Kabanata 07 : Pagkahiwahiwalay

114 15 0
                                    

Lavinia's POV

Nang makatawid ay lumusot ako sa isang eskinitang pinasukan ng magnanakaw. Walang silbi ang mga pulis na nakita ko kanina. Hindi man lang nila naharang ang lalaking 'yan. Ni hindi nga din 'ata nila ako napansin.

Ilang makikipot pang eskinita ang nilusutan namin hanggang sa na-korner ko na ito. Wala na siyang lulusutan dahil isang mataas na pader na ang nasa harapan niya ngayon.

Nginitian ko ito. “Ibigay mo na sa akin ang bag at papabayaan kitang makaalis ng matiwasay.” Sabi ko sa kanya.

Imbes na sumagot ay naglabas siya ng isang punyal. Akala ba niya ay matatakot ako sa bagay na iyon? Lumusob siya patungo sa akin. Nang malapit na ito ay tumalon ako ng mataaas at pinagkalooban siya ng isang tumataginting na sipa. Walang malay na tumumba ito. Peste. Pinagod mo pa ako. Kinuha ko sa kanya ang bag at lumabas sa makipot na eskinita. Kailangang maibalik ko ito sa totoong may-ari.

Paglabas ko sinalubong ulit ako ng magulong siyudad. Pero teka? Saan ba ang pabalik sa pwesto namin kanina? Bwiset. Hindi ko na matandaan ang pinanggalingan ko kanina. Kaysa tumayo na lang sa isang tabi ay nagsimula akong maglakad na hindi tiyak ang patutunguhan. Hinanap ko ang mga establishment na natatandaan ko kanina pero lahat na iyon ay hindi ko makita. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang hindi ko na namalayan na isang oras na ang lumipas.

Dalawang oras....

Tatlong oras....

Limang oras....

Shit. Hindi pwede ito. Inabot na ako ng gabi sa paglalakad. Puno na ako ng pawis. Wala akong balak tumigil hangga't hindi ko nakikita ang mga kasama ko. Ilang oras na akong lakad ng lakad.

“Excuse me, Miss.” Hinarang ko ang isang babaeng nakasalubong ko. “Anong oras na?”

“10pm.” Umalis na ito.

Alas-diyes na ng gabi. Ang ibig sabihin ay halos limang oras na akong naglalakad! Peste. Peste. Peste talaga. Nasaan na ako?

Pinasya kong magtago sa isang malaking poste. Sinigurado ko munang walang ibang makakakita sa akin bago ako naglabas ng apoy sa aking kamay. “Matutulungan mo ba akong hanapin ang aking mga kasama?”

Ilang segundo na ang lumipas ay wala pa din akong nakuhang reaction mula dito. Itinikom ko ang kamay. Mukhang kahit ang aking kapangyarihan ay naninibago sa mundong ito. Bwiset.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hanggang sa...

“Thank you, Lord!”

Walang paglagyan ang tuwa ko ng makita ang lugar kung saan kami nag-aabang ng sasakyan kanina. Hindi ako maaring magkamali. Ito na 'yun! May mahabang over pass. May isang malaking school. Mga nagtitinda sa gilid. Napakaraming sasakyan. Tanaw ko din dito ang tindahang pinuntahan kanina ni Eli. Tiyak na nag-aalala na ang mga ito.

Mabilis akong nagtungo doon. Nanlumo ako ng hindi ko makita ang mga ito. Lumapit ako sa bandang tindahan. Nagsasarado na iyon. Nagtanong-tanong na ako sa mga naririto pero wala ni isa man sa kanila ang makapagturo kung nasaan man ang tatlo. Jusko. Ano 'tong nangyayari? Napahiwalay ba ako sa grupo? Saan sila nagpunta? Baka naman hinahanap din nila ako?

Nagpasya akong maupo sa isang bangkuang kahoy na naririto na natanaw ko. Gamit pa 'ata ito noong mga nagtitinda dito kanina. Hihintayin ko na lamang sila dito. Baka kung saan lang sila nagpunta. Muling lumipas ang isang oras.... Hanggang sa naging dalawang oras....

Nakaupo pa din ako dito. Sa tingin ko ala-una na ng madaling araw. Unti-unti ng nauubos ang mga pasahero. Pati ang mga sasakyan. Padalang na ng padalang ang mga nakikita kong naglalakad. Halos lahat ng mga establisyemento ay sarado na.

Tumayo ako. Tama na 'to. Hindi ko na kayang maghintay pa ng matagal. Inaantok na din ako. Gustuhin ko mang matulog ay hindi ko magawa. Hindi ako mapakali habang iniisip kung nasaan na ang mga kasama ko at kung ano ng nangyari sa kanila. Pero hindi dapat siguro ako mag-alala ng husto. May mga kapangyarihan sila at alam kong kaya nilang ipagtanggol ang kanila sarili sa oras man ng panganib. Mas malala pa ang naranasan namin sa Athens kumpara sa mundong ito.

Bigla akong may naalala. Oo nga pala. Habang naglalakbay sa pangatlong station ay napag-usapan namin kung anong gagawin naming hakbang kung sakaling magkahiwa-hiwalay kami sa mundo ng mga tao. First step, huwag na naming abalahin ang isa't-isa sa paghahanap dahil doon lamang masasayang ang oras namin. 2nd, stick to the plan. Hanapin ang babae sa loob ng limang araw. Mas maaga mas maganda. 3rd and last, magbalik sa Athens.

May kanya-kanya naman kaming susi. Tinignan ko ang bracelet. Hindi ka dapat mawala sa akin. Lahat ay makakabalik sa Athens sa pamamagitan nito. Limang araw. Iyon lamang ang palugit namin sa isa't-isa kung sakaling magkahiwa-hiwalay kami. Limang araw, magbabalik ang lahat sa Athens kung sakaling hindi namin makita ang isa't-isa. Limang araw para mahanap ang babae. Iyan ang palugit na ibinigay namin sa isa't-isa kung sakali mang magkahiwa-hiwalay kami... At mukhang nangyayari na 'yun ngayon. Sinisigurado kong makikita ko siya by hook or by crook. Hindi ko hahayaang masayang ang lahat ng pinaghirapan ko... pinaghirapan namin.

Sana ay ligtas ang mga kasama ko kung nasaan man sila. Hindi ko talaga inaasahan na mapapahiwalay ako sa kanila. Alam kong hindi mapapahamak ang mga ito hangga't magkakasama sila. Sa isiping iyon ay medyo nakahinga ako ng maluwag. Pero saan kaya nagpunta ang mga ito? Kanina pa ako naghihintay sa kanila pero ni anino ng mga ito ay wala akong nakita. Ayaw ko man pero parang nais kong sisihin ang sarili. Bakit kasi nakielam pa ako at hinabol ang magnanakaw na 'yun? Alangan namang tumunganga na lang ako eh may kakayahan naman akong turuan siya ng leksyon? Ngayon ay wala na din dito ang ginang na ninakawan. Saan ko naman dadalhin ang bag na ito? Haaaayy. Kamalasan nga naman, oh.

The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon