Lavinia's POV
“Naka-usap ko na si Charlie.”
Napatignin kaming dalawa ni Eli sa kanya ng sabihin niya iyon. Oo. Nagising na din ang kasama ko. Pero hinang-hinang pa din ito at talagang kailangang makabawi ng lakas.
“Anong balita?” Tanong ni Eli.
“Ayos lang ang lagay nila sa Head Quarters. Sigurado ako na ngayon pa lang ay may mga nagmamanman na doon na alagad ng palasyo at naghihintay sa inyong dalawa. Kapag tuluyan ng bumuti ang pakiramdam mo'y gabi tayo pupuslit. Mabuti na 'yong nag-iingat. Ayaw ninyo naman sigurong may isang madakip na naman sa inyo.”
“Kung ako lang iniintindi ninyo ay ayos na ako.” Sabi ulit ni Eli. “Gusto ko na ding bumalik sa HQ dahil hindi ko magamit ang kapangyarihan ko. Kailangan ko matanggal ang kung ano mang inilagay sa akin ni Hestia.”
“Kung 'ganon ay maghanda kayo dahil mamayang gabi ay isasagawa na natin ang ating plano.”
******
Bella's POV
Tumayo ako sa kama ng balikan ng ulirat. Ano bang nangyari? Ang naaalala ko lang ay nginitian ako nung naka-reyna costume at may liwanang siyang ibinato sa akin na siyang dahilan kaya ako nawalan ng malay. Ano ang liwanag na 'yon? Effect? Tumingin ako sa relo. Alas-nwebe na ng umaga! Ilang oras na akong naririto? O araw? Hindi ko alam. Ano ba 'tong ginawa sa akin ni Third? Naguguluhan na talaga ako. Baka naman ibinenta na niya ako sa sindikato? Ayaw ko mang mag-isip ng masama'y hindi ko magawa. Kung mali ang hinala ko ay nasaan ito? Sana'y nandito siya. Ngunit kahit buhok niya ay hindi ko makita. Bwiset naman, oh. Hindi na ako natutuwa.
Tinabig ko ang makapal na kurtina at tumingin sa labas. Ahhhhh. Gabi? Pero ang sabi dito sa relo ko ay alas-nwebe na ng umaga. Hindi naman ako sobrang tanga para hindi malaman kung paano ang tamang pagtingin sa orasan. Pero bakit gabi na sa labas? Baka naman sira na 'to? Sira pero naandar? Ay, bahala na. Pake ko ba sa oras? Ang gusto ko'y makaalis sa lugar na ito.
Malawak na karagatan pa din ang ang nakikita ko sa labas. Hindi ko na talaga mainitindihan. Nahihilo na ako sa kaiisip kung totoo ba ang mga nakikita ko. Mukhang totoong-totoo 'yun ay hindi lang special effect. Dinig ko pa nga dito ang malalakas na alon. Kita ko din na parang sobrang taas nitong kinalalagyan ko na mukhang isang kastilyo. Ano 'to? Ibinigay na ba ako ni Third sa puting van? Bwiset na lalaki 'yon. Masasakal ko talaga siya kapag nakita ko.
Marahil ay nag-aalala na ang mga magulang ko. Matatanggal na naman ako nito sa trabaho. Punyeta talaga. Hindi na tama 'to. Kailangan kong makaalis sa kung saang mang lugar na ito. Pero paano? Gaga. Edi bukasan mo yung pinto at hanapin ang exit. Oo nga 'no? Tanga lang?
Binukan ko ang pinto. Dahan-dahan akong naglakad ng makalabas. Wala na akong nakikitang kahit na sino dito. Baka tulog na ang mga tao. O sadyang busy lang sila sa ibang bihag at ngayon ay tinatanggal na ang kanilang mga internal organ at ibebenta sa black market? Ipinilig ko ang ulo. Sobrang lawak na ng imahinasyon ko. Pero hindi naman 'yon imposibleng mangyari, ah? Marami nang ganoong kalakaran ang nagkalat sa buong kamaynilaan.
Hanggang sa nadinig ako ng mga tinig na nag-uusap. Hindi ko alam pero imbes na tumakas na ay nagawa ko pang hanapin ang pinanggalingan niyon. Umandar na naman ang pagka-chismosa ko. Kagagawan 'to ng mga kapit-bahay namin. Nahawa na ako sa kanila.
