Lily's POV
Mga punyetang vaklang 'yon. Ala-una na ng madaling araw pero hindi ko pa din sila makita. Nalakad ko na ang buong over pass kanina pero hindi ko doon nasilayan sila Lavinia at Nathan. Bumalik ako sa pwesto namin pero kahit si Eliazar ay wala na din. Saan nagpunta ang nga chaka na 'yon? Iniwan ba nila ako? Bahala sila dahil hindi sila makaka-survive sa mundong ito kung hindi nila ako kasama.
Hindi ko na alam kung saan ako nakarating sa paghahanap sa kanila. Basta ang alam ko lang lakad ako nang lakad at ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ang dilim na. Sing dilim ni Eli. Hindi naman ako natatakot. Wala sa bokabularyo ko 'yan, no? Sila ang dapat matakot sa akin at sa kung anong kaya kong gawin.
Naupo ako sa isang tabi habang pinapanood ang mga nagdaraanang sasakyan. Anong gagawin ko? Nasaan na ang mga kasama ko? Baka hinahanap na din nila ako. Ilang oras na din ang lumipas. Gustuhin ko mang bumalik sa pinanggalingan ko kanina ay hindi ko magawa dahil hindi ko na alam ang daan patungo doon. Naliligaw na ako.
Ngayon ko naramdaman ang pag-iisa... ang pangungulila... ang takot... Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa aking mga mata....
.
.
.
.
.
.
.
Charot.
Tumayo ako at nagpameywang. Ako si Lily Cruz kaya hindi dapat ako panghinaan ng loob. Laban lang. Muli ay naglakad ako sa kawalan. Ano ang dapat kong gawin?
Hmmmm. Isang idea ang pumasok sa isip ko ng makakita ang isang punerarya. Bukas pa iyon. Nilapitan ko ang lalaking nakatayo sa harapan niyon na parang nag-aabang ng costumer.
“Hi.” Bati ko sa kanya. Huwag siyang mag-alala. Wala akong planong masama sa kanya. Ang pangit ng itsura niya. Mukhang luya na may lupa pa.
“Ano po 'yun?”
Nginitian ko siya. “Magpapa-imbalsamo sana ako.”
“Ah, okay. Nasaan ang patay?”
Pinakita ko sa kanya ang aking hinliliit na daliri sa kaliwang kamay. “Eto. Patay na kasi 'yung kuko ko dito. Pwede pa-imbalsamo?”
Napatakbo ako ng iamba niya sa akin ang monoblock na inuupuan niya. Grabe si kuya. Highblood? Ang sarap mang bwiset. Nakakawala ng pagod. Inaantok na ako. Kailangan kong makahanap ng matutulugan. Bukas ko na po-problemahin kung paano ko mahahanap ang mga kasama ko. May plano naman na kaming napag-usapan kung sakaling magkahiwa-hiwalay kami. 'Yun ang susundin ko. Ang mahalaga ngayon ay makahanap ako ng matutulugan dahil malapit na talagang bumigay ang katawan ko. Pagod na pagod na ako.
Pinara ko ang isang jeep na dumaan. Bahala na kung saan ako mapunta. Tinatamad na talaga akong maglakad, eh. Ang nakalagay sa karatula ng jeep ay Tondo Market. Wala na akong pakielam kung saang lupalop man iyon ng universe. Gusto ko lang ay umupo.
“Hey, move away.” Sabi ko sa babaeng nasa bukana ng jeep. Wala itong nagawa kundi ang sumunod dahil tinitigan ko siya ng masama. Subukan niyang tumutol dahil ngayon pa lang ay liligwakin ko na siya.
Isinandal ko ang sarili doon. Wow. Napakasarap sa pakiramdam. Napatingin ako sa lalaki sa harap ko. Nagbe-vape ito. Akala ba niya ay ikina-gwapo niya 'yon? Mukha lang siyang kapre. Ang dami namang pangit dito. My gaaaaddd. Gusto ko ng bumalik sa Athens.
