“Hanggang sa dumating na nga ang araw kung saan kailangan ng mamili ng aking ama na kanyang magiging kabiyak at susunod ng reyna.” Pagpapatuloy ng aking Ina.
Tahimik lamang ako. Gusto kong madinig ang lahat ng sinasabi nito
“Akala ng lahat ay si Armada ang pipiliin niya dahil simula pa pagkabata'y magkakilala na sila pero hindi iyon ng nangyari. Wala palang pagtingin ang aking ama sa kanya. Kung meron man ay bilang isang nakababatang kapatid. Kasabay niyon ang pagsiwalat ni Mikael na may iba na siyang babaeng itinatangi at kaibigan pa ni Armada na lalong nagpabigat ng kalooban niya. Dahil sa sama ng loob at natanggap na kabiguan ay lumisan si Armada sa bayang ito dala ang kanyang nasaktang puso.”
“Hindi na siya muling nagpakita pa?” Curious na tanong ko.
Umiling ito. “Diyan ka nagkakamali. Sa takdang-araw ng pag-iisang dibdib ni Mikael at ng kanyang sinisinta ay dumating si Armada. Doon lamang nalaman ng lahat na isa pa lang siyang itim na salamangkera.”
“Ayon sa librong nabasa ko'y matagal na silang wala.” Sabi ko. “Libong taon na ang nakakaraan.” Dating bahagi ng Athens ang mga itim na salamangkera. Ngunit dahil karamihan sa kanila ay pawang ginagamit lamang sa kasamaan ang kanilang mga kakayahan ay ipinag-utos ng konseho na patayin ang lahat ng uri ng mga ito. Naging bahagi na lamang sila ng kasaysayan magpasa-hanggang ngayon.
“Kinupkop lamang pala siya at daan-taon na din pala siyang nabubuhay dito. May kakayahan silang panatilihin ang kanilang anyo at hindi tumanda kung nanaisin nila.”
“Anong ginawa niya sa araw ng kasal?” Tanong ko. “Anong nangyari kay Armada?”
“Pagkatapos manggulo at patayin ang halos lahat ng panauhin sa kasal ay nagawa niyang makatakas at hindi na muling nagpakita pa. Mula noon ay hindi na siya muling nagparamdam pa at inisip ng lahat na namatay siyang mag-isa sa kabundukan, malayo sa lahat. Naging alamat na lamang siya sa marami at ginawang panakot sa mga bata. Pero hindi doon nagtatapos ang lahat. Isinumpa niya si Neryie, ang kaisa-isang minahal na babae ni Mikael, na magbubuntis ito ng kambal.”
“Kayo ang kambal na 'yon.”
Tumango ito.
Umiling ako. “Hindi ko pa din naiintindihan. This is unbelievable. Paano ninyo siya magiging kakambal kung kahit ni isang beses ay hindi ko pa siya nakikita? Bakit may pagpapanggap na nangyayari? Siya ba ang may pakana ng lahat ng ito?” Tinitigan ko ang Ina. “Bilang reyna ay ikaw dapat ang kauna-unahang nagtutuwid sa mga baluktot. Bakit pakiramdam ko'y hinayaan ninyo lamang ang lahat ng ito? Hindi ko na alam kung anong maiisip ko.”
Hinawakan niya ako sa aking kaliwang kamay. “Sana'y maunawaan mo ako. Nagsilang nga ng kambal si Neryie. Isa ako doon.” Saglit na tumigil ito. “Ang babaeng nakita mo kanina ay ang isa pa. Ang sumpa ay napunta sa kanya.”
Napatingin ako dito. “Anong sumpa?”
“Na habang-buhay siyang mabibilanggo sa palasyong ito.”
“What? Anong klaseng sumpa 'yan?” Hindi napigilang react ko. “Ngayon ko lamang siya nakita dito.”
“Hindi totoo 'yan. Matagal mo na siyang nakakasama dito.”
“Ano?”
Tumungo ito. Parang nag-aalangang magsalita.
“Sabihin ninyo na sa akin ang lahat kung ayaw ninyo akong magalit at ituring ko din kayong kaaway.” Walang emosyong sabi ko dito. Kailangan kong gawin iyon para malaman ang mga bagay na inililihim nito.
“Matagal na siyang nagpapanggap bilang ako.”
Walang halong pagbibiro sa boses nito. Ngayon ay napaisip ako. Iyon ba ang dahilan kung bakit parang paiba-iba ang ugaling napapansin ko dito at ilan pang bagay na kaduda-duda?
“Siya ba ang may dahilan ng pagkawala ng mga babae sa iba't-ibang nasyon? Siya ba ang nagpadala ng mga halimaw sa The Pal? Siya din ba ang nagpapatay sa mga magulang ni Eliazar? Sabihin ninyong mali ako.”