Sa isang bukas na pinto ako dinala ng aking mga paa hindi kalayuan sa silid na nilabasan ko kanina. Doon nanggagaling ang mga tinig. Dahan-dahan akong sumilip. Pakiramdam ko isa akong special agent at may ire-resolve na kaso. Ibadeng. Malay ninyo, 'di ba? Isang malaking sindikato pala 'tong kumuha sa akin at kung saka-sakali ay ako ang makakahuli sa kanila. Paniguradong bibigyan ako ng award ni Mayor. Sisikat at mapapansin ako. Bubuhos ang sponsor at maipapagamot ko na din ang kapatid ko sa magandang ospital. Perfect.
“Kailan ka ba titigil sa mga ginagawa mong ito?”
Ano daw? Titigil? Saan? Baka may mga epektus na itinatago ang mga ito. Dalawang babae ang nakita ko. Nandoon yung nakita kong naka-reyna costume. May kasama din itong isa pang babae na halos kamukhang-kamukha niya din. Teka nga. Kambal ba ang mga ito? Parang ganoon na nga siguro. Mas hinusayan ko pa sa pakikinig.
*********
The Third Person POV
“Gusto mong malaman ang sagot?” Sabi niya sa akin. “Simple lang naman. Kapag naisakatuparan ko na ang lahat ng mga plano ko. Huwag kang mag-alala dahil malapit ng maganap iyon. Makakalaya na din kayo sa wakas. Hindi ba dapat maging masaya ka?”
“Paano ako magiging masaya kung may mga inosenteng buhay ang nadadamay?” Madiing sagot ko sa kanya.
“Kung ganoon ay wala kang mapagpipilian.” Nakangiting sagot pa niya. “Ako ang may hawak ng kapalaran ninyo kaya ako ang magdedesisyon kung sino ang mabubuhay at mamatay.” Tumingin siya sa akin at dinuro ako. “Pasalamat ka at kailangan pa kita. Maswerte ka. Ito ang tatandaan mo lahat ng magtatangkang maging tinik sa mga plano ko ay papaslangin ko. Naiintindihan mo ba?”
Napilitan akong tumango sa mga sinabi nito kahit labag na labag iyon sa kalooban ko. Pero ano bang magagawa ko? Sunod-sunodan ako sa mga sinasabi niya.
Sabay kaming napalingon sa pinto ng biglang may tunog na kung anong bagay na nabasag mula doon.
Tumingin siya sa akin ng masama. “Dito ka lang.” Naglakad siya papunta sa pintong nakabukas.
********
Bella's POV
Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng nasagi ko ang isang flower base sa aking tagiliran at nabasag iyon. Saan ako magtatago? Pero teka lang. Ano bang pinag-uusapan ng mga ito? Hindi ko sila masyadong maintindihan pero isa lang ang tiyak ako, mga masasama silang tao. Papatayin daw ang kung sino mang magiging tinik sa kanyang mga plano? Ano 'to, isda? Sino ba naman ang hindi matatakot doon kung patayan na ang pinag-uusapan? Hindi pa man ako nakakapag-isip ng gagawin ng isang kamay ang bigla na lamang tumakip sa aking bibig at pilit akong dinala sa isang silid. Diyos ko po, baka ako na ang susunod na tatanggalan ng lamang-loob. Iligtas po Ninyo ako. Mahal ko pa ang pamilya ko.
*********
The Third Person POV
Saglit lamang siya sa pintuan at binalikan na din ako. May dala na siyang isang itim na rosas.
“Pusa lang pala 'yon.” Ibinigay niya sa akin iyon. “'Yan na siya ngayon.”
Hindi na ako nagulat doon. Sobrang talagang makapangyarihan ito.
“Ganyan ang mangyayari sa mga kumakalaban sa akin.” Muli niyang kinuha sa akin ang itim na bulaklak at sinunog iyon sa kamay. Isinaboy niya sa akin ang abo. “I want to burn them alive.” Iyon lamang at lumabas na ito ng silid.
Nanghihinang napaupo ako sa isang sulok. Saan ba hahantong ang lahat ng ito? Wala akong magawa kundi ang manahimik na lamang para maprotektahan ang aking buong pamilya. Sana'y matapos din ang lahat ng ito.
*******
Note: Naguguluhan ba kayo? Abangan lamang ang mga susunod na kabanata para maliwanagan ang bawat isa.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...