Infairnes, medyo puno itong jeep. Ang sikip na nga sa totoo lang. Madami pa palang sumasakay kahit sa ganitong oras. Pinasya kong magmasid na lamang sa paligid. Kahit madilim na ay kitang-kita ko pa din ang mga duming nagkalat kung saan-saan. Kung sa Divergent sila nagkalat ng ganito ay paniguradong nabitay na ang kung sino mang mangangahas na gumawa niyon. Ang dirty naman sa lugar na ito. Muli kong ibinalik sa loob ng jeep ang aking pansin dahil wala naman akong nakikitang magandang tanawin sa labas kundi mga building, mga tindahan ng kung anik-anik at mga pulubing natutulog kung saan-saan. Kanina, naisip kong gayahin na din ang mga ito pero parang hindi keri ng beauty ko.
Pinagmasdan ko isa-isa ang mga pasahero. Ang dami nilang ganap. May kanya-kanya silang ginagawa. Tulad ng babaeng nasa tabi ko na nakatulog na pala. Sa kahabaan ng byahe ay bigla na lamang nagpreno ng malakas si Manong Driver. Tumama tuloy sa mukha ko ang kamay ng babaeng nakakapit sa bakal.
Papalampasin ko na sana iyon pero imbes na humingin ng paumanhin ay bumalik ito sa pagtulog. Dedmatology? Aba, matindi. Hindi pwede 'yan. Nasaktan ako, eh! Malakas na tinadyakan ko ang kanyang paa.
Napasigaw ito. “Ano ba?!”
Tinignan ko siya. “Sorry. Akala ko may ipis.”
Pagkatapos niyon ay muli itong bumalik sa pagtulog. Puyat, te? Dapat nagdala ka na din ng unan at kumot para lubos lubos na ang pag-idlip mo. Habang tumatagal ay padulas siya ng padulas sa akin. Ginawa pa akong kama. Bumilang ako ng tatlo at ginawa ang nasa isip ko. Umalis ako sa kinauupuan at pumwesto sa gitna. Natumba ito at tumama sa bakal. Nang mahimasmasan siya ay bumalik ako sa pwseto at hinarap siya. “Isa pang tulog at ihahagis na kita sa labas ng jeep na ito. Nakakaabala ka na!” Sigaw ko sa kanya. Pinagtinginan tuloy kami. Hindi na ito nakaimik dahil sa hiya. Ayan. Ganyang nga. Bwiset na babaeng 'to. Saan kaya ako bababa? Mukhang mahaba-haba pa ang byahe na 'to.
Ilang minuto ang lumipas ng biglang may dalawang batang badjao na nag-akyatan sa jeep at kumanta ng hindi ko mainitindihan. Nasa estribo yung batang lalaki habang nakanta at ang kasama naman nitong babae ang pumasok sa loob ng jeep at binigyan ang lahat ng pasahero...kasama ako, ng ampao. Minsan na nga lang makatanggap ng ampao sa mga batang ito pa.
Nilagyan ko iyon ng baryang galing sa mundo namin. Bago ibigay sa batang babae ay hinawakan ko ang braso niyang malibag. "Ano to, overtime? Kaloka kayo, ha.”
Pagkasabi niyon ay umalis na ang mga ito. Sa lugar namin ay wala kang makikitang mga namamalimos. Rich kami lahat 'dun, eh. Sa lugar nila Eli at Lavinia. Ayan, diyan sila nagkalat. Balita ko malaki daw ang kitaan diyan. Ma-try nga minsan. Pero naniniwala talaga ako na walang mamalimos kung walang magbibigay. And I, thank you.
“Yung mga walang bayad diyan, magbayad na.”
Naputol ang pag-iisip ko ng madinig ang sinabi ng driver. Wala pala akong pambayad. Pero may solusyon ako diyan. Pumikit ako at nagkunwaring tulog. Ako pa ba? Sanay ako sa mga ganitong kalakaran. Hindi ko na namalayan na tuluyan na pala akong hinila ng antok.
BINABASA MO ANG
The Dark Side
Fantasy"The Law Of Survival" Apat na nilalang na magkakaiba pero pinagbuklod ng tadhana para sa iisang hangarin. They believe a true warrior don't need luck, they need possible. Let them show you the infinite possibilities of magic, love and sacrifice. Th...