Lily's POVBwiset na negro na ito. Napakatagal bumili. Malapit na ako sa kanya ng isang batang pulubi ang humarang sa daraanan ko.
“Pengeng barya, ate.”
Kumuha ako ng take-out na pagkain sa aking bulsa mula sa kinainan namin kanina at ibinigay dito.
“Pasensiya na at 'yan lang ang nakayanan ko. Hindi pa kasi ako nakakapagpapalit ng mga pera ko. Sige na. Umalis ka na. Pagkatapos mong kumain isampal mo sa nanay mo yang karton at sabihin mo sa kanyang hindi ninyo kasalanang ipinananganak kayong mahirap pero kasalanan ninyo na kung mamatay kayong mahirap. Naiintindihan mo ba?”.
Tumango ito.
“Gora na.”
Tumakbo na siya palayo. Mukhang magtatawag pa ito ng mga kakosa. Kailangan na naming makaalis dito. Ayoko namang maubos ang mga pagkain ko, no?
Pagtingala ko ay hindi ko na nakita si Eli sa kinatatayuan nito kanina. Asan na ang negrong iyon? Punyeta. Nagsimula akong hanapin ito. Pero wala talaga. Ah, bahala siya.
Bumalik na ako sa pwesto namin. Maging si Lavinia at si Nathan ay hindi ko na makita. Sa dami ba namang mga taong nandito. Nasaan na ang mga vaklang 'yon?
“Girl, nakita mo ba yung mga kasama ko?” Tanong ko sa babaeng nandito din kanina pa.
“Ahhhhhhh..” Sabi nito ng matagal. “Tumakbo sila 'don.” Itinuro niya ang isang overpass. Sinundan ko lang ang daliri niya kung saan nakaturo, eh.
“Okay. Thank you.” Anong gagawin ng dalawang 'yun doon? Baka maglalampungan? Ewwww. Kadiri. Wala ng piniling lugar. Mga baboy. Mga balasubas. Pwede maki-join? Binalingan ko ulit ang babae. “By the way ang baho mo. Amoy-putok ka. Gumamit ka nga ng rexona. Vaklang 'to.” Iyon lang at lumayo na ako dito. Pupuntahan ko lang ang dalawang kumag na 'yon.
*******
Eli's POV
Aaahhhhhh. Yes. Success! Pinindot ko ang flash. Nawala ang pananakit ng tiyan ko. Buti na lamang at may restroom sa bus station na ito malapit sa tindahan na pinuntahan ko. Hindi ko na talaga kaya, eh. Pagkatapos ayusin ang sarili ay lumabas na ako.
Nasaan na ang mga 'yon? Wala na ang tatlo sa pwesto namin. Ganoon na ba ako katagal nawala? Ano? Iniwan nila ako? Kinalma ko ang sarili. Relax, Eli. Babalik din ang mga 'yon kung saan man sila napunta. Hihintayin ko na lang sila dito. Umupo ako sa isang tabi habang pinapanood ang mga dumadaang sasakyan at mga tao.
******
Nate's POV
Napakabilis kumilos ni Lavinia. Patuloy pa din ito sa pagtakbo. Tumawid ito papunta sa kabila. Ganoon din ang ginawa ko. Natigilan ako ng tatlong pulis ang nakita kong sumalubong sa akin.
“Yes?” Tanong ko sa mga ito.
“Hindi mo ba alam na bawal tumawid dito?”
Ah, talaga? Marahil hindi napansin ng mga ito si Lavinia kaya ako ang naharang nila.
“Isang libo ang bayad sa paglabag.”
Isang libo? “Wala akong pera.” Pwede bang paalisin na ako ng mga ito? Malapit ng mawala sa paningin ko si Lavinia.
“Kung 'ganon ay sa presinto ka na lamang magpaliwanag.” Hindi ko na napigilan ang isang posas na kumabit sa aking isang kamay.
What the? Pasensiya na pero wala akong mapagpipiliian. Wala ako sa panahong makipagdiskusyon sa inyo. Itinulak ko ang dalawang na nasa harap ko. Talsik ang mga ito sa basurahan. Sinipa ko naman ang isa na may hawak ng posas. Tumalipon ito.
“I'm sorry.” Paghingi ko ng tawad sa mga ito.
Tumakbo na ako habang nasa kamay ko pa din ang isang posas. Nakasunod naman ang mga ito. Hindi naman ako makakapayag na mahuli nila. Pero sh!t. Hindi ko na matanaw kung nasaan si Lavinia. Saan ito lumusot? Sinunod ko na lamang ang sinasabi ng instinct ko. Dumiretso na lamang ako ng takbo. Sana naman ay makita ko siya.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasi"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...