Lavinia's POV
Sa isang gubat kami dinala ni Third. Teleportation ang ginawa nito. Agad kaming nawala sa arena at dito nga napadpad. Sobrang tahimik sa paligid. Malalaki ang mga puno kaya naman hindi tumatagos dito ang liwanag na nagmumula sa araw. Masukal din.
“Ano ang lugar na ito?” Tanong ko sa kanya matapos ilibot ang paningin. Iniupo ko si Eli at hinayaang sumandal ito sa malapad na puno.
“Nandito tayo sa dulong bahagi ng Allegiant.”
Ito din ang lugar ni Eli. Malayo na nga ito sa Diverget.
“Huwag kang mag-alala dahil hindi na tayo masusundan dito.”
“Isa ba ito sa mga kapangyarihan mo?” Tanong ko sa kanya.
Tumango ito.
Nilapitan ko si Eli at hinawakan ang braso nito. Tuluyan na itong napapikit at nawalan ng malay. Oh, no. “Maiinit siya.” Sabi ko. Inilapat ko din ang aking kamay sa kanyang noo. Maging iyon ay nakakapaso. “Mukhang kinukumbulsiyon na siya dahil sa kanyang mga natamong sugat.” Tumayo ako at tinignan si Third. “Hahanap ako ng halamang gamot na maaring ipanglunas sa kanya.”
Hahakbang pa lang ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Si Eli. May malay pala ito. Nanatili siyang nakapikit. “Huwag kang umalis.”
Nagkatinginan kami ni Third.
Bumuntong-hininga ito. "Ako na ang hahanap ng gamot.”
Hindi pa siya nakakalayo ng tawagin ko siya. “Third.”
“Yes?” Hindi ito lumingon.
Sandaling katahimikan.
.
.
.
..
.
.
.
.
“Salamat sa tulong mo.”Nadinig ko ang mahinang pagtawa niya. “Huwag kang magpasalamat. Maniningil ako kapag dumating na ang tamang panahon.”
“Makakasa ka.” Imbes ay sagot ko. Naglakad na ito palayo hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
Tinabihan ko ang sugatan na si Eli. Kapit pa rin niya ang kamay ko. Hindi na akong nagtangkang bawiin iyon dahil baka iyon ang kailangan niya, ang maramdaman niyang may kasama siya at hindi siya nag-iisa.
“Magiging okay din ang lahat.” Sabi ko sa kanya makalipas ang ilang minuto. Kita ko ang dahan-dahan nitong paghinga tanda na nasa mahimbing na itong pagtulog. Doon mo binawi ang kamay ko.
Pinagmasan ko lamang siya sa mga sumunod na sandali. Mas matapang ka pa sa inaakala ko, Eli. Saludo ako sayo. Gamit ang kamay ay pinahid ko ang ilang lupang napunta sa mukha nito. Basa ang kanyang buhok. Pati na ang kanyang damit. Maging ako man.
Sumandal din ako sa punong sinasandalan nito. Harapan na ang magiging labanan ngayon. Dapat naming maunahan ang reyna bago pa kung ano ang gawin niya.Isang oras pa ang lumipas bago dumating si Third. Madami itong dalang halamang gamot. Hinayaan ko na ito na siyang magtanggal sa damit ni Eli. Nagtulong kaming dalawa na lapatan ng lunas ang mga natamo nitong sugat.
Ilang oras pa ay nilamon na ng dilim ang paligid. Gumawa ako ng siga na siyang nagsilbi naming tanglaw.
“Ano na ngayon ang plano mo?” Tanong ni Third habang naka-upo sa hindi kalayuan at nakatingin kung saan.
“Wala pa ding nagbabago. Pababagsakin pa din namin ang reyna.” Sagot ko sa kanya. Tulog pa din si Eli. Mukhang epektibo ang mga halaman dahil bumaba na ang lagnat nito at tumigil na din sa pagdurugo ang malaki niyang sugat sa tagiliran.
“Hindi kaya kayo mahirapan niyan?” Tanong niya ulit. “Sumaglit ako kanina sa siyudad. Bali-balita na doon ang ginawa ninyong pagtakas. Taksil na ang tawag nila sa inyo at may patong na din kayong dalawa ng malaking halaga para sa ulo ninyo.”
“Wala akong pakielam sa kanila.” Mabilis na sagot ko sa kanya.
“Magpahinga ka na.” Sabi niya at sumandal sa isang puno bago pumikit. “Kapag bumuti na ang lagay ng kasama mo ay maari na tayong palihim na bumalik sa Head Quarters.”
“Iyon talaga ang plano ko.” Kailangan naming lahat na mag-usap at gumawa ng bagong plano. Hindi na ito muling nagsalita pa. Ilang sandali pa'y nakatulog na din ako.
********
Nate's POV
Kinabukasan
Charlie's Private Office“Nakausap ko na si Third. Nasa ligtas silang lugar.” Sabi ni Charlie
“Saan?” Tanong ni Lily.
“Huwag ninyo ng alamin. Ang importante at ligtas sila.”
“Gusto kong malaman kung nasaan sila.” Tingnan ko siya mata sa mata. “Don't tell me wala kang tiwala sa amin at pinagdududahan mo kami?” Prangkahan na 'to.
Ilang segundo kaming nagtitigan na dalawa bago ito umiwas ng tingin. “Okay. Nasa kabundukan sila ng Allegiant.”
“Allegiant?” Ulit ni Lily. “Eeewwwww. Kadiri ang lugar na 'yon. Pang-mahirap.”
“Mas kadiri ka pa don.” Sabi sa kanya ni King na talagang nakisama na din dito.
Tumingin ako sa labas. Mula dito sa napakataas na palapag ay ay kitang-kita ang kabuuan ng Head Quarters. Wala naman akong problema kay King. Madali lang ang isang 'yan. Ganoon din si Lily. Hindi ako komportable sa bagong salta na si Third. Masyado ng maraming pumapapel dito. Sino ba siya? Iba ang kutob ka sa kanya. Basta na lang susulpot at tutulungan kami? May kakaiba sa bagay na 'yon at alam kong malalaman ko 'yun. Kung kaibigan siya ni Charlie ay tiyak akong alam din niya ang mga plano nito. Baka may mga alam din siya. Isa pa siya sa mga kailangan kong bantayan ng maiigi. Mukhang ito na ang pagkakataon para muli akong kumilos. Kailangan kong ituloy ang pag-iimbestiga at pagmamanman ko. Kailangan kong mahanap ang mga magulang ko. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako napasama sa The Four at ngayon ay nandidito pa din.
“Guys, may nami-miss ako.” Sabi ni Lily mayamaya.
“Ano o sino?” Tanong ni King.
“Nakakamiss yung fried chicken na tinda sa school. Unang kagat, harina lahat.”
Binalingan ko ang babaeng baliw. “Ang funny mo. Sana kunin ka na ni Hesta para may circus na sa palasyo.”
“Go lang. Para mapagplanuhan ko na din kung paano ko siya mapapalitan sa trono. Ang saya 'non, hindi ba?”
Natigil ang pag-uusap namin ng tumunog ang telepono. Si Charlie na ang sumagot noon. Ilang sandali pa'y ibinaba na din agad nito iyon.
Tumingin siya sa amin isa-isa bago nagsalita. “She's finally awake.”
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...