"Anong gagawin natin?" Tanong ni Eli.
Nagsunod-sunod ang busina dahil sa paghinto namin. Galing iyon sa mga sasakyang nasa likod namin. Walang nagawa ang kasama ko kundi ang paandarin ang kotse. Tatlong armadong lalaki ang humarang sa amin. Isa ang lumapit sa bintana ng sasakyan at kinatok iyon.
"Maghanda ka." Sabi ko kay Eli at isinuot sunglasses. Sana'y walang makakilala sa amin.
Binaba na nga ni Eli ang bintana ng sasakyan. Sa kanya nakatapat ang lalaki.
"May problema ba?" Nakuha pang itanong ng kasama ko.
"Nais lamang maghigpit ng palasyo ng seguridad. Alam ninyo naman siguro na may mga takas sa batas na pinaghahahanap ngayon."
Napalunok ako ng marinig iyon.
"Sa'yo ba ang sasakyan na ito?" Tanong naman ng lalaki kay Eli.
"Ahhhhh. Oo." Sagot ng kasama ko. Alangan namang sabihing namin nakaw ito.
Nagpunta ang lalaki sa likod ng kotse na parang may tinitignan doon. Ilang segundo ay bumalik na din siya. Akala ko ay tapos na pero may hihingiin pa pala ito.
"Ikaw si Anton Villafuente?" Tanong ng lalaki kay Eli.
"Huh?"
Tinignan nito ang hawak na tablet. "Ayon dito ay isang Anton Villafuente ang nagmamay-ari ng sasakyang may numerong 62939592560 na siyang nakita ko sa likod ng kotse. Hindi ba't ikaw 'yon? Your ID, please."
Nagkatinginan kami ni Eli. Patay na.
"Actually, hindi talaga sa kanya ang sasakyan na 'to." Mabilis na sagot ko. Tumingin ako sa lalaki. "Sa kapatid niya 'to. Kay Anton." Patawarin kami ng lalaking iyon.
"Naglolokohan na 'ata tayo dito." Sagot nito.
Parang mas pinalala ko pa yata ang sitwasyon.
"Pamilyar sa akin ang boses mo." Sabi niya pa. Tinitigan niya ako ng maigi at ang kasama ko. "Lavinia?"
Peste. May nakakilala na agad sa amin.
"Hindi ko kilala ang tinutukoy mo." Pagkakaila ko.
"Hindi ninyo ako maloloko." Nagulat ako ng mabilis na tanggalin nito ang sumbrero ni Eli at ang salamin din na suot nito. "Sinasabi ko na nga ba!" Hinawakan nito sa braso ang kasama ko. "Hindi na kayo makakawala."
Hinawakan din ni Eli ang braso nito. "Talaga? Sige. Tignan natin."
"Men, may problema ba?" Tanong naman ng isang lalaking nakatayo hindi nalalayo sa aming sasakyan.
"Walang problema." Sabi ni Eli sa lalaking natulala na lang basta. "Padaanin ninyo kami."
"Clear!" Imbes ay sigaw nito.
Sinarado na ni Eli ang bintana. Nawala na ang laser na nakaharang. Matagumpay na nakadating kami sa main road at nalagpasan ang check point. Mabilis na pinaandar niya ang sasakyan palayo.
Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "Kinabahan ako 'dun, ah. Muntik na tayo." Sabi nito.
"Thanks to you." Sabi ko.
May isang oras bago namin narating ang The Pal. Ito lamang ang nag-iisang organisayon na hindi saklaw ng palasyo kaya hindi nila ito basta-basta mapapasok. Walang kapangyarihan ang gobyerno o kung sino mang halang ang kaluluwa sa loob ng grupo. Sana lamang ay hindi masilaw sa kapangyarihan ang presidente nito o o matakot man lang. Pare-pareho lamang ang aming mga prinsipyo at ipinaglalaban. Sa labas ay nagkalat ang mga estrangherong mukha na alam kong padala ni Hellia para magmanman sa amin. Imbes sa harap ay sa likod kami dumaan. Iniwan namin sa labas ang sasakyan. Ang mga tauhan na ang bahalang magbalik niyon sa totoong may-ari.
