na siguro 'to. Malagyan lang ng laman ang sikmura ko. Wala na kasi akong pagkain, eh. Naubos na lahat ng kinuha ko sa mansion kahapon.
“Lily.”
Natigilan ako saglit ng madinig ang boses na iyon ay makita kung sino ang lalaking nasa harapan ko. Ohhhhhh maaaaaayyyyyy gaaaaaaadddddd. “Eliazaaaaaaaaarrrrrrrrrrrrr!” Malakas at mahabang sigaw ko na lumikha ng mahinang pagyanig. Akala tuloy ng iba ay lindol iyon.
“Ikaw ba talaga 'yan, Lily?” Tanong nito. “Pwede din bang huwag ka ng sumigaw? Baka hindi kayanin ng mundong ito ang boses mo.” Tumabi siya sa akin.
“Hindi. Anino ko lang 'to. Nauna lang.” Sagot ko sa kanya.
“Ikaw nga 'yan.” Niyakap niya ako.
Tinulak ko siya palayo sa akin. “Ayan, ha? Pinagsasamantalahan ang kahinaan ko.”
“Excuse me. Masaya lang akong nakita kita. Ilang ulit ko bang ipapaintindi sayo na hindi kita type? Finally, may makakasama na ako. Saka bakit parang iba na ang amoy mo?”
Inamoy ko ang sarili. “Anong amoy?”
“Amoy basura.”
Binato ko sa kanyang mukha ang puting plastic na baso ni pinaglagyan ng lugaw. “Ang kapal mong negro ka.” Pero masaya din ako. May makakasama na ako! Hindi na ako mag-iisa. Mukhang kami talaga ang itinadhan para sa isa't-isa. Niyakap ko din siya. “Na-miss kita.” Siya naman ang tumulak sa akin.
“Ikaw 'ata ang may balak pagsamantalahan ang pagkalalaki ko.”
Binato ko naman siya ng puto na kulay green. “Talaga ba? Binabae ka naman, eh.”
“Gusto mo lang halikan kita, eh.”
“Sige nga. Patikim ng labi mo. Laplapin mo ako ng malala.”
“Ay, nako, Lily. Hindi ikaw ang gusto kong mahalikan.”
“Hindi ako? Sino ang gusto mo?”
“Basta.”
“Si Lavinia, no?”
“Hindi, ah.”
“Edi si Nathan?”
“Mas lalong hindi! Ginagawa mo talaga akong bakla, ha? Huwag ka ng umasa na papatulan kita kahit ikaw na lang ang natitirang babae sa mundong ito. Baka magpakabakla na nga lang ako.” Kinuha niya ang ibinato ko. “Ano 'to? Saan mo naman nakuha 'to?”
“Mind your own business.” Sagot ko sa kanya.
“Sungit naman ng baliw na 'to. Kumusta ka na? Paano tayo nagkahiwa-hiwalay?”
Paano nga ba? Tinignan ko siya ng masama. “Kasalanan mo.”
“Bakit naman kasalanan ko?”
“Kung hindi ka sana mabagal magnakaw sa tindahan na iyon ay hindi sana kita pupuntahan at hindi din sana mawawala sa paningin ko dalawang bakla na 'yon.”
“Hindi ako nagnanakaw. Nanghihingi lang ako.”
“Ay, nako. Huwag ka ng magmalinis. Pareho lang 'yon.”
“Pero teka. Bakit mo naman ako sinundan?”
“Inutusan kasi ako ni Lavina. Utusera kasi ang babaeng 'yon. Bakit hindi pa siya ang gumawa? Maka-utos, wagas. Tignan ko daw kung ano pang ginagawa mo sa tindahan at mukhang balak mo na daw tumira doon.”
“Kumukuha lang ako ng madaming pagka-----”
Sinampal ko ang kanyang bibig. “Don't interrupt me when I'm taking. Tapos may namalimos sa akin then pagtingin ko sayo ay nawala ka na 'don.”
Sandaling nag-isip ito. “Baka iyon 'yung time na nag banyo ako.”
“Bumalik ako sa pwesto pero maging sila Lavina at Nathan ay wala na 'don. Ang sabi 'nung babaeng may putok na nakamamatay ay naghabulan daw sa overpass.”
“Naghabulan?”
“Oo. Akala siguro nasa isang romantic movie sila. Binalak ko silang sundan hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako napunta at hindi ko na din alam ang daan pabalik sa pwesto natin.”
“Kaya pala nawala na lang kayo. Ang tagal kong naghintay doon. Inabot na ako ng gabi.”
“So, sino ang may kasalanan. Hindi ba, ikaw?”
“Bakit ako? Kasalan 'to nung batang namalimos sa'yo. Kung hindi sana siya humarang ay mapupuntahan mo sana agad ako at hindi mawawala sa paningin mo sila Lavinia at Nate.”
“Wow, ha? Nanisi ka pa. Ang galing talaga. Manang-mana ka sa pinagmanahan mo.”
“Sabi ko na nga ba't sayo galing ang sigaw na 'yon.”
Sabay kaming dalawang napataas ng tingin sa lalaking nakatayo at bigla na lamang dumating at nagsalita sa harap namin.
Ohhhhh maaaaaayyyy gulayyyyyyyyy... Isang kangaroo.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...