Matagal itong natahimik. Parang alam ko na ang isasagot nito.
Napalayo ako dito. “This is bullshit. Alam ninyo ang lahat ng mga kasamaang ginawa niya pero wala kayong ginawa?!” Hindi ko napigilang pagtaasan ito ng boses. Nagsimulang pumatak ang mga luha nito. “Ikaw ang reyna ng Athens at una mong tungkulin ang siguraduhing ligtas ang bawat isa sa mga nasasakupan mo.” Madiing paliwanag ko dito.
“Wala akong magawa.”
“Anong wala?!” Hindi makapaniwalang tanong ko. “Gaano na katagal siyang nagpapanggap na bilang ikaw?”
“Limang taon.”
Mas doon ako lalong nagulat. “Limang taon?!” Sasabog 'ata ako sa mga nadidinig ko. “Ang ibig sabihin ay sa loob ng limang taon na 'yon ay lagi namin siyang kasama, naming magkakapatid? Hindi ko maintindihan. Ikaw? Saan ka napupunta kapag nagpapanggap siya? Ipaintindi ninyo sa aking mabuting, Ina.”
“Simula pagsilang ay dala na niya ang sumpa. Dahil sa takot ay pinalabas ng amang hari at inang reyna na isa lamang ang kanilang anak at ako 'yun na normal lamang. Takot silang isipin ng lahat na baka nakuha ng aking kakambal ang pagiging isang itim na salamangkera ni Armada na itinuturing na sumpa sa bayang ito. Magkagayon pa man ay naging pantay ang pagmamahal na ibinibigay sa aming dalawa ng aming mga magulang. Lumaki akong nakakalabas at nakakapamuhay tulad ng ibang mga bata habang ang aking kambal naman ay nabubuhay lamang sa ilalim na bahagi ng palasyo na siyang isang lihim na lugar. Sinubukan namin siyang ipatingin sa mga eksperto pero sadyang walang lunas sa na makakaalis sa sumpa nito.”
“Anong ginawa ninyo sa mga tumingin sa kanya?”
“Pinaslang na silang lahat para hindi kumalat ang sikreto namin.” Diretsong sabi nito.
Hindi ako lubos na makapaniwala doon. Mukhang marami talagang lihim ang pamilyang ito. Aaminin kong hindi kami perpekto pero hindi naman kami pumapatay na basta na lamang at walang dahilan. O baka iyon lang talaga ang iniisip ko?
“Doon na siya na lumaki at nagkaisip na hindi nakakakita ng liwanag o ng kung sino man. Tanging ako lamang, ang aking ina at ang aking ama ang nakakasalamuha niya ng palihim. Matagal na panahong umikot sa ganoong sitwasyon ang buhay namin. Sa mata ng lahat ay tatlo lamang kami at ako ang nag-iisang tagapagmana pero kapag kami na lamang at wala ng nakatingin ay apat kami at isang buong masayang pamilya.”
Tahimik lamang ako. I want to know everything even the microscopic details.
“Kahit mahirap para sa amin iyon ay masaya pa din kami dahil mahal namin ang isa't-isa. Hindi kami pinapabayaan ng aming mga magulang sa kabila ng pagiging sobrang abala nila sa kanilang tungkulin sa buong Athens. Hanggang sa dumating na ang puntong napangasawa ko na ang inyong ama at namaalam na ang aming mga magulang. Bilang ako lang naman ang alam na anak ng mga ito ay ako na ang nagpatuloy ng pamumuno. Naging maayos naman ang lahat. Dumating ang panahon na isinilang ko na kayong tatlong magkakapatid. Wala pa ding nakakaalam ng aming lihim. Mas tumitibay ang samahan naming dalawang magkapatid sa paglipas ng mga taon. Hindi lang kami basta magkakambal. Magkaibigan kami at gagawin ang lahat para lamang maprotektahan ang bawat isa. Iyon ang akala ko. Isang malaking akala lang pala ang lahat. Hindi ko napansin na sa paglipas ng panahon na akala ko'y perperkto ang lahat pero nagkamali pala ako dahil matagal na pala siyang may pinaplanong hindi maganda at marami ng tumatakbo sa kanyang isipan na hindi kanais-nais.”
Padoble ng padoble ang pagkagulat ko habang nakikinig sa mga sinasabi nito. Gusto kong kastiguhin ang sarili. Bakit naging bulag ako at nagawa pa nilang maitago ito sa sobrang tagal na panahon? Bakit hindi ko nalaman ang lahat ng ito habang lumalaki ako? Bakit hindi ko binigyang pansin ang mga kakaibang nararamdaman ko? Fuck shit. Ano pa? Ano pa ba ang mga kailangan kong malaman?
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Фэнтези"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...