"Maligayang pagbabalik, Lavinia at Eliazar." Sabi ni Peter pagpasok namin sa malaking gate. Siya ang head ng security dito sa buong lugar.
"Siguraduhin mong walang espiya ang makakapasok dito." Sabi ko sa kanya. "Maliwanang ba?"
"Maliwanag." Sagot nito.
"Good."
Iginiya kami ni Eli sa isang kotseng naghahantay doon hanggang sa makarating kami sa Head Quarters.
"Parang kay tagal nating nawala." Saad ni Eli.
Pagpasok pa lang sa unang palapag ay sinalubong na kami nila Charlie, Third, Lily, King at Nate.
"Ohhhhh maaaaayyyyyy gaaaaaaaaddddd." Mahabang sabi ni Lily. "Mga vaklaaaaaaaa!!!!! " Sigaw niya pa. Nilapitan niya ako at niyakap pagkatapos ay si Eli. "Ang babantot ninyo, ha?"
"Sinabi ba naming yakapin mo kami?" Sabi sa kanya ni Eli.
"Lavinia."
"Oh, ano 'yun?"
"Hindi bale nang maliit ang boobs mo, bumawi ka naman sa noo."
"Nagsisimula ka naman." Saway sa kanya ni King. "Nakita ninyo na ba ang sitwasyon sa labas?" Tanong niya sa amin.
Tumango si Eli. "Talagang nais nilang madakip kami. Nagkalat ang checkpoint bago kami nakadating dito."
"Kaya nararapat lamang ang ibayong pag-iingat." Sabi ni Charlie.
Lumapit sa akin si Nate at niyakap ako. "I miss you." Bulong niya sa akin.
Gumanti na lang din ako ng yakap.
"Oh, ano? Magmo-moment na lang kayo diyan?" Hinila ni Lily si Nate. "Tama na 'yan. Yelo ka ba Nathan?"
"Bakit?"
"Ang sarap mong ihampas sa noo ni Lavinia."
"Tama na 'yan." Singit ni Head Master. "Umakyat na tayo sa taas. Ngayong buo na kayo ay marami tayong pag-uusapan."
"Talagang marami." Sabi ko sa kanya.
Nagkatininan ito at si Third. Sigurado naman akong may nabanggit na sa kanya ang kanyang kanang kamay tungkol sa nangyari kagabi. Maghanda ito dahil marami siyang dapat ipaliwanag.
Dumiretso na kami sa opisina ni Charlie. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Doon ay sinabi ko sa kanilang lahat ang mga natuklasan ko.
"Ang ibig sabihin ay ang kambal ni Hestia na si Hellia ang may pakana ng lahat na ito?" Tanong ni King.
"Mismo." Sagot sa kanya ni Eli.
"Buhay din ang Hari at may kakambal pala si Hestia. I can't believe this." Sabi naman ni Nate. "Ang higit sa lahat ay kung paano nila ito naitago sa matagal na panahon."
"Hindi na importante 'yon." Sabi ko sa kanya. "Ang mahalaga ay malaman natin kung paano siya mapapabagsak."
"Kung may lahi nga talaga siyang itim na salamangkera ay hindi ito magiging ganoon kadali tulad ng inaasahan natin." -King.
"Hindi naman natin kailangan ng madali." Sabi ko. "Sigurado akong may kahinaan din ang isang 'yon at iyon ang kailangang nating matuklasan. Doon natin siya higit na pupuruhan."
"Third, sawa ka na ba sa mga pangyayaring ito?" Tanong ni Lily sa lalaking nakatayo malapit sa ref.
"Bakit ako ang pinuntirya mo ngayon? Hindi tayo close."
"Sumagot ka na lang."
Humalukipkip ito. "Bakit?"
"Sabihin mo lang at dadalhin na kita sa zoo."
"Zoosuntukin na kita kapag hindi ka pa tumigil." Banta ko sa kanya. Bwiset talaga babaeng ito. Seryoso ang usapan pero hinahaluan ng biro. Jusko talaga